Mon Confiado says Tsardyer is not the true-to-life story of Ces Drilon


In Tsardyer, Mon Confiado portrays a cameraman who is kidnapped in Sulu, along with the character of Dimples Romana. This indie film is one of seven films competing in the 6th Cinema One Originals filmfest, which is ongoing at the Edsa Shangri-La Mall.


Isa sa mga pinag-uusapang eksena ng indie film na Tsardyer ay ang rape scene ni Dimples Romana. Ang Kapamilya actress ay gumanap sa pelikula bilang isang reporter na kinidnap ng mga Abu Sayyaf para sa ransom.

Written and directed by Sigfreid Barros-Sanchez, ang Tsardyer ay isa sa pitong pelikula na kalahok sa 6th Cinema One Originals film fest, na kasalukuyang ipinapalabas sa Shangri-La Mall.

Ang indie film na ito ay loosely based sa naranasan ng broadcaster na si Ces Drilon at mga kasama niyang cameramen nang ma-kidnap sila sa Sulu.

Kuwento ni Mon Confiado, isa pang cast member ng pelikula: "Ang tanong nga lagi sa amin, 'Nung na-kidnap ba si Ces Drilon, na-rape ba siya o hindi?'

Nilinaw ni Mon, "Inuulit po namin lagi, ito ay hindi true-to-life story ni Ces Drilon."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mon sa gala premiere ng Tsardyer na ginanap kagabi, November 13.

"Napaka-sensitive ng topic, e," patuloy ng aktor. "Meron kaming pinakitang rape scene, pero hindi nangangahulugan na yun ang nangyari kay Ma'am Ces Drilon. Ito ay inspired lang."

Sa tunay na pangyayari, na-kidnap ang ABS-CBN news anchor ng mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Sulu noong June 2008.



Dagdag pa ni Mon, "Cameraman ako dito ni Dimples Romana, na nagre-represent sa character ni Ces Drilon. Sa totoong istorya kasi ni Ma'am Ces, meron talaga siyang talagang dalawang cameramen na kasamang na-kidnap.

"Pero nililinaw namin na hindi ito ang storya ni Ma'am Ces."

Ang dalawang ABS-CBN cameramen na kasama ni Ces na na-kidnap ay sina Jimmy Encarnacion at Angelo Valderama.



TSARDYER BOY. Sabi pa ni Mon, "Ang Tsardyer ay tumatalakay talaga sa ten-year-old boy na, ayon kay Ma'am Ces, may gano'ng character talaga na miyembro ng Abu Sayyaf.



"Imagine, sampung taong gulang na bata, imbes na nag-aaral...imbes na hawak niya lapis o papel, ang hawak niya isang baril.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dito nga, ang pinakatrabaho ng bata, siya ang taga-charge ng mga cell phones ng mga Abu Sayyaf para pang-negotiate sa ransom money. Makikita n'yo sa pelikula, ang bata ang nagligtas sa character ko."



Sa pelikulang ito, si Martin delos Santos ang gumanap na Shihab, isang Tausug boy na pamangkin ng Abu Sayyaf head.

Naatasan si Shihab na i-charge ang mga cell phone na ginagamit ng mga rebelde para tawagan ang network executive, played by Shamaine Buencamino, na nakikipag-negotiate para mapakawalan ang media persons.

Si Bombi Plata naman ang gumanap bilang kasamahan ni Mon na cameraman.



Tumatakbo ang Tausug boy sa gubat at tumatawid ng mga sapa upang marating ang isang bahay kunsaan puwede siyang mag-charge ng cell phone. Subalit maiipit siya dahil sa loyalty niya sa kanyang tito at sa affection niya para sa kidnapped journalist.



Sa totoong buhay, ano ang nangyari sa naturang "tsardyer boy" na siyang naging basehan ng pelikula na ito?

"Nakakalungkot nga po kasi yung totoong bata, namatay sa engkwentro ng mga rebelde," ani Mon.

"Kaya ganun rin po ang makikita dito sa Tsardyer. Masasabi natin true-to-life story ito ng bata, hindi ni Ma'am Ces."

PHYSICALLY DEMANDING FILM. Nang tanungin naman tungkol sa physically demanding scenes na ginawa niya para sa pelikulang ito, sinabi ni Mon: "Naku, napaka-physical ng pelikulang ito!"

Kuwento niya, "Pagpunta pa lang namin dun sa gubat, para kang naglakad mula dito sa Shangri-La hanggang Robinsons Galleria. Medyo malayo talaga."

Kuwento pa niya, "Meron din akong 'pugot-ulo' scene.

"Ayaw ni Direk ng nire-rehearse kasi magiging old-school action [film]. Ang gusto niya natural, kung madapa, madapa. Kung walang porma ang suntok sa 'yo, ganun talaga ang totoong suntukan, walang porma.

"Hindi namin alam lahat kung ano'ng mangyayari. Basta ang order, 'Kaladkarin n'yo 'yan at pugutan ng ulo!'"

Nang tanungin kung saan kinunan ang Tsardyer, sabi ni Mon, "Sina Direk Sigfreid, nagpunta talaga sila sa Jolo, Sulu, kunsaan naganap yung hostage taking. Kami naman, nag-shoot sa Bosoboso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Balak sana, dadalhin rin kami doon, pero binawalan siya ng guide namin kasi baka delikado raw talaga. In fact, muntik na silang hindi makalabas kasi hindi nila alam, yung mga taong kausap nila dun, taga-Abu Sayyaf na pala."

Naniniwala si Mon na importanteng mapanood ang socially-relevant film na ito.

"Ang mensahe ng pelikula ay napakaganda. Ito ay panggising sa mga kinauukulan na sana huwag nating pabayaan ang mga kapatid natin sa Mindanao dahil lumalala ang sitwasyon dun."


OTHER PROJECTS. Bukod sa Tsardyer, kabilang din si Mon sa iba pang indie films.

"Part ako ng art film by Jon Red titled Pirata, kunsaan kasama ko si Ronnie Lazaro at Bembol Roco. Tungkol ito sa pirated DVDs, pero hindi iyon ang main focus.

"Pirata means hypocrisy. Lahat kami peke sa gangster film na ito," sabi niya.

Kabilang din si Mom sa horror film na Corazon, na pinagbibidahan nina Derek Ramsay at Erich Gonzales, sa suspense-thriller na Zamora Residence, at isang romance movie na pinamagatang Will of the Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN