John Prats on dating Rachelle Ann Go: "Single ako, single siya... There's no reason para ikahiya."

"Bukod sa maganda, sexy, at magaling kumanta, nakita ko kasi kung paano siya sa pamilya niya. At nakita ko rin ang sarili ko kung paano ako sa pamilya ko. That's really important for me kasi nagre-reflect sa iyo kung paano ka, paano ang family ninyo, kung anong values ninyo," sabi ni John Prats tungkol kay Rachelle Ann Go (inset).


Pagkatapos umamin ni Rachelle Ann Go na nag-date sila ni John Prats sa Eastwood mall sa Pasig City noong late October, ngayon naman ay ang young actor ang umamin sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na lumalabas nga sila ng singer.

Ironic nga lang na kung kailan lumipat si Rachelle sa bakuran ng GMA-7 ay saka pa sila tila nagkagustuhan ni John.

Magkasama noon ang dalawa sa musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP.

Si Rachelle ay regular na napapanood ngayon sa katapat na programa nito sa GMA-7, ang Party Pilipinas.

"Oo, lumalabas naman kami. May mga group dates, may mga kami lang," sabi ng 26-year-old actor noong Huwebes, November 4, sa taping ng Banana Split.

Dagdag niya, "Matagal ko nang kilala si Shin [palayaw ni Rachelle], nung ASAP pa lang. Ngayon lang kami ulit nagkasama dahil kina Jommy [Teotico] at Eric [Santos] kasi nakasama ko sa tours ang mga yun. At yun ang naging daan na magkasama kami ulit sa labas."

HINDI PLANADO. Aminado si John na masaya siya sa tinatakbo ng samahan nila ni Rachelle, lalo't hindi ito planado o inisip niyang mangyayari pala in the future.

"Masaya kasi hindi planado," sabi niya. "Hindi yung nasabi ko na 'type ko itong babaeng ito,' walang ganun, e.

"Nagsimula lang talaga nung lumabas kami hanggang sa na-enjoy namin yung company ng isa't isa. Ganun lang talaga siya nangyari, hindi nag-e-expect ng kahit na ano kaya masaya. Walang pressure, walang expectations."

Gaano ba ka-special para sa kanya si Rachelle?

"Special siya sa akin kasi siya yung taong mas madalas kong nakakausap ngayon, nakaka-text, at nandiyan para makinig at tumawa sa mga kuwento ko," sagot ni John.

Ano na ang estado ng kanilang relasyon?

"Ayoko kasing gamitin yung term na ligaw. And ever since, alam n'yo naman na talaga yun.

"Pag ligaw kasi, best foot forward, e. Pero alam naman niya na hindi naman siguro ako magte-text at tatawag sa kanya kung hindi ko naman siya gusto," saad ng kuya ni Camille Prats.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inisa-isa rin ni John ang mga katangian na nagustuhan niya kay Rachelle.

"Bukod sa maganda, sexy, at magaling kumanta, nakita ko kasi kung paano siya sa pamilya niya. At nakita ko rin ang sarili ko kung paano ako sa pamilya ko.

"That's really important for me kasi nagre-reflect sa iyo kung paano ka, paano ang family ninyo, kung anong values ninyo. Sobrang bonded at tight sila, may sense of humor, kuwela, tutok ang mommy niya sa kanya at sa mga kapatid niya.

"Nakita ko ang ganda ng family bonding nila. Dun talaga ako na-touch."

MEET THE PARENTS. Inamin din ni John sa PEP na ipinakilala na niya si Rachelle sa family niya at ganun din naman ang singer sa pamilya nito.

"Very casual kasi walang pressure na, 'Uy, ipapakilala kita sa parents ko,'" banggit ni John.

"In-invite ko siya. Kinulit kasi ako ng daddy ko ko kung kailan daw nila makikilala si Shin. So, sabi ko sa kanya [Rachelle], 'Gusto mo punta ka sa bahay, meet mo naman sila.' Ganun lang ka-casual.

"Tapos, yun nga, na-meet na niya ang family ko. Happy naman ako that's everyone's happy.

Dagdag pa niya, "Nakakausap ko yung parents niya, pero hindi naman ako nasa stage na 'hingin ko na po ang kamay ng anak ninyo.'

"Masaya lang kasi na-feel ko na welcome ako sa bahay nila. Sobrang warm ng pagwe-welcome nila sa akin.

"Alam na nila Tita na gusto ko ng kape. Kaya pag pumupunta ako dun, inaalok sa akin ay kape."

Ikinuwento rin sa amin ni John ang mga bagay na pinagkakasunduan nila ni Rachelle.

"Tumama kasi mahilig akong manood ng movies. Hindi ako mahilig lumabas. Ganun din naman siya, so yun siguro ang pinakamagandang bonding time na nagkakasundo kami."

ON THE REBOUND? Sariwa pa sa isip ng mga tao ang breakup ni Rachelle kay Gab Valenciano at ang hiwalayan nina John at Shaina Magdayao. Marami tuloy ang nag-iisip na baka love on the rebound daw ang nangyari kung kaya't nagkagustuhan sina John at Rachelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay John, "Siguro kung after ng breakup, siguro rebound yun. Pero dumaan naman na kasi sa stage na minahal ko yung sarili ko. Dun ko naisip na baka puwede na akong magmahal uli.

"Lovable naman ako at loving. Kumbaga sa akin, hindi ko kasi talaga in-expect. Biglang humabol, e, kaya masaya ang Pasko. At hanggang ngayon, hindi ako nag-e-expect. Basta, sana lang."

Nagpaalam ba siya kay Gab, lalo't sila ang madalas na magkasama sa mga production numbers sa ASAP?

"Although hindi naman kasi kami ni Shin, pero siyempre nakakasama ko si Gab sa ASAP XV at Banana Split. Kinausap ko siya, sinabi ko sa kanya na lumalabas kami ni Shin.

"Ipinaalam ko kay Gab kasi para, alam mo yun, kung anuman ang mangyaari in the future, hindi naman kasi natin alam kung ano ang mangyayayri. Pero at least, sa akin nanggaling at sinabi ko sa kanya.

"Ang sabi sa akin ni Gab, okay naman daw. Matagal naman na kasi.

"Hindi ko naman kasi sinabi sa kanya na parang ang dating, e, liligawan ko or kami na. Sinabi ko kay Gab na lumalabas kami. At kung anuman mangyari, at least sa akin niya yun unang narinig."

Kung dati ay medyo sarado si John sa mga relasyon niya, ngayon ay bukas na ito at walang itinatago sa publiko.

"Wala naman kasi akong intensiyong masama, wala naman akong masamang ginagawa.

"Very clean ang lahat. Single ako, single siya [Rachelle]. Wala naman kaming natatapakang ibang tao, there's no reason para ikahiya," pahayag ni John.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN