Newcomer Martin del Rosario lands lead role in his first movie, Dagim

"Before naman I did this film, wala pa naman akong experience sa acting sa movie. Nagulat talaga ako na magiging part ako nito. And when I read the script, I realized na iba talaga ang role na ito sa mga nagawa ko sa TV. This is one of the challenging roles that I did," sabi ni Martin del Rosario tungkol sa first movie niyang Dagim.


Masaya ang young actor na si Martin del Rosario dahil siya ang napili na maging bida sa Cinema One Originals entry na Dagim. Ito ang unang acting assignment sa pelikula ng Star Magic contract star.

Ang Dagim ay idinirek ng singer-TV host na si Joaquin Pedro Valdes.

Dumalo si Martin sa opening night ng Cinema One Originals na ginanap kagabi, November 10, sa Shangri-La Mall, Mandaluyong City, at dito siya nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kitang-kita sa batang actor, who will turn 18 on Novemebr 25, ang kanyang excitement. At masayang kausap ang makuwentong Martin.

"Itong Dagim ang first film ko and for me, sobrang thankful ako and grateful na naging part ako ng Cinema One Originals. Bihira lang naman ito dumarating sa buhay, na magkaroon ng break sa pelikula.

"Iba ito sa television acting. Magandang break ito at magandang training din ito sa akin in terms of acting," pahayag ni Martin.

WORKING WITH DIREK JOAQUIN. Ano ang naramdaman niya nang alukin siya ni Direk Joaquin na maging bida sa pelikula?

"Sobrang saya ako na makatrabaho si Direk Joaquin, although first time ko siyang nakatrabaho talaga," sagot ni Martin.

"Alam mo, gaganahan ka talagang magtrabaho kasi makikita mo ang passion for his work, dito sa film na ginagawa niya. Tapos, makikita mo rin ang production na magagaling talaga.

"Kita mo naman ang output. Mapu-prove mo talaga kung gaano sila kagaling.

"And for me, as an actor, mas na-inspire ako na galingan pa ang acting ko sa ginagawa ko sa Dagim, kasi nakikita na lahat sila ay nag-e-exert ng effort para pagandahin ang pelikula. Kaya naman ibinigay ang lahat sa film na ito."

"KAKAIBANG ROLE." Isang malaking sorpresa raw para kay Martin na siya ang napiling gumanap sa lead role sa pelikula.

Sabi niya, "Before naman I did this film, wala pa naman akong experience sa acting sa movie. Nagulat talaga ako na magiging part ako nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And when I read the script, I realized na iba talaga ang role na ito sa mga nagawa ko sa TV. This is one of the challenging roles that I did.

"Iba kasi ang character na pino-portray ko kasi medyo loud siya. Tapos may kasamang fear and anger ang emotions na kailangan kong i-convey. Ang character ko sa film ay malayong-malayo sa personality ko.

"Pero natutuwa ako kasi nabigyan ako ng pagkakataon na mag-portray ng isang kakaibang role. Sa umpisa, lalo na before kami mag-shoot, parang ang dami kong iniisip. Kailangan kong pag-aralan ang character kaya ang dami kong kailangang isipin.

"Pero noong nasa shoot, lalo na pag may mabibigat na scenes, ginagawa kong memories 'yon para may paghuhugutan ako. Effective naman. Napi-feel ko ang story and after nga ng shoot, parang ang dami ko pang dinadala sa sarili ko."

Welcome kay Martin na muling mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng pelikula. He considers it a big opportunity na magawa ng pelikula.

"Gusto ko rin po kasi na ma-enhance ko ang skills ko sa acting. At saka, although sinasabihan ako na magaling ang performance ko, I still crave to learn.

"Hindi naman ako nag-artista para sumikat. Gusto ko pong mag-artista para ma-improve ko ang aking pag-arte. Gusto ko talaga umarte," wika pa niya.

DISCOVERING MARTIN. Manager ni Martin ang movie scribe na si Jun Reyes, na siya ring manager ni Gerald Anderson.

Kuwento ni Martin, nadiskubre raw siya habang naglalakad siya sa tapat ng Lourdes School, Quezon City kung saan siya pumapasok. Bibili raw naman si Jun ng lechon dahil birthday ni Gerald noon. Tinanong daw siya ni Jun kung gusto niyang mag-artista.

"Sabi ko, ayoko," patuloy ng young actor. "'Tapos, binigyan niya ako ng calling card, 'tapos hiningi niya ang number ko. Ibinigay ko ang cell phone number ng mommy ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tutal summer naman 'yon, so nagpunta ako sa ABS. Nag-undergo ako ng workshop.

"'Tapos, all of a sudden, the next day, ni-launch na ako. Nagkaroon ako ng first TV show.

"Ang first show ko was Natutulog Pa Ang Diyos with RoxanneGuinoo, Rosanna Roces, Dina Bonnevie, at Jake Cuenca. After that, nakalabas na ako sa several episodes of MMK [Maalaala Mo Kaya]."

RELUCTANT ACTOR. Kuwento pa ni Martin, "First film ko ang Dagim, pero una lang ipinalabas ang Till My Heartaches End, kung saan gumaganap din ako ng medyo mabigat na role.

"Kasi, isa ako sa friends nina Kim [Chiu] at Gerald. Yung mga friends kasi ang nagna-narrate ng buhay nina Kim at Gerald. Parang tsinitsismis namin ang buhay nila, ang love life nila.

"So, technically, para kaming mga tsismoso at tsismosa na nagkukuwento about Kim and Gerald," kuwento pa niya.

Kung noong una ay medyo reluctant si Martin sa pag-aartista, ngayon ay okay na ito sa kanya, basta't hindi maapektuhan ang kanyang pag-aaral.

Priority niya raw ang pag-aaral, pero nakikita naman daw niya na kaya niyang pagsabayin ang school at ang pag-aartista.

Nag-aaral si Martin ng Business Administration sa UP Diliman at regular daw siyang pumapasok, just like any ordinary student.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN