Gerald Anderson thankful for his first acting award; dedicates trophy to Kim Chiu

"Basta mas na-inspire ako lalo. Minsan sa ibang tao, kapag nanalo sila ng acting awards, pumupunta dito sa ulo. Sa akin, dito sa puso. I want to take this opportunity to inspire more people," says Gerald Anderson about his first acting trophy.


Mangiyak-ngiyak si Gerald Anderson habang tinatanggap ang award sa kategoryang Best Single Performance by an Actor sa 24th Star Awards for TV, kagabi, November 13, sa Newport Performing Arts Theater sa loob ng Resorts World, Pasay City.

Nagwagi si Gerald para sa kanyang pagganap sa "Lubid" episode ng ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya. Ginampanan niya rito ang real-life character ni Jerome Concepcion, isang binata na may kakaibang sakit na kung tawagin ay "Tourette's Syndrome."

Ito ang kauna-unahang acting award para sa 21-year-old actor, na produkto ng reality show na Pinoy Big Brother Teen Edition (PBB).

"Siyempre, heto yung first award ko. This is my first acting award. Dati nasa PBB lang ako. Hindi ko inakala na mangyayari sa akin ito," masayang sabi ni Gerald nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media pagkatapos ng awards night.

Patuloy niya, "Alam naman ng lahat na marami akong pinagdaanan this year. It's been a roller-coaster ride. This is just the best thing that has happened to me this year."

Sabi pa rin niya, "Hopefully, marami pang blessings. Be happy. There's a lot to be thankful for—sa pamilya ko, ito... Malapit na ang Christmas kaya dapat masaya na lahat."

HOT CAR. Ang sinasabi ni Gerald na "pinagdaanan" niya ay ang death threats sa kanila ng kanyang ina, ang nabalitang breakup nila ng rumored girlfriend niyang si Bea Alonzo, at ang hinalang "hot car" ang kanyang sasakyan na Hummer.

Kaugnay ng kanyang sasakyan, sinabi ni Gerald na inaasikaso na ng abugado ng Star magic ang problema hinggil sa kotse niya.

At kaninang hapon, November 14, naglabas ng statement ang legal counsel ng young actor na si Atty. Joji Alonso:

"Gerald's vehicle was impounded based on a suspicion of sporting fake plates. But upon submission of all relevant documents, it was shown otherwise. As such, the vehicle was released to me, as Gerald's counsel, and we will continue to work closely with the PNP on this matter, so Gerald will be cleared of any liability."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AWARD DEDICATED TO KIM. Napansin ng lahat na isa sa mga pinasalamatan ni Gerald sa speech niya kagabi ay ang ka-love team na si Kim Chiu.

"Nasa Jovit [Baldivino] concert pa siya. So, hindi niya pa alam," banggit ng award-winning actor.

"Malaking bagay si Kim for my career," pahayag ni Gerald. "I wouldn't be here kung hindi niya ako sinuportahan at tinulungan at inalalayan. Ang laki po ng itinulong sa akin ni Kim—personally and professionally."

Sinabi rin ni Gerald, "Me and Kim are still friends. Nagte-text kami paminsan-minsan."

Natanong naman siya sa posibilidad ng pakikipagtambal sa ibang female stars, gaya ni Sarah Geronimo. Matatandaang umalma ang Kimerald fans nang mabalitaang magtatambal si Gerald at Sarah.

"I'm ready to go back to work. Open naman po ako sa mga new opportunities and new projects,'" sagot ni Gerald.

Pero nilinaw ng Kapamilya star na gusto pa rin niyang makatrabaho si Kim.

"Wala pong goodbye sa Kimerald tandem. Impossible po dahil doon po ako nagsimula. For the meantime, pahinga muna siguro sa tandem," pagtutuwid niya sa mga bali-balitang wala na raw projects para sa kanilang tambalan ni Kim.

Palabas pa rin hanggang ngayon sa mga sinehan ang latest movie nina Gerald at Kim sa Star Cinema, ang Till My Heartaches End.

Samantala, umuwi ngayong araw si Gerald sa General Santos City upang ipagdiwang ang kanyang tagumpay, kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

"Ipagyayabang ko naman nang konti sa mga kababayan ko doon!" sabi ng young actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN