President Noynoy Aquino reveals interest in stylist Liz Uy

"We had a conversation and I discovered how beautiful a person she was. I am impressed how she could engage in a conversation," says President Noynoy Aquino about his stylist, Liz Uy.


Sa unang pagkakataon ay inamin ni Pangulong Noynoy Aquino na nagde-date sila ng kanyang stylist na si Liz Uy.

Ayon sa SunStar, ginawa ni PNoy ang pag-amin sa harap ng media na nagku-cover ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Yokohama, Japan.

Pero mas naging bukas si PNoy ng kanyang nararamdaman para sa 28-year-old stylist sa panayam sa kanya ng TV5 news anchor na si Jove Francisco kahapon, November 13.

Ayon sa 50-year-old bachelor president, na-realize niya ang kanyang nararamdaman para kay Liz bago ang kanyang state visit sa U.S. noong September.

"Noong kampanya, wala pa," paglilinaw ni PNoy.

"I was in a relationship. I was focused on the campaign. I was focused on trying to make that relationship work also."

Ang tinutukoy na "relationship" ni PNoy noong nasa U.S. siya ay ang sa kanila ng ex-girlfriend niyang si Shalani Soledad, kasalukuyang konsehala sa Valenzuela City at kasalukuyan ding co-host ni Willie Revillame sa Willing Willie.

Tungkol kay Liz, ito ang naging pahayag ng Pangulo: "We had a conversation and I discovered how beautiful a person she was. I am impressed how she could engage in a conversation."

Inamin din ni PNoy na hindi nawawala ang komunikasyon nila ni Liz.

Ang huli raw nilang pag-uusap ay bago siya lumipad patungong Japan. Nagte-text din daw sila sa isa't isa habang nandoon siya.

Si Liz ay dating girlfriend ng sikat na aktor na si John Lloyd Cruz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN