John Lloyd Cruz surprised by rumor that ex-girlfriend Liz Uy and President Noynoy Aquino are engaged

Actor John Lloyd Cruz reacts to rumor that ex-girlfriend Liz Uy is engaged to President Noynoy Aquino. John Lloyd says he will only believe the rumor when he receives a wedding invitation.


Ikinagulat ng aktor na si John Lloyd Cruz ang balitang magpapakasal na ang ex-girlfriend niyang si Liz Uy kay President Noynoy Aquino.

Lumabas kasi ngayong araw, November 11, sa isang tabloid na may wedding date na raw sina PNoy at Liz Uy—October 11, 2011. Si Liz ang stylist ng Pangulo.

Sa panayam sa kanya ni Marie Lozano sa ABS-CBN News, sinabi ni John Lloyd na maniniwala lang siya na ikakasal sina Liz at PNoy kung makakatanggap siya ng wedding invitation mula sa kanila.

Pero sa balitang nagkakamabutihan na ang dating kasintahan at ang Pangulo ng Pilipinas, sinabi ni John Lloyd na hindi naman mahalaga ang estado ng isang tao kung pag-ibig na ang pag-uusapan.

Ayon pa sa award-winning actor, hindi naman mahirap mahalin si Liz dahil marami itong magagandang qualities.

Kahit hindi na raw sila nag-uusap, hinahangad pa rin daw ni John Lloyd ang kaligayahan para sa dating kasintahan.

Nakiusap din si John Lloyd na igalang ng mga tao ang pribadong buhay nina Liz at PNoy.

Partikular na raw si Liz, na bagamat celebrity na ring maituturing ay hindi naman kagaya niyang isang artista.

Bagamat may lumalabas nang engagement rumor sa kanila, wala pa namang inaamin ang Pangulo at si Liz tungkol sa anumang relasyon nila.

Sa katunayan, natatawa lang si Liz sa balitang lumabas.

"You can't always believe what you read," sabi ng celebrity stylist sa kanyang Twitter account.

Pero tila may katotohanan ang balitang may namamagitan nga kina PNoy at Liz.

Sa hiwalay na panayam sa eldest sister ng Pangulo na si Ballsy Cruz, ibinuking nito na "non-exclusively dating" ang kapatid at si Liz.

Kinumpirma rin ni Ballsy na break na sina PNoy at Valenzuela City councilor Shalani Soledad.

Aniya, “Kasi kaka-break lang naman niya. Alam ko, naglalabas pa siya sa ibang mga babae.

"After all these years, parang hindi na namin masyado napapansin kasi 50 na rin siya [PNoy]. Siyempre kapag bata, talagang excited kaming lahat. Pero kapag ganyan pinapabayaan na namin di ba.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN