Dennis Trillo worries about girlfriend Jennylyn Mercado's health

"Palagi ko siyang pinapayuhan na huwag masyadong nagpapa-stress. Palagi lang relax. At palagi ko siyang sinasabihan na huwag isipin yung mga problema sa trabaho. Ano lang, huwag lang niyang masyadong dibdibin para huwag nang masyadong nakakaano sa nararamdaman niya," says Dennis Trillo about girlfriend Jennylyn Mercado.


Labis ang pag-aalala ni Dennis Trillo para sa kasintahang si Jennylyn Mercado dahil sa dalawang beses na pagkaka-ospital ng aktres.

Matatandaang isinugod sa ospital si Jennylyn noong October 28 pagkatapos himatayin at manigas habang nagda-dubbing ng pelikula niyang Rosario. Bago ito ay na-ospital din siya dahil "inatake" siya sa puso. (CLICK HERE to read related story.)

Sa taped interview ng Startalk kay Dennis, sinabi nito, "Siyempre, palaging nag-aalala. Siyempre, palagi ko siyang pinapayuhan na huwag masyadong nagpapa-stress. Palagi lang relax.

"At palagi ko siyang sinasabihan na huwag isipin yung mga problema sa trabaho. Ano lang, huwag lang niyang masyadong dibdibin para huwag nang masyadong nakakaano sa nararamdaman niya."

Ayon kay Jennylyn, malaking tulong sa kanya si Dennis sa pinagdadaanan niya ngayon dahil kahit paano raw ay gumagaan ang kanyang pakiramdam.

Ano ang reaksiyon dito ni Dennis?

"Naa-appreciate ko na ganoon ang tingin niya sa akin, yung epekto ko sa kanya. Kaya sana nga huwag na siyang atakihin ng sakit niya, kasi medyo iba rin yung nararamdaman ko kapag nalalaman ko na nahihirapan siya. Kasi, siyempre, apektado ka rin kahit paano."

Ano naman ang ginagawa niya para mapagaan ang nararamdaman ni Jennylyn?

"Siyempre, hindi ko siya binibigyan ng problema," sabi ni Dennis. "Sinisigurado ko na kapag magkasama kami, siyempre, palagi lang masaya.

"Kung ano ang ginagawa niya, siyempre, gusto ko rin pantayan yun. Ganoon din siguro ang secret. Kung maaari, higitan pa."

SINGLE PARENTS. Sinagot din ni Dennis ang isyu na kaya raw na-ospital si Jennylyn ay dahil buntis ito.

"Maliit pa ang mga anak namin. Wala pa kaming balak na dagdagan," sabi niya.

Si Dennis ay may anak sa dati niyang girlfriend na si Carlene Aguilar—si Calix Andreas; samantalang si Jennylyn naman ay may anak sa dati niyang boyfriend na si Patrick Garcia—si Alex Jazz.

Sinabi ni Dennis na close na siya sa anak ni Jen na si AJ, at gayundin naman daw ang young actress sa kanyang anak na si Calix.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumportable na rin. Wala namang problema," aniya.

MATURE RELATIONSHIP. Ano nga ba ang sikreto nina Dennis at Jennylyn at napapanatili nilang maayos ang kanilang relasyon?


"Tahimik," sagot niya.

"Yung pagiging tahimik itself, malaking bagay yun para sa isang relasyon. Walang iintindihin.

"Lawakan lang ang pag-iisip sa mga bagay-bagay. Mature na naman kami pareho sa pag-iisip at pag-uugali."

Hindi kaya magselos si Jennylyn na si Heart Evangelista muli ang kapareha ni Dennis sa upcoming fantaserye na Dwarfina?

Inamin kasi ni Dennis dati na crush niya si Heart.

"Alam naman naming pareho na trabaho lang yun," sabi ng aktor.

Masasabi ba niyang si Jen na ang huling babae sa buhay niya?

"Siyempre, lahat naman tayo, yun ang hino-hope," sagot ni Dennis. "Pero hindi naman natin masasabi kung maging ganoon talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN