Angel Locsin seeks justice for her murdered 28-year-old niece

Magbibigay ng pabuya ang Kapamilya actress na si Angel Locsin sa kung sino mang makapagbibigay ng impormasyon para maaresto ang suspek sa pagpatay sa kanyang pamangkin sa Carcar, Cebu.


Naging emosyunal si Angel Locsin nang makapanayam ng ABS-CBN News tungkol sa pagkamatay ng kanyang pamangking babae.

Ayon sa balita, namatay si Rachelle Marie Colmenares Salvador Sansan, 28, noong Nobyembre 5 dahil sa saksak.

Natagpuan ang bangkay ni Rachelle sa tinitirhan nito sa Barangay Perrelos sa Carcar, Cebu.

Ang tunay na pangalan ni Angel ay Angelica Colmenares. Si Rachelle ay apo ng tita ng Kapamilya actress.

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News, idinetalye ni Angel kung paano pinahirapan ang kanyang pamangkin bago pinatay.

Parang hayop daw ang pagkakatrato kay Rachelle—bugbog-sarado raw ang bangkay nito at malapit nang mapugutan ng ulo.

Itinuturo ni Angel ang asawa ng biktima na si Fernando, 44, bilang suspek sa karumal-dumal na krimen.

Ayon kay Angel, nakakatanggap na ang kanyang pamilya ng mga death threats mula kay Fernando.

Pakiusap pa ng aktres, sana raw ay umaksyon na ang mga awtoridad para di makatakas ang suspek. May hinala ang pamilya ni Angel na baka umalis ng bansa si Fernando.

Handa rin si Angel na magbigay ng pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon upang maaresto ang suspek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN