Heart Evangelista breaks silence on rift with manager Annabelle Rama

"You know, kung anuman yung naging desisyon ng pamilya ko... Siyempre kahit anuman yun, when a contract ends and things didn't work out, the other camp will always feel bad or good or whatever about the situation. And at this point, she [Annabelle] feels bad and I understand that. Kaya tahimik lang kami kasi we want to be humble about the situation," says Heart Evangelista about not renewing her co-management contract with Annabelle Rama.


Hindi napigilang maging emosyunal ni Heart Evangelista nang hingan siya ng mensahe para sa kanyang nakaalitang manager na si Annabelle Rama nang mag-guest siya sa showbiz talk show na Tweetbiz kagabi, November 11.

Bukod sa pagso-sorry ay nagpasalamat din si Heart kay Annabelle dahil sa ginawa nito para sa kanyang career.

"I'm really, really sorry about this. I tried my best, you know. I love my job and I'm very thankful for everything. Yun lang," mangiyak-ngiyak na sabi ni Heart.

Gusto na rin daw talaga niyang maging maayos ang lahat.

"Hate na hate ko talaga ang away. Masaya akong tao, e," sabi pa niya.

Matatandaang sumambulat ang awayan nilang dalawa nang sa presscon ni Annabelle para sa kanyang nakaraang birthday show ay tinawag niya si Heart na "ingrata, walang utang na loob, at malalaos din." (CLICK HERE to read related story.)

Nag-ugat ito sa hindi pagkakasundo ni Annabelle at ng mommy ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Hindi na kasi nag-renew ng co-managerial contract ang kampo ni Heart kahit na sa isang taon pa matatapos ang contract nila.

Habang patuloy sa pagpapa-interview at pagkokomento si Annabelle, pinili namang manahimik ni Heart tungkol sa isyu.

Naglabas lang ang pamilya ni Heart ng statement at ang kanyang Mommy Cecille lang din ang humarap sa sitwasyon. (CLICK HERE to read related story.)

RAYMOND & SOLENN'S COMMENTS. Kagabi sa Tweetbiz ay binasag na ni Heart ang kanyang pananahimik matapos ipalabas ang interview sa kanyang mga kaibigang sina Raymond Gutierrez at Solenn Heussaff.

Hiningan kasi ng komento ang dalawa tungkol sa awayang Heart at Annabelle.

Ayon sa anak ni Annabelle at TV host na si Raymond, na-appreciate niya na naging tahimik si Heart tungkol sa isyu. Pinagsabihan na rin daw niya ang kanyang mommy na maghinay-hinay sa pagsasalita.

Umaasa rin si Raymond na in due time ay maaayos rin ang gulong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, I appreciate the fact that she hasn't addressed it and she hasn't really spoken about it. I appreciate that. Yung mom ko pinagsabihan ko na rin na hinay-hinay, you know. So, yun through time...sana prayers pa," sabi ni Raymond.

Maging si Solenn, na malapit sa pamilya Gutierrez at kay Heart, ay hinahangad din na maging maayos na ang lahat between the two parties.

"I'm not part of it," pahayag ng Survivor Philippines Celebrity Showdown castaway. "But of course, I don't want seeing my friend being hurt."

Dagdag niya, "Also the Gutierrez family, I'm also close to them. So, I don't wanna involve myself din."

Na-touch si Heart sa sinabi nina Raymond at Solenn na gusto rin nilang maging maayos na ang lahat.

Naiintindihan niya rin daw si Raymond dahil mommy niya ang involved dito. Nalulungkot lang daw siya na kailangang umabot ang lahat sa ganitong gulo.

"Siyempre malungkot. Super lungkot," sambit ni Heart.

"At the end of the day, that's their mom and I totally understand that. Sino ba naman ako kumpara sa mommy nila?

"So, all I do now is really pray. I just lift it all up to the Lord.

"At this point, don't do damage to those who do damage to you. So, tahimik na lang. I'll just be humble about the situation."

Sa tingin niya ba ay naiintindihan din siya ng isa pang anak ni Annabelle na si Richard Gutierrez, na naging ka-partner ni Heart sa mga GMA teleseryeng Asero at Full House?

"I hope, di ba?" sabi ng 25-year-old actress. "I hope na really, at the end of the day, I just really want to follow my parents kasi ayoko nung tulad ng nangyari dati.

"So, tahimik na lang ako. Kung ano ang gusto ng family ko...whatever makes them happy, I just give it to them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON BEING EMOTIONAL. Pagkatapos ng guesting ni Heart sa Tweetbiz ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal), kasama ang Startalk crew, na ma-interview ang aktres para hingan siya ng dagdag na pahayag.

Agad nga naming itinanong kay Heart kung bakit siya naging emosyonal sa Tweetbiz.

"Naiiyak lang ako kanina kasi ang tagal ko nang hindi nagsasalita. At ayoko pa ring magsalita.

"So, that's why mabigat, punung-puno. So, siguro dahil doon kaya ako naging emotional," paliwanag niya.

Ayaw na rin kasi niyang lumala pa ang gulo at naiintindihan niya rin si Annabelle.

"Kasi, I'm very careful din... Kasi alam ko, at this point, nasaktan siya.

"And, you know, kung anuman yung naging desisyon ng pamilya ko... Siyempre kahit anuman yun, when a contract ends and things didn't work out, the other camp will always feel bad or good, or whatever about the situation.

"And at this point, she [Annabelle] feels bad and I understand that. Kaya tahimik lang kami kasi we want to be humble about the situation."

Umaasa pa rin daw siya na hindi totally masisira ang friendship niya sa mga anak ni Annabelle na sina Richard at Raymond.

"Kung hindi man siya maayos, at least malaman nila na I will always be grateful. At saka thank you na na-appreciate nila yung in return na ginagawa namin na tahimik lang kami," pahayag ni Heart.

DWARFINA IS NOT ON HOLD. Kaugnay ng isyung ito, may lumabas na balita na dahil umano sa alitan nina Heart at Annabelle, hindi na matutuloy ang susunod na telefantasyang pagbibidahan ni Heart sa GMA-7, ang Dwarfina.

Kinontra ni Heart ang balitang ito at sinabi niyang tuluy na tuloy ito.

Nasaktan din ba siya nang lumabas ang balitang hindi matutuloy ang Dwarfina?

"Hindi naman ako nasaktan kasi alam ko na matutuloy naman siya," sabi niya. "Siguro, ano lang, nasasaktan lang ako kapag siyempre when things are said about me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ganun talaga ang show business. Kailangan matibay talaga ang loob mo."

Hindi niya lang daw nagustuhan ang pagkokonek sa away nila ni Annabelle sa isyu ng kanyang projects.

"Madaming konek-konek. Siguro ipakita ko na lang na humble ako. Yung trabaho ko, talagang pagbubutihan ko and stuff like that."

Nakapag-pictorial na raw sila para sa Dwarfina at malapit na rin silang mag-taping para rito.

"Nag-pictorial na kami. Ang taping namin... Kasi una mga bata pa, so mag-start na silang mag-taping this week, I think. And then ako na."

Ang Dwarfina ay isa sa mga magiging opening salvo ng GMA-7 for 2011. Makakatambal dito ni Heart si Dennis Trillo.

MEETING DANIEL'S FAMILY. Samantala, sa kabila ng mga intriga ay may pinaghuhugutan pa rin ng saya at inspirasyon si Heart. Ito ay ang masaya niyang love life with her boyfriend Daniel Matsunaga.

"Yes, he makes me happy all the time," nakangiting sambit ni Heart.

Nakadagdag-saya pa raw na finally ay na-meet na niya in person ang parents at family ni Daniel na kararating lang sa Pilipinas kamakailan.

"Sobrang bait nilang lahat. Sobrang saya. Pinagluto pa nila ako ng paborito kong Brazilian food. And pag pumunta ka sa bahay nila, talagang full of life. So, ang saya-saya talaga, sobrang saya!"

Bilang ganti raw ay dinalhan naman ni Heart ng Filipino food ang family ni Daniel mula sa kanilang family restaurant na Barrio Fiesta.

"Pinadalhan ko sila ng Barrio Fiesta food. Nagustuhan nila yung lumpiang shanghai. So, everything is positive naman," masaya niyang kuwento.

Nagkita na ba ang parents niya at ang parents ni Daniel?

"Not yet, kasi yung daddy ko wala rito, yung mommy ko busy din. Pero nagpadala yung mommy ko ng pastillas at saka ng mga Filipino desserts sa kanila. Pinagbilinan niya ako na bumili para sa kanila."

Mahigit isang buwan din daw na mananatili sa Pilipinas ang family ni Daniel. Magho-host ba sila ng dinner para ma-meet na ng family niya ang family ni Daniel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, hopefully, soon. Magho-host kami ng dinner para sa kanila naman."

Gustung-gusto na raw ni Daniel na manatili sa Pilipinas.

"Yeah, oo. Sana everything will work out for him," nakangiting sabi ni Heart.

"Madami rin siyang projects ngayon. Meron siyang Grazilda ngayon. Nagte-taping siya today. Hopefully, God will bless him more."

HOPING FOR A FRESH START IN 2011. Ngayong patapos na ang taong 2010, inaasam ni Heart na magiging maganda ang pagtatapos nito, pati na ang pagsalubong niya sa bagong taon.

Sana raw ay maging maayos na ang lahat—kabilang na ang alitan nila ni Annabelle.

"I'm sure, you know, God has a plan talaga for everything. Kasama siguro talaga 'yan. I'm sure there's a lesson I must learn din sa nangyari dito," sabi ni Heart.

"So, it's all about making yourself better and learning and humbling yourself in accepting situations. So, ganun lang siguro talaga yun. So, hopefully 2011 will be a fresh start," dagdag pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN