Dingdong Dantes plays Regine Velasquez's leading man in I Heart You, Pare

"I believe in her spontaneity, yung pagka-spontaneous niyang tao, na nakakaaliw. Kahit ako, namamangha sa mga pagbibitiw niya [ng dialogue]. Baka matawa ako on the spot!" sabi ni Dingdong Dantes tungkol sa kanyang leading lady na si Regine Velasquez.


Matapos siyang mai-launch bilang Youth Ambassador for the Arts noong Sabado, November 6, sumabak agad sa trabaho ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Ito ay ang bago niyang teleserye para sa GMA-7 kunsaan makakapareha niya si Regine Velasquez, ang I Heart You, Pare. Sinimulan ang taping nito noong Martes, November 9.

During the launch, naitanong kay Dingdong kung anong ginagawa niyang paghahanda kapag may uumpisahan siyang proyekto. No doubt, preparado na si Dingdong sa pakikipagtrabaho sa Asia's Songbird, ayon sa naging mabilis na takbo ng mga pangyayari.

"The last time we did something like this was a long time ago," panimula ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "May ginawa kaming TV special noon, parating ipinapalabas 'pag Mahal na Araw.

"At saka isang pelikula, kasama niya si Christopher de Leon, Pangarap Kong Ibigin Ka. Siyempre, matagal na 'yon, iba rin yung ngayon."

Year 2002 nang gawin at ipalabas ang Pangarap Kong Ibigin Ka, na supporting pa lang si Dingdong.

This time, sa I Heart You, Pare, siya na mismo ang kapareha ng Asia's Songbird.

"Yung preparation, e, pareho rin sa kung meron akong bago talagang leading lady," sabi ng matinee idol. "Because siyempre, iba na rin yung landscape, iba na rin yung timpla ng characters. So it is equally as challenging as it was the first time."

BONDING WITH REGINE. Sa pagre-recall pa ni Dingdong tungkol pagkakataon na nagkasama at nag-bonding sila ng singer-actress, aniya, "Ang masasabi ko, yung latest tour namin, sa America."

Ang tinutukoy ni Dingdong ay ang Heart 2 Heart concert tour nina Regine at Ogie Alcasid kunsaan naging special guests sina Dingdong at Marian Rivera. Isang buwan silang naglibot sa iba't ibang panig ng U.S. at Canada para mag-perform sa mga kababayan natin doon. (CLICK HERE to read related story.)

"Limang concerts 'yon," pagkukuwento pa ng 30-year-old actor. "Magkasama kami for a long time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And, nagkaroon pa kami ng duet. So, kahit papa'no, e, may [bonding] kami...meron siyang second voice. Second voice lang po ako!" natatawang biro pa niya.

Tinanong din si Dingdong hinggil sa naging obserbasyon niya kay Regine sa panahong 'yon ng pagtatrabaho nila abroad.

"Mas madalas ko siyang nakikitang masaya," wika niya.

Ano naman ang damdamin ng aktor ngayong aarte sila together ni Regine?

"Natatakot ako. Baka matawa ako kapag nagpa-punchline siya!" tawa rin ni Dingdong.

Isang romantic comedy ang I Heart You, Pare at inaasahang magiging kuwela ang bagong tandem.

"Bilib ako sa kanya sa mga rom-com [romantic comedy] na ginagampanan niya," pagtukoy ni Dingdong sa aktres.

"I believe in her spontaneity, yung pagka-spontaneous niyang tao, na nakakaaliw. Kahit ako, namamangha sa mga pagbibitiw niya [ng dialogue]. Baka matawa ako on the spot!"

MOVIE WITH KRIS. Samantala, magkakaroon ng isa pang bagong leading lady si Dingdong once mag-umpisa ang shoot nila ni Kris Aquino ng pelikula para sa GMA Films.

"Oo, next year. I think, sometime late next year," pagkumpirma ng guwapong aktor sa napabalita.

"Mahirap pang sabihin kasi hindi ko pa alam kung ano ang storyline nito, e. It's hard to compare, not unless you really have both information at hand."

How about directing a movie again, tulad ng ginawa niya noon in an episode of the trilogy movie Angels, na iprinodyus ni Angel Locsin?

"Puwede pa naman 'yon," wika ni Dingdong hinggil sa pagdidirek uli ng isang pelikula. "Mas maganda, marami ka [munang] experiences as an actor bago ka maging direktor."

BETTER ACTOR. Tough time para sa isang tulad ni Dingdong ang maupo sa isang press interview at matanong ng tungkol sa mga negative feedback sa kanyang naging pag-arte, tulad sa natapos nang teleseryeng Endless Love.

Sa nasabing teleserye ng GMA-7 ay nagkatunggali sa pag-arte sina Dingdong at ang premyadong aktor na si Dennis Trillo. May mga nag-opinyon na kesyo "tinalo" o "nilamon" sa aktingan ni Dennis si Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapat na nagbigay ng personal niyang pahayag si Dingdong ukol dito.

Bilang backgrounder, Dingdong (Johnny) and Marian (Jenny) played as lovers in Endless Love. Si Dennis (Andrew) ang naging "mala-kontrabida" sa kanilang pag-iibigan, na ang kuwento'y base sa hit na Korean telenovela.

"Unang-una, it's part of the role, e," umpisa ni Dingdong. "It was really written that way.

"In fact, there was a time na in the middle of the show, medyo na-bore talaga ako sa character. In a way, na-disappoint na hindi naman 'yon ang ine-expect ko, e.

"But siyempre, it was explained to me na babawi daw sa ending, na may gano'n daw talaga. Kasi hindi ko pinanood yung original. Sa original, gano'n daw.

"Sabi ko, hindi naman ito yung original. Bago ito, e.

"But then, I respect that he [Dennis] is... If they say he's a better actor, kanya-kanyang opinyon 'yan. I respect it. He's a friend.

"Pero sa akin lang," patuloy ni Dingdong, "I also believe naman na we all play roles and may panahon kung kelan ka magbibigay at saka hindi. At para sa amin naman [nina Dennis at Marian], pantay-pantay kami dun, e.

"So, kung gano'n man, if it had the opportunity for him [Dennis] to shine that moment, then I would give it."

Hindi nga lingid kay Dingdong ang nasabing mga feedback, na kahit papaano'y nakaapekto sa kanyang morale.

"Kahit ako naman, na-feel ko rin 'yon," seryoso niyang wika. "But lahat naman, ibinabase sa role talaga, e."

Pero hindi nangangahulugang tanggap ni Dingdong ang sinasabing "nasapawan" o "sinapawan" siya ni Dennis sa "acting duel" nila, kung meron man.

"Ay, hindi," diin niya. "Sinasabi ko lang, na yun ang pagkakataon ng character niya na gawin 'yon. And, parang hindi ko [pa] panahon, bilang character na sapawan siya, o magsapawan man, because it was his time during those weeks na mag-shine dun sa istorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We ended good naman. Tapos na, e. Gano'n daw sa gitna, nagiging dull."

CHRISTMAS WITH MARIAN. On a lighter note, masaya si Dingdong sa pagbabalita hinggil sa mga preparasyon niya this coming Christmas season. Sa bansa raw siya magdiriwang ng Pasko with girlfriend Marian Rivera.

"Dito, as usual," sabi niya. "Hindi ko lang alam pa kung gusto kong lumabas ng Manila, e. Hindi ko lang alam pa kung saan. Bahala na, pero dito lang po."

May particular gift ba na gustong matanggap si Dingdong mula kay Marian, o kung kanino man, sa Holiday season?

Nakakatuwa ang binanggit ni Dingdong: "Gusto ko, coffeemaker!"

At ang reason niya for wishing it: "Kasi, parang gusto kong maging morning person na ngayon. Parang yun ang New Year's Resolution ko. Sleep early, wake up early.

"Simple lang ako. Coffeemaker lang. Kasi, hindi talaga ako bibili nun!" kuwelang sabi ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN