Claudine Barretto surprised by husband Raymart Santiago's outburst against separation rumor

"Nakikiusap ho ako, kapag wala pa kayong nakikitang annulment papers na nakasulat yung pangalan namin ni Raymart, huwag ho tayong mag-speculate. Kasi, may mga anak din kami, naaapektuhan," says Claudine Barretto about rumors that she and husband Raymart Santiago have separated.


Magkakasama for the first time ang award-winning actress na si Claudine Barretto at ang bagong child sensation na si Jillian Ward sa bagong Krismaserye ng GMA-7, ang Batang Milyonarya. Tatakbo lamang ito ng seven weeks, in time for the Christmas season.

Ayon kay Claudine, excited na siya sa bago niyang show sa Kapuso network. Huling napanood ang aktres sa kanyang sariling drama anthology na Claudine.

"I'm very excited! It's the first time I'm gonna be doing... Yun nga, kakaiba nga, kasi Krismaserye nga.

"And yung role na ibinigay sa amin, tungkol sa pinagdadaanan ng pamilya. Na masaya ang pagsasama ng mag-asawa at yung pagmamahal nila sa anak nila," pahayag ng aktres sa panayam sa kanya ng Startalk, na ipinalabas kahapon, November 13.

HIWALAYAN ISYU. Dahil tungkol sa pamilya ang bagong gagawing project ni Claudine sa Kapuso network, hindi maiwasang itanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa aktres ang lumalabas na mga balitang hiwalay na raw sila ng mister niyang si Raymart Santiago.

Ayon kay Claudine, "Siguro darating ang araw, soon, siguro masasagot ko isa-isa. Soon, siguro sasagutin ko.

"Kaya lang, yun nga ang sinasabi ko, bugbog na bugbog na ako. Parang every time you try to start, hindi ka pa nag-i-start ulit, may tama na naman."

Ang tinutukoy marahil ni Claudine ay ang dating isyu sa kanila ni Angelica Panganiban, kung saan nasangkot din si Raymart.

Sabi ni Claudine, "Nakikiusap ho ako, kapag wala pa kayong nakikitang annulment papers na nakasulat yung pangalan namin ni Raymart, huwag ho tayong mag-speculate. Kasi, may mga anak din kami, naaapektuhan."

RAYMART'S OUTBURST. Sinang-ayunan naman ni Claudine ang naging statement ni Raymart tungkol sa balitang hiwalay na sila.

Ayon sa aktor, "demonyo" lang ang gumagawa ng isyung hiwalay na sila. Sinabi niya ito noong birthday celebration ni Annabelle Rama sa Crowne Plaza kamakailan.

"Wala, demonyo nga lang. Demonyo nga lang ang puwedeng sumira," pagse-segundo ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At nagulat ako no'n, noong sinabi ng asawa ko yun. Napuno na rin siya.

"Kasi, dumating ako sa point na iyak ako nang iyak. Iyak ako nang iyak.

"Parang alam mo 'yun, parang wala na...parang na-numb na ako. Siya naman yung naging emotional.

"Nagulat na lang ako, biglang nagsalita—at buti na lang, napa-stop namin na hanggang doon na lang muna."

May kahilingan din si Claudine sa mga tagasubaybay niya.

"Sana rin, tingnan din natin kung saan nanggagaling itong mga kuwentong ito. Tingnan din natin ang background ng love life, tapos saka tayo humusga.

"Kasi, madaling manghusga. Madaling magsabi, pero mahirap nang bawiin yun.

"Kung puwede nga lang magsalita nang walang masasaktan," saad niya.

At parang banta sa mga nagsasabing hiwalay na silang mag-asawa, sinabi nito, "Pero darating tayo ro'n, kasi puno na rin kami! Tao rin lang kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN