Toni Gonzaga: "Basta ang gusto ko, matapos ang taong ito na maayos, masaya, at walang sama ng loob sa kahit na kanino."

"Personal ang relasyon ko kay Direk Cathy. Personal din ang relasyon ni John Lloyd kay Direk Cathy. Kaya mas may personal touch yung approach sa aming dalawa, and siya yung nagko-connect sa aming dalawa," says Toni Gonzaga about My Amnesia Girl director Cathy Garcia-Molina.


Naabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kinukunan ang emotional scenes nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz nang dumalaw kami sa shooting ng bagong pelikula ng Star Cinema, ang My Amnesia Girl. Kinunan ang eksena sa Parks and Wildlife sa Quezon City.

Kapansin-pansin ang bigat ng kinunang eksena kumpara sa mga karaniwang romantic comedy films na ginagawa ni Toni. Ayon kay Toni, naging malaking tulong si Direk Cathy Garcia-Molina para magawa niya ang mga eksenang yun.

"Si Direk talaga ang nagpe-prepare sa akin sa mga emotional scenes. I'm very dependent on her," ani Toni nang makausap siya ng PEP after the scene.

Dagdag niya, "Personal ang relasyon ko kay Direk Cathy. Personal din ang relasyon ni John Lloyd kay Direk Cathy. Kaya mas may personal touch yung approach sa aming dalawa, and siya yung nagko-connect sa aming dalawa.

"So, when we do our scenes together, mas nararamdaman namin. Alam niya kung saan huhugutin yung sa amin. With Direk Cathy, she knows how to push the right buttons."

Prior to My Amnesia Girl, ilang beses nang nakatrabaho nina Toni at John Lloyd si Direk Cathy sa magkakaibang proyekto. Pero ngayon pa lang magtatambal at magkakasama sa pelikula ang dalawang Kapamilya stars.

Tatlong pelikula na ni Toni ang naidirek ni Direk Cathy: You Are The One (2006), You Got Me! (2007), at My Only U (2008).

Si John Lloyd naman ay nakalimang pelikula na sa box-office director: Close To You (2006), One More Chance (2007), A Very Special Love (2008), You Changed My Life (2009), at Miss You Like Crazy (2010).

Bagamat ngayon pa lang nagkatambal sina Toni at John Lloyd, ayon kay Direk Cathy, nakakagulat ang chemistry na meron ang dalawa. (CLICK here to read related story.)

JOHN LLOYD, A "GIVER." Puro naman ang papuri si Toni sa kanyang leading man, na inilarawan niya bilang "giver.

"Si John Lloyd, ano siya, as a co-actor, napakamatulungin, napaka-generous, napaka-mapagbigay, 'tsaka napakasarap katrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, pinaparamdam niya sa 'yo na maging kumportable ka around him, which helps, kasi una naming pagsasama. Unang beses naming gagawa ng mga eksena.

"Kaya natutuwa ako na feeling ko he is guiding me throughout the movie," saad ni Toni.

ISSUE WITH MARIEL. Kinumusta rin ng PEP kay Toni ang tungkol sa alitan nila ng kaibigan niyang si Mariel Rodriguez. (CLICK here to read related story.)

"Siyempre, pag diniscuss ko 'yan ngayon, people will think that it's part of the promo of this movie, which I cannot defend myself if ever people will think that way kasi magkasabay, e.

"So, saka na. Tingnan na lang natin," iwas niya.

Ngunit sa huli ay nagbigay rin siya ng pahayag, na hindi man malinaw ay nagpapahayag ng kagustuhan niyang maging maayos lalo na't parating na ang Pasko.

"Basta ang gusto ko, matapos ang taong ito na maayos, masaya, at walang sama ng loob sa kahit na kanino. Kahit pa man bago mag-Pasko, yun na ang nararamdaman ko," ang nakangiting sabi ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN