Shalani Soledad denies rumor: "Hindi po totoo na may anak ako."

"Siguro, what I would like to say, whatever happened, I would like to keep it as private as we can, with all due respect to all the persons involved," says Valenzuela City Councilor Shalani Soledad about her breakup with President Noynoy Aquino.


Bagamat kumpirmado na ang matagal nang napapabalitang breakup nina Pangulong Noynoy Aquino at Valenzuela councilor Shalani Soledad, ayaw pa ring magbigay ng detalye ng magkabilang kampo sa kung ano ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Sa taped interview ni Ricky Lo kay Shalani sa Startalk kahapon, November 13, ay nanatiling tikom ang bibig niya tungkol dito.

"Siguro, what I would like to say, whatever happened, I would like to keep it as private as we can, with all due respect to all the persons involved," sabi ng magandang politician.

Tinanong ng Startalk co-host si Shalani kung naka-move on na ba siya sa breakup nila ng Pangulo. Mukha raw kasing masaya na ang konsehala.

"Siyempre, hindi naman lahat ng nararamdaman natin, nakikita o nararamdaman ng ibang tao. Just like any other human being, nasasaktan din tayo, umiiyak din tayo," sagot ni Shalani.

ANAK ISSUE. Bagamat hindi nagbigay ng anumang detalye si Shalani tungkol sa breakup nila ni PNoy, sinagot naman nito ang usap-usapan na may anak daw siya sa pagkadalaga.

"Gusto ko rin pong sabihin na hindi po totoo na may anak ako," maikli niyang pahayag.

MAYOR GATCHALIAN. Itinanggi rin ni Shalani ang isyu na nagkakamabutihan na raw sila ng mayor ng Valenzuela na si Sherwin Gatchalian.

"What Sherwin and I have is a good working relationship. It's very professional.

"So, hanggang doon lang po ang aming relasyon. Hindi rin po totoo na nag-date kami ni Mayor Sherwin," saad ni Shalani.

Isa pang nali-link ngayon kay Shalani ay ang co-host niyang si Willie Revillame sa Willing Willie, pero hindi na ito tinalakay sa Startalk.

Samantala, si PNoy naman ay kumpirmadong nakikipag-date na sa stylist niyang si Liz Uy.


SHALANI'S BIOLOGICAL FATHER. Kinumusta rin kay Shalani ang pagkikita nila ng kanyang biological father na si Adolfo "Adi" Aguirre, dating chairman ng Banco Filipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Three months old pa lang noon si Shalani nang huli siyang makita ng tunay na ama. Thirty years old na ngayon ang konsehala ng Valenzuela.

"There is still so much catching up to do," sabi ni Shalani.

"I'm also very thankful dahil kahit na busy siya, he really finds to make time para magkausap kami, magkita kami.

"Masarap lang din na may alam kang isang tao pa na nagmamahal sa 'yo. Na puwede mong tawagin anytime, na you can count on.

"So, if he's watching, siyempre, hi sa dad ko," pagbati pa niya.

Ang kinikilalang mga magulang ni Shalani ay ang kanyang uncle at surrogate father na si Ramon Soledad at ang asawa nitong si Edith.

Ang tunay na ina ni Shalani ay si Evelyn San Ramon na dating nagtrabaho sa Kuwait, at ngayon ay nasa Pilipinas na.

POLITICAL PLANS. Last term na ni Shalani ngayon bilang konsehala ng Valenzuela. May balitang nagpaplano na nga raw tumakbo ang dalaga for a higher elective post sa 2013 elections.

Ano ang masasabi ni Shalani rito?

"Hangga't gusto po ako at naa-appreciate ng mamamayan ng Valenzuela ang pagseserbisyo ko sa kanila, gusto ko pa po silang makasama," sabi niya.

Kaugnay ng nababalitang pagtakbo ni Shalani sa mas mataas na posisyon, sinasabing may kinalaman dito ang pagpayag niya na maging co-host ni Willie Revillame sa Willing Willie.

Ayon sa ilang showbiz observers, mas makakadagdag sa popularidad ni Shalani ang paglabas niya sa isang malaganap na programa na napapanood mula Lunes hanggang Sabado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN