Manny Pacquiao clobbers Antonio Margarito via unanimous decision; wins his 8th world title

Nagkabanggan ng galing ang mga boksingerong sina Manny Pacquiao (left) at si Antonio Margarito para makamit ang WBC Super Welterweight World Title. Pagkatapos ng 12 rounds, nakamit ni Manny ang kanyang ika-walong world title sa pangwalong weight class.


Muling pinatunayan ng Pinoy boxer na si Manny Pacquiao na siya ang pinakamahusay na boksingero sa mundo ngayon.

Ito ay matapos niyang pulbusin ang Mexican na si Antonio Margarito sa kanilang 12-round fight sa jampacked Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

Pinaglabanan ng dalawa ang World Boxing Council (WBC) Super Welterweight title.

Dahil sa kanyang panalo, walo na ang titulong hawak ngayon ni Pacman sa iba't ibang walong weight classes.

Ang pitong iba pa ay ang mga sumusunod: flyweight, bantamweight, featherweight, super featherweight, lightweight, light welterweight, at welterweight.

Ang WBC Super Welterweight belt ay naiwang bakante ni Sergio Gabriel Martinez noong umabante na siya sa mas mataas na division (middleweight).

Si Pacquiao ay may record na ngayon ng 52 wins, 3 losses, 2 draws, at 38 knockouts.

Samantala, si Margarito naman ay may 38 wins, 7 losses, 1 draw, at 27 knockouts.

COMPARISON. Bago ang kanilang laban, lamang na lamang si Margarito (a.k.a Tijuana Tornado) kay Pacquiao (a.k.a Pacman) sa maraming bagay.

Una, kitang-kita na mas matangkad si Margarito sa taas na 5 feet 11 inches; si Pacquiao ay 5 feet 6 ½ inches lamang.

Pangalawa, mas mahaba ang abot ng kamao ni Margarito sa 70 inches, habang si Pacquiao ay nasa 67 inches lang.

Pero ang pinakamabigat na lamang ng Mehikano ay ang timbang niyang 150 lbs. kumpara kay Pacquiao na 144.6 lbs.

Pero lamang si Manny kung ang pagbabasehan ay experience sa ibabaw ng boxing ring.

Liban diyan, kinikilala ang kanyang bilis sa pagkilos sa ring at ang pagiging ambidextrous niya. Ibig sabihin ay kaya niyang mag-killer punch sa kaliwa at kanang kamay.

Noon ay kilala lamang si Pacquiao bilang kaliwete o southpaw, pero sa matinding pagsasanay sa ilalim ng coach niyang si Freddie Roach ay na-improve niya ang lakas sa kanang kamao.

Sa madaling salita, dalawang matigas na kamao at bilis ang mai-expect ng mas mabagal na si Margarito. At ito nga ang ipinakita ng Pambansang Kamao kontra sa Mexican boxer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LABAN NA! Ayon sa HBO Boxing (nakuhang balita mula sa radyo dzBB), pagkatapos ng official weigh-in, si Manny ay may timbang na 148 lbs. Si Antonio naman ay 165 lbs.

Bagamat lamang sa timbang si Antonio, bumawi nang husto si Manny sa bilis at stamina.

Bago ang aktuwal na laban, nagbigay pugay muna ang lahat sa mga Pambansang Awit ng Pilipinas, U.S.A., at Mehiko.

Ang kumanta ng "Lupang Hinirang" ay ang Are You The Next Big Star? finalist na si Zyrene Parsad.

Ang kumanta ng "Himno Nacional Mexicano" ay ang singer na si Yahir.

Para sa U.S. anthem naman, "The Star-Spangled Banner," ay ang cheerleader-trio ng Dallas Cowboys.

Pagkatapos ng introduksyon ng celebrity boxing announcer na si Michael Buffer sa dalawang boksingero, unang pumasok sa ring si Margarito, na nakasuot ng black and red trunks.

Sumunod sa kanya si Manny na nakasuot ng white and gold trunks.

Unang hakbang pa lang ng Sarangani congressman papuntang ring ay sigawan na ang mga tao. Hindi seryoso ang hitsura nito at nakangiti pa habang pakaway-kaway sa tao. Pagpasok sa ring ay lumuhod ito at nagdasal.

Pagkatapos humarap si Pacquiao kay Margarito ay biglang naging seryoso ang mukha nito at parang handa nang makipagsuntukan.

Narito ang highlights ng laban nina Pacquiao at Margarito sa kanilang 12-round fight:

Round 1.

Left side si Manny at sa kanan si Antonio.

Dalawang jab ni Manny at umiwas si Antonio.

Depensa si Antonio at nag-jab naman ito pera hindi ininda ni Manny.

Jab nang jab si Antonio at maingat din si Manny.

Halatang nagkakapaan pa ang dalawa.

Umatake si Manny ng three-punch combination at swak sa ulo ni Antonio.

Kaunti lang ang suntok ni Manny, pero pasok halos lahat.

Nakaganti si Antonio, pero nakasagot agad si Manny ng jab.

Si Manny hindi umaatras, iniikutan lang si Antonio.

Gitna pa rin ang dalawa at nagpakawala ng kumbinasyon si Manny, pero hindi pumasok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakonekta pa ng isang kumbinasyon si Manny, pero hindi natitinag si Antonio.

Jab combination ni Manny, tumama kay Antonio.

Hindi masyado apektado si Antonio sa body shots ni Manny.

Round 2.

Mabilis na umikot si Manny kay Antonio.

Nagpakawala si Antonio ng four-punch combination, pero wala pa rin.

Gumanti si Manny ng iilang suntok pero pasok lahat.

Si Antonio ay naglabas ng suntok sa depensa ni Manny, pero walang epekto.

Nagpakawala ulit ng three-punch combination si Manny at pumasok lahat.

Na-corner si Manny, pero naka-recover agad.

Ilag lang nang ilag si Antonio sa ulan ng suntok ni Manny sa kanya.

Kanan at kaliwa ni Manny, pasok sa depensa ni Antonio.

Gumanti si Antonio, pero hindi ininda ni Manny.

Naka-upper cut si Antonio, pero walang epekto.

Nag-combination ulit si Manny bilang sagot.

Kumpara kay Antonio, mas maraming napasok na suntok si Manny.

Round 3.

Nagpakawala na naman ng kumbinasyon si Manny, pero mukhang ingat ito sa depensa.

Si Antonio, paisa-isa lang ang ganting suntok.

Si Manny, puro jab at nakakonekta ng isang matiniding left straight.

Umusog nang konti si Antonio.

Dalawang jabs ni Antonio, walang silbi kay Manny.

Nagreklamo si Antonio na nag-head butt daw si Manny.

Kaliwa ni Manny kumonekta at sumonod pa ng two-punch combination.

Si Antonio napahinto dahil nadama ang sakit.

Gumanti ng kanan si Antonio.

Matulis na kanan ni Manny balewala, gumanti rin si Antonio.

Bago matapos ang round ay nagpaulan ulit ng suntok si Manny.

Saved by the bell si Antonio!

Round 4.

Unang sumuntok si Manny, pero gumanti si Antonio.

Nagpakawala ng suntok si Antonio, pero nakaiwas naman si Manny.

Nakatama ulit si Manny ng upper cut kay Antonio.

Kitang kita na ang sugat sa right cheekbone ni Antonio.

Si Manny naka two-punch combination ulit kay Antonio.

Umatake na si Manny ng body shots kay Antonio.

Nanlambot si Antonio dahil sa body shots.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puro kaliwa si Manny at iwas na lang si Antonio.

Again, saved by the bell si Antonio.

Round 5. Margarito puro jab na lang kay Manny.

Si Manny iwas lang at matulis na kaliwa pasok kay Antonio.

Combination ni Antonio, nakalusot.

Nakasuntok si Antonio, pero walang epekto kay Manny.

Left straight ni Manny, salong-salo ni Antonio sa mukha.

Tatlong jab ni Manny, shoot ulit sa mukha ni Antonio.

Another left from Manny, pasok ulit.

Mukhang hinang-hina na si Antonio.

Nagpapasuntok na lang si Manny.

Si Manny nakatanggap ng kumbinasyon, pero walang epekto.

Nakatanggap ng kaliwa si Antonio na nakayanig sa kanya.

Round 6.

Umiikot si Manny habang diretso lang si Antonio.

Jab si Antonio pero walang pasok.
Katawan ang habol ni Manny sa two-punch combination niya.

Si Antonio, nalilito na kung saan si Manny.

Si Manny, kumbinasyon ulit ng suntok ang pinakawalan.

Tinamaan ng solid si Antonio galing kay Manny.

Gumanti si Antonio, pero depensa si Manny.

Jab ulit si Antonio, pero umikot lang si Manny.

Five-punch combination ni Manny pasok, pero nakadepensa si Antonio.

Magang-maga na right side ng mukha ni Antonio.

Sundot ulit ng kaliwa si Manny at shoot ito sa mukha.

Gumanti si Antonio sa katawan ni Manny, pero wala lang.

Gumanti si Manny ng body shots at pasok lahat.

Round 7.

Depensa ulit si Antonio, pero umabante pagkatapos.

Si Manny, umiikot lang, naghihintay ng pagkakataon.

Dalawang suntok ni Manny pasok sa mukha ni Antonio.

Balik-depensa si Antonio.

Right hook ni Manny, solb!

Combination ni Manny, sinabayan ni Antonio.

Five-punch combination ni Manny, bagsak lang sa depensa ni Antonio.

Naka-cover lang si Antonio lagi habang si Manny opensa lang.

Na-corner si Manny sandali, pero nakabawi naman agad.

Inulanan niya ng sapak si Antonio sa kanang bahagi.

Round 8.

Sarado na ang kanang mata ni Antonio.

Umiikot ulit si Manny para maghanap ng butas sa depensa ni Antonio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puro body shots si Manny at gumanti ng upper cut si Antonio, pero walang silbi. Dalawang kaliwa ni Manny, swak.

Kanan si Antonio at inulanan niya si Manny ng suntok sa ulo, pero nakaganti si Manny agad.

Kulay talong na ang kalahati ng mukha ni Antonio habang si Manny makinis pa rin. Si Manny, nagpaulan ng kaliwang sapak at sunod na kumbinasyon.

Kanang ganti ni Antonio , mahina na.

Two- left combination ni Manny pasok, pero walang epekto masyado kay Antonio.

Round 9.

Antonio nag-jab ulit, pero umikot lang si Manny.

Opensa si Antonio, pero balewala lang kay Manny.

Si Manny gumanti ng kaliwa, swak!

Suntok sa ulo ni Manny, binalewala niya uli.

Right at left straight ni Manny, pasok.

Masigla pa rin si Manny habang si Antonio diskumpiyado na.

Si Manny nakasandal sa lubid, pero nakaganti gamit ang maraming kumbinasyon na suntok.

Si Antonio sumusuntok, pero sobra.

Si Manny nakaresbak ng isang matinding right cross.

Round 10.

Umawat ang referee dahil maga na ang mata ni Antonio, pero tuloy ang laban.

Si Manny umiikot ulit at naka-jab siya ng isa.

Opensa ngayon si Antonio, pero paiwas-iwas lang ang Pinoy champion.

Right uppercut ni Manny nag-landing sa mukha ni Antonio.

Left punch ni Manny, pasok din.

Three-punch combo ni Manny, walang mintis.

Si Antonio, matibay pa rin pero umaatras na.

Right-hand combo ni Manny, pasok na naman.

Lumulusob ng jab si Antonio, pero walang epekto kay Manny.

Si Manny nagpasabog ng 6-punch combo kay Antonio.

Umulan ulit ng suntok si Manny at nanginginig na tuhod ni Antonio.

Round 11.

Combo ni Manny, pasok na naman habang paiwas-iwas na si Antonio.

Sagutan ng jab ang dalawa.

Sa kanan na suntok ni Manny, hindi maka-depensa si Antonio.

Two-punch combo ni Manny pasok na naman.

Left punch sa katawan ni Antonio, ininda ng Mexican!

Wala nang epekto ang mga suntok ni Antonio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puro combo na lang si Manny at si Antonio umaatake din pero wala nag silbi.

Ayaw talagang tumumba ni Antonio.

Puro iwas na lang si Antonio hanggang sa pagtapos ng round.

Round 12.

Dalawang jab ni Antonio, balewala kay Manny.

Umikot at umatake si Manny.

Sumusugod si Antonio pero wala lang.

Si Manny gumanti, gamit ang right sabay left.

Nilalaro na lang niya si Antonio sa pagkakataon na ito.

Kaliwa ni Manny pasok na naman sabay jab para pampalambot kay Antonio.

Nag-jab din si Antonio pero napakahina na.

Dalawang kaliwa at isang kanan ni Pacquiao pasok sa katawan ni Antonio.

Hindi na makaganti si Antonio sa mga bagsak ni Manny.

Pilit na lang tumayo si Antonio.

Nagpakawala ng maraming kaliwa si Manny, pero nainda naman ni Antonio.

SCORECARDS: 120-108, 118-110, 119-109—all in favor of Pacquiao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN