Aubrey Miles answers Michelle Madrigal's accusations; apologizes to Jon Hall

"I admit I was wrong and nagso-sorry ako, na mali, mali yung ginawa ko. It's parang fault, mali talaga!" says Aubrey Miles about exaggerating stories on her past relationship with ex-boyfriend Jon Hall.


Matindi at mabigat ang mga binitiwang pahayag ni Michelle Madrigal tungkol sa kapwa niya Survivor Philippines Celebrity Showdown castaway na si Aubrey Miles nang mag-guest siya sa Showbiz Central last November 7. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Michelle, sa palagay niya ay "plastic" si Aubrey at ito raw ang "pasimuno" sa pagkakatanggal nila ng boyfriend niyang si Jon Hall.

"Sinisiraan" din daw ni Aubrey si Jon, na ex-boyfriend ni Aubrey at castaway din sa reality show ng GMA-7.

Kahapon, November 14, ay si Aubrey naman ang nag-guest nang live sa Showbiz Central upang sagutin ang mga pahayag laban sa kanya ni Michelle.

PASIMUNO. Sa one-on-one interview ni Raymond Gutierrez kay Aubrey, tinanong nito kung totoong siya ang pasimuno ng pagkakatanggal nina Michelle at John.

"Siguro half," sagot ni Aubrey.

"Oo, totoo, aaminin ko. Half siyempre, pero hindi naman ako ang nagsusulat sa ibang castaway kung sino ang iboboto nila. May sarili silang isip.

"Ako siyempre, as a player ng Survivor, nandun ako para maglaro, hindi para maging mabait or maging ganito.

"In my own way, siyempre ginawan ko ng paraan kasi silang dalawa, alliance na agad sila. And alam mong hindi sila magla-lie sa isa't isa, hindi nila ibo-vote ang isa't isa.

"So, counted as parang, 'Uy, makakalamang sila.' So, dapat gumawa ka agad ng moves," paliwanag ng sexy actress.

Ayon kay Michelle, yung mga so-called moves na ginagawa ni Aubrey ay ang paggamit ng kanyang "charm at sexuality" para mapalapit sa kanya ang male castaways, gaya nina Ervic Vijandre at Akihiro Sato.

Iyon ba talaga ang game plan ni Aubrey?

"Before, 'yon ang game plan ko," pag-amin niya. "Pero nung pumapangit na ako, sabi ko, hindi na siguro, hindi na ito magwo-work.

"Pero hindi, sinubukan ko. Pero lahat naman ng girls, I think kung puwede nilang gawin, gagawin. Wala namang masama at hindi naman illegal yun sa Survivor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And kung nag-work, nag-work. Kung hindi, hindi.

"Pero kung makikita n'yo naman kami ni Ervic, siya, puwede niyang gamitin ang charm niya sa akin. In a way, ginamit na din 'ata, di ba? Ganun naman kaming dalawa.

"Pero wala sa ganda, wala sa charm. Talagang kailangan mong pag-isipan yung moves mo and may plano ka talaga."

PATAY NA PATAY. Gaano katotoo na patay na patay sa kanya si Ervic? Naramdaman ba niya ito habang nasa isla sila?

"Hindi," sagot ni Aubrey. "Pero kanina, magkasama kami sa Iloilo. Sabi nga niya, napanood niya [interview ni Michelle].

"Walang masama. Sinabi lang niya na, 'Ano ngayon kung patay na patay ako?' sabi niyang ganun.

"Pero hindi naman siya patay na patay. Pero sinasabi nga na kung sakaling ganun nga yung feelings niya sa akin, 'Ano naman?' sabi niya.

"Pero inaamin niya na fan ko siya. Pero ngayon, mag-friends na kami.

"Parang unfair din sa kanya na parang, 'O, sige patay na patay ako!' Pero, 'So?' That's it, wala, di ba?"

TROY IS NOT BOTHERED. Hindi ba bothered sa mga nangyayari ang partner niyang si Troy Montero na may Aubrey-Ervic tandem? Na lahat ng tao ay napansin na may chemistry sila sa island at ang partnership at alliance nila ay parang hindi ma-break-break talaga? Worried ba si Troy? May sinasabi ba ito?

"Hindi, e," sabi ni Aubrey.

"Ano siya, agree siya dun sa ginawa ko [sa isla]. And sinabi ko rin naman talaga before sa kanya yung mga plans ko kaya alam niya.

"Hindi ko naman puwedeng sabihin kung ano. Pero sinabi ko sa kanya, so naintindihan niya.

"Ni-like nga niya yung Aubric namin, e. May nagtayo ng AUBRICSAubrics, di ba?"

Ang tinutukoy ni Aubrey ay ang Facebook account ng fans nila ni Ervic.

APOLOGY. After nilang bumalik sa Pilipinas, tini-Tweet daw ni Aubrey sina Michelle and Jon para mag-sorry. Pero ang dating kay Michelle ay hindi sincere ang apology ni Aubrey. Puwede naman daw kasi siyang tumawag o mag-text, bakit daw kailangang sa pampublikong pamamaraan pa tulad ng Twitter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Aubrey rito?

"Hindi, kasi ganito, sinilip ko yung Twitter niya, pero hindi ko naman sila pina-follow. Sabi ko, sige i-follow ko sila.

"Tapos, nakita ko yung mga fans nila na parang galit sa akin. Then, nagre-reply siya, nagtu-tweet back siya.

"Sinabi ko lang na, eto lang pagkakasabi ko, sabi ko, 'Hi, how are you? I hope everything's okay. I'm sorry for everything. Anyway, hahaha, ng dami ko nang haters!' Ganun lang.

"Yung pagka-sorry ko, mini-mean ko siya, pero hindi ko alam na nag-tweet back siya na, 'Alam mo, ganito naman, hindi naman ako yung talagang sinisiraan mo, si Jon.' And hindi ko ma-gets...' Yung attack ko daw sa kanya sa Survivor, which is talagang ganun sa Survivor."

ABOUT JON HALL. Sinisiraan ba niya talaga si Jon?

"Hindi!" mabilis na sagot ni Aubrey.

"Ito, ha, before ito yung may isyu na Jon issue na episode namin two nights ago, ilalabas ko muna 'yon."

Ang tinutukoy ni Aubrey ay ang mga sinabi niya sa castaways tungkol kay Jon noong magkarelasyon pa sila.

Patuloy niya, "Sasabihin ko muna yung nagpa-interview siya na sinasabi na may mga personal ako na sinabi. Hindi kasi nila natatandaan yung mga sinabi ko nung first week na, 'Alam mo si Jon, ganitong tao siya, magaling siya, blah blah blah!'

"Na-dedma na yun, e. Hindi na nila naisip na marami din akong sinabing maganda sa kanila. But eventually, dahil nagiging tight na [ang labanan], napapansin na nila yung negative.

"Gusto ko ngang i-specific nila kung ano yung mga nega na sinasabi ko. Pero pati yung Jon issue, ha.

"Kasi I admit that iba yung episode na two nights ago, na siguro naiisip ko yung mga first na episodes yung 'Anong role ni John? Taga-hanap! Si Michelle, taga-pahanap!'

"Ano naman, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinepersonal ba niya sina Jon at Michelle dahil sa dating relasyon nila ni Jon?

"Sa totoo lang, I don't know Michelle. I didn't know Michelle before Survivor. Acquaintance, hi-hello, so wala akong reason para i-personal siya.

"And then with Jon, I admit the last two nights na episodes, I said sorry.

"By the way, yung nag-tweet pala ako kay Michelle, sabi niya, 'Jon deserves your apology.'

"Sabi ko, 'Nag-sorry ako kay Jon and then Jon accepted my apology.'

"Sabi niya, 'Apology accepted.'

"'Yan yung before.

"And then, yung isyu na ngayon na Jon, na nasabi ko yung ganito siya, yung breakup namin, then I admit, medyo na-exaggerate ko yung kuwento dun."

Ano ang mensahe niya kina Jon and Michelle, lalo pa't balitang masama ang loob ng magkasintahan sa kanya?

"Oo, naiintindihan ko yung part ni Jon," sabi ni Aubrey.

"Si Michelle is yung sa laro, wala akong reason para magalit sa kanya or ganun. Kasi, wala akong galit, e.

"Kung sila nagagalit sila sa akin dahil out na sila, then ganun talaga.

"With Jon, yes, nag-sorry ako sa kanya. Pero hindi siya nag-reply sa akin. I don't know kung mali yung number.

"Sabi ko, 'I admit, I'm sorry.'

"I exaggerated stories na siguro dahil gusto ko lang... 'tsaka nakakalimutan ko na may camera. And nung time na yun, sobrang bored na kami, nabobobo na kami.

"I admit I was wrong and nagso-sorry ako, na mali, mali yung ginawa ko. It's parang fault, mali talaga!" saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN