Daniel Matsunaga swears he's with Heart Evangelista for love, not for money

"The reason I'm with her is because I love her. And since I met her, everything was right. Everything was right between us," says Daniel Matsunaga about girlfriend Heart Evangelista.


Simula sa Lunes, November 15, ay mapapanood na ang Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga sa telefantasya ng GMA-7 na Grazilda.

Ginagampanan niya rito ang papel ni Kasmir, na magiging bagong love interest ng bidang si Glaiza de Castro (Grazilda).

"Kasmir has a sister who is Fabiola [Sheryl Cruz]. In the other world, Kasmir is a troublemaker. But Fabiola brought him to Larinia.

"He likes to get drunk but he's very smart. And he's afraid of rats. Fabiola used to lock him in a room with rats.

"Kasmir is very smart and he does everything for the right woman. If he really loves the woman, he really goes for it. It's like me, Daniel!" natatawang paglalarawan niya sa kanyang role.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Daniel sa set visit ng taping ng Grazilda kahapon, November 11, sa Norzagaray, Bulacan.

THE LAST PRINCE. Napangiti naman si Daniel nang maalala niya ang The Last Prince. Ang naturang telefantasya, na pinagbidahan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal, ang unang telefantasya ni Daniel sa Kapuso network.

Ipinasok din ang character niya roon bilang taong lobo sa kalagitnaan ng kuwento. Namatay ang character niya, at iniyakan daw ito ng kanyang ina.

"You know, The Last Prince, my mom watched everything and she cried. She cried when I died on The Last Prince.

"I had to call her and tell her, 'Mom, this is just a performance!' But yeah, she really cried because it was the first time she sees me in the soap.

"We talk every day in Skype. And then she told me she cried, and she said, 'Son, I really miss you!' kuwento ni Daniel.

Wish tuloy ni Daniel na hindi mamatay ang character niya sa Grazilda.

Samantala, dumating na sa Pilipinas ang mga magulang ni Daniel mula sa Brazil, pero hindi raw kasama ang kanyang lola dahil hindi na nito kayang bumiyahe nang matagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's a very long flight. More than 35 hours. May tatlong stopover. I'm from Brazil, and Brazilia don't fly anywhere outside Brazil also.

"So, Brazil, then we have to go to Sao Paolo. Then we have options, like we can go to South Africa or USA, England, Poland... Then, stopover there again and wait to the airport and then go to Hong Kong. And then, from Hong Kong to Philippines."

One or two months daw magii-stay ang pamilya ni Daniel dito sa Pilipinas.

NEW LEADING LADY. Nag-aaral pa rin si Daniel na makapagsalita ng diretsong Tagalog. Pero sa Grazilda, marami raw siyang iba't ibang lengguwahe na gagamitin.

"It's getting harder and harder. But in this soap, I speak four languages—Portuguese, English, Tagalog, and German," sabi niya.

Ano naman ang masasabi niya sa kanyang bagong kapareha na si Glaiza?

"She's very nice person. Until now, we didn't talk a lot yet. But we still have a lot of taping days to meet better and I'm sure we'll do very good job together."

Kung nagkataong wala pang Heart Evangelista sa puso niya, posible kaya siyang ma-attract kay Glaiza?

"Heart knows that it's just a professional job. There's only one girl for me," nakangiting sabi ni Daniel.

Dagdag niya, "Soap opera is soap opera. It's different guy, not Daniel."

HIS HEART BELONGS ONLY TO HEART. Speaking of Heart, halatang kilig na kilig pa rin si Daniel tuwing nababanggit ang kanyang kasintahan.

Nang tanugin nga kung may plano na sila sa birthday ni Daniel on November 28, kinikilig itong sumagot ng: "I don't know. Maybe there's a surprise. My sister for sure will have something for me. Maybe they have plans together—my sister and Heart."

Ayon kay Daniel, almost three months na sila ni Heart. Magse-celebrate sila ng third monthsary nila on November 20.

"We'll go somewhere for sure," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First month, we went to Tagaytay Highlands. Second [month], I don't think we went anywhere. We just went to restaurant then watch movie.

"This month, I hope we can go somewhere like in a beach."

Nagbibigayan din daw sila ng gifts tuwing monthsary nila. Ano ang iniregalo ni Heart sa kanya noong second monthsary nila?

"Secret!" nakangiting sabi ni Daniel, saka sinabing, "Her mom gave me a T-shirt."

Bakit ang mommy ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco ang nagbigay ng regalo sa kanya? What about Heart?

"I like her mom, too," nakangiting sagot ni Daniel.

Pero ano ang ibinigay sa kanya ni Heart?

"She gave me a bracelet and shoes," kikinikilig na sabi ng model turned actor.

FOREVER. Two years daw ang pinakamatagal na naging relationship ni Daniel.

Nang tanungin ng PEP kung ilang years kaya magtatagal ang relasyon nila ni Heart, ito ang sagot niya: "Of course, forever!"

Ano sa palagay niya ang meron siya, o nakita sa kanya ng parents ni Heart, at nagustuhan siya agad ng mga ito, lalo pa nga't in the past ay nagiging isyu sa parents ni Heart ang nakakarelasyon ng young actress?

"Well, I don't know," sagot ni Daniel. "You know, it's just maybe I'm really honest and I'm really the person like I am.

"You know, I have to show what I am and I don't have to hide anything from them. And by the time we met, we talked so many things and when I did approach them, maybe they felt honesty in me. Something different."

Sinasabing mayaman ang pamilya ni Heart. Hindi ba siya nai-intimidate sa bagay na yun?

"No, I'm not with her because of that," simpleng sagot ni Daniel.

"The reason I'm with her is because I love her. And since I met her, everything was right. Everything was right between us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's not because of that. That's for sure," diin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN