Nora Aunor will not come home this month, confirms Kuya Germs

Ibinalita ni German Moreno (inset) sa PEP na hindi na matutuloy ang pag-uwi ng Superstar na si Nora Aunor (main photo) ngayong buwan. May inaaayos pa raw kasing mga papales ang aktres at may mga kahilingan din ito sa mga TV networks na gustong kumuha ng kanyang serbisyo.


"It 's final! Hindi makakauwi ngayong buwan si Guy!"

Ito ang ibinalita ni German "Kuya Germs" Moreno sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol kay Nora Aunor nang makausap namin siya noong Martes, November 9, sa radio program nito sa dzBB.

Hindi alam ni Kuya Germs kung kailan talaga uuwi ng Pilipinas ang Superstar.

"Hindi niya sinabi kung kailan siya makakauwi," sabi niya. "Gustung-gusto na niyang makauwi ngayong second or third week ng Nobyembre, pero hindi pa puwede."

Ayon pa sa veteran TV and radio host, may mga inaayos pang papeles ang Superstar kaya hindi pa ito makauwi.

"Kung ano mang papeles yung inaayos niya, hayaan na lang nating sa kanya na lang yun. Ayoko nang idetalye kung ano yun."

Sabi pa ni Kuya Germs, "Alam kong maraming Noranians ang malulungkot, pero hindi natin alam, baka bigla na lang dumating si Guy next month or sa mga susunod pang buwan. Pero siguradong hindi ngayong buwan."

NORA'S REQUESTS. May mga request din daw si Nora sa mga TV network na gustong kumuha sa kanya para mapadali raw ang pag-uwi nito sa Pilipinas.

Sabi ni Kuya Germs, "Nung nakausap ko si Guy, ilan sa request niya sa mga TV network na kumukuha sa kanya—na alam ko na marami, pero ayoko muna sabihin kung anong mga TV network—ang matitirahan pag-uwi niya sa Pilipinas.

"Request niya rin na kailangan meron siyang service para pag may taping siya o kaya appointment. Request niya rin na bigyan siya ng pamasahe pabalik ng Pilipinas.

"Mas mapapadali daw kasi ang pag-uwi niya kapag lahat ng request niya ay mabibigay nung mga TV network na gustong kumuha ng kanyang serbisyo. At kung sino daw ang unang makakapagbigay sa kanya ng kanyang mga hiling ay doon siya magtatrabaho."

Dagdag ng Master Showman, "Pa'no nga namang makakabalik si Guy kung wala siyang matitirhan? At papaano siya makakapunta sa kanyang mga tapings at appointments kung wala siyang sasakyan, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naiintindihan ko si Guy kasi kailangan niya talaga lahat 'yan.

"Alam kong marami ang magkakainteres na kunin ang serbisyo ni Guy. Alam naman natin na hindi na maiaalis na magaling na aktres si Guy.

"Kaya naman kung sino ang makakagbigay ng mga hiling ni Guy, malalaman natin 'yan pag nakabalik na siya dito.

"Pero malabo talagang makabalik ngayong buwan si Guy. Kahit miss na miss na niya ang pag-arte sa telebisyon at pelikula, dahil yun ang parati niyang sinasabi pag nagkakausap kami.

"Let's pray na lang na sana may TV network na handang ibigay ang mga kahilingan ni Guy para mas mapabilis ang pag-uwi niya. Marami na rin ang nakaka-miss sa kanya, lalong-lalo na ang kanyang mga Noranians."

Nabanggit din ni Kuya Germs sa PEP na ia-update na lang niya kami kapag nagkausap sila uli ng 57-year-old actress.

"Doon natin malalaman kung kailan talaga siya makakabalik at makakapagtrabaho muli sa Pilipinas," sabi niya.

Walong taon nang naninirahan sa U.S. ang Superstar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN