Lani Mercado and husband Senator Bong Revilla want to visit Vatican City on their silver anniversary

"Makabisita ka nga lang on the day of your wedding dun sa isa sa mga... like, puwedeng sa Sistine Chapel. Kahit wala nang renewal of vows, makapunta ka lang do'n at makapagdasal kayo together and light a candle together, is something very meaningful for us. Hindi na siguro kailangang magpaka-garbo pa kami," sabi ni Bacoor Representative Lani Mercado tungkol sa plano nila ng asawang si Senator Bong Revilla sa kanilang 25th wedding anniversary.


Special guest si Congresswoman Lani Mercado sa radio program na Usapang Babae sa DzIQ990AM last November 6. Sina Fanny Serrano at Jeanny Jinang ang hosts ng programang isinasahimpapawid tuwing Sabado ng umaga, 10-11 a.m.

Bagamat mga kababaihan ang target audience ng programa, iba-iba ang topics na pinag-usapan ng hosts at ng kanilang special guest.

Hindi ito strictly pambabae, o lalo't kilalang artista at politician na ngayon ang misis ni Senator Ramon "Bong" Revilla Jr.

May mga tagapakinig na tumatawag, o nagte-text either kina Fanny o Ms. Jeanny, at nagtatanong tungkol sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa tungkulin ni Bacoor Representative Lani Mercado (Jesusa Victoria Mercado Bautista in real life), o kaya'y hinggil sa latest update nila ni Senator Bong.

VATICAN CITY. At one point sa programa ay nagtanong ang PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa napabalitang pagpapakasal muli next year nina Bong at Lani sa Vatican City, Italy.

Sagot ni Lani, "Next year kasi is our 25th year. Nandiyan yung usapan na since nasa 40s na kami, gusto naman naming makatuntong sa Europe together.

"Kasi, the first and last time that Bong went to Europe was with my mother-in-law [the late Mrs. Azucena Mortel Bautista], nung nagpagamot siya sa Lourdes [France]. Hindi ako nakasama sa kanila.

"Yun ang gusto naming gawin on our 25th anniversary.

"Hindi naman talaga Vatican City wedding na masasabi," diin ni Lani. "Makabisita ka nga lang on the day of your wedding dun sa isa sa mga... like, puwedeng sa Sistine Chapel.

"Kahit wala nang renewal of vows, makapunta ka lang do'n at makapagdasal kayo together and light a candle together, is something very meaningful for us. Hindi na siguro kailangang magpaka-garbo pa kami

"Ikinasal na kami sa Amerika, sa unang pagkakataon, noong [May] 1986, tapos we had a centennial wedding [1998] here in the Philippines, sa Imus, Cavite.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pakiramdam ko, ano na 'yon, e... Makasama at makapiling ko lang si Senator Bong, for twenty-five years, at madagdagan pa ito, is already a big achievement."

Anim ang mga anak ng mag-asawang Bong at Lani after 24 years of marriage: sina Leonard Bryan (Bryan Revilla), Jose Lorenzo (Jolo Revilla), Inah Felicia, Ma. Viktoria Gianna, Ma. Franzel Loudette, at Ramon Vicente (Ram).

BONG'S VANITY. After a while, sabi ni Fanny, "Meron namang nakakaintrigang tanong: 'Congresswoman Lani, sino po ang naglalaba ng underwear ni Senator Bong?'"

Nagulat na natawa si Ms. Lani sa narinig: "Diyos ko naman! Ano bang tanong...labandera po!"

Sinalo na rin ni Fanny ang kanilang guest, with a follow-up question from the same listener.

"Labandera po ang naglalaba... Kayo po ba ang nag-aayos, nagri-ready ng isusuot na damit ni Senator Bong?"

Lani gamely replied, "Alam n'yo, may sariling taste si Senator Bong. There are times that he will ask my opinion, 'Maganda ba ito? Ano bang mas bagay?' Pero siya talaga ang pumipili kung ano ang isusuot niya for the day.

"Malimit... Sorry, honey, ha..." pasintabi ni Lani kay Bong, "pero mas vain siya sa akin!

"Naku, akala n'yo ang mga babae ang mas vain? Mas vain ang lalake! Lalo na pag artistang lalake!"

At sabay-sabay na natawa sina Lani at ang dalawang program hosts.

Patuloy ni Lani, "At saka very metikuloso sila sa pangangatawan. Di ba, pag ganitong mga ka-edaran [age] na namin, kailangan na talaga ang puspusan nang pag-e-exercise?

"Siya [Bong], he goes every other day, kung puwede every day, to the gym!

"Pero 'eto naman ang mga kasamaang-palad sa buhay ko. Once I exercise, I gain weight! Baligtad!" tawa ni Lani.

"Nasubukan ko, during the past... o itong first few weeks, months ko sa Congress, sinubukan kong mag-exercise. Nag-gain talaga ako ng weight sa Congress!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

USAPANG SERBISYO PUBLIKO. Isa pang caller, named Noemi from Pampanga, ang tumawag kina Fanny at Jeanny at nagtanong kung meron din daw bang proyekto si Lani para sa mga taong hindi niya constituents.

Sa tanong ng caller ay ganito ang naging sagot ang actress-politician: "Ang budget po namin talaga, limited sa kung ano po yung nasasakupan namin, sa district namin.

"Pag kailangan po ng ganyang national in scope, ipinapasa ko 'yan kay Senator Revilla. Kasi ang scope po nila, yung national."

Naibahagi rin ni Lani ang ilang livelihood projects para sa mga kababaihan sa kanyang nasasakupang distrito.

"Very active sa amin sa Bacoor ang gender development," pagtukoy niya. "May budget talaga ang munisipyo para diyan.

"At very active din ang women's group sa amin. Nandiyan din ang mga livelihood trainings na implemented 'yan sa lahat ng municipalities and cities.

"Dapat lang alam i-tap ng mga kababaihan yung pondo na 'yan, through the help of their leaders or the politicians who are in their areas."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN