PNoy on dating Liz Uy: "We have been spending some time together as long as our schedules would permit."

"At present time, I think I'm just recovering also from a recent engagement. And there are too many things and the schedules of both sides are really difficult to find common time, and especially when you're not given a little private time," says President Noynoy Aquino about the status of his relationship with stylist Liz Uy.


Naisulat na rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakaroon ng romantic interest ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang personal stylist na si Liz Uy. (CLICK HERE to read related story.)

Kahapon, November 14, sa report ng The Buzz ay kinumpirma mismo ni Pangulong Noynoy ang pagdi-date nila ni Liz.

"We have been spending some time together as long as our schedules would permit. But I guess at this point in time, that is the extent of it," pahayag ng Pangulo.

Dagdag niya, "At present time, I think I'm just recovering also from a recent engagement. And there are too many things and the schedules of both sides are really difficult to find common time, and especially when you're not given a little private time."

Ang tinutukoy na recent engagement ni PNoy ay ang natapos nang relasyon nila ng ex-girlfriend niyang si Valenzuela Councilor Shalani Soledad.

Hindi naman nakakagulat kung marami ang interesado sa love life ni Pangulong Aquino. Ito kasi ang unang pagkakataon na nagkaroon ng binatang presidente ang Pilipinas.

Siyempre, bukod sa opisyal nitong gawain bilang pangulo ng bansa, kaabang-abang din ang mga kaganapan sa personal nitong buhay, partikular na ang lagay ng kanyang puso.

ENGAGED TO WED IN 2011? Dahil nga sa pagkakalantad ng pagdi-date nina PNoy at Liz, lumabas naman ang isyung engaged na umano sila at nakatakda nang ikasal sa October 11, 2011.

Isyung ikinagulat ng panganay na kapatid ni PNoy na si Ballsy Aquino-Cruz.

"Hindi ko alam na girlfriend na pala niya. Nakakagulat na balita. Alam ko naglalabas pa siya ng iba pang babae," ani Ballsy sa hiwalay na panayam.

Si Liz naman ay natatawa lang sa isyu. Ayon sa kanyang Twitter account, hindi raw dapat paniwalaan lahat ng mga nababasa sa mga balita: "Not everything you read is true."

Maging si Boy Abunda, na host ng The Buzz at malapit kina PNoy at Liz, ay nag-react sa wedding issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nais ko lang pong iklaro na I'm speaking not as an official spokesperson for the President because I'm not part of the presidential press office," paglilinaw muna niya.

"Ako'y nagsasalita lamang dahil ako'y tinatanong, una.

"Pangalawa, bilang kaibigan and I'm the official agent-manager of Liz Uy. According to Liz, hindi totoo ang balitang ito. Wala silang napag-uusapan na ganito," pahayag ni Boy.

Ang alam lang daw ni Boy ay nagdi-date pa lang ang dalawa.

"Pero ang pagkakaalam ko ay they're dating. They're seeing each other. They go out on dinners. They're getting to know each other."

Puring-puri rin ni Boy si Liz.

"Si Liz ay kaibigan po natin.

"Si Liz is a hard-working stylist. She's one of the best stylists in the country. She's one of the most professional stylists.

"She is single, she's very intelligent."

WISHING PNOY & LIZ HAPPINESS. Kuwento naman ng kaibigan ni Liz at TV host na si Bianca Gonzalez, maraming bagay raw ang pinagkakasunduan ng dalawa. Marami raw ugali si PNoy na naa-appreciate ni Liz.

"Happy naman sila pareho," sabi ni Bianca.

"Ang alam ko na qualities ni PNoy na kumbaga naa-appreciate ni Liz is siyempre yung wisdom niya. Ang dami niyang nase-share na bagay. Maraming natututunan si Liz.

"At saka siguro dahil sa difference ng generation nila, marami silang napi-pick up sa isa't isa na bago. At napapatawa ni Liz si PNoy nang bonggang-bongga!"

Twenty-two years ang age difference nina PNoy at Liz. Si PNoy ay 50 years old, samantalang si Liz ay 28.

Wish nga ni Bianca na maging masaya sina PNoy at Liz.

"I wish her to be happy. And PNoy to be happy. She'll support you no matter what.

"Bilang staunch supporter ni President Noy, gusto ko happy yung president ko," aniya.

Kaligayahan din ang nais ng dating boyfriend ni Liz na si John Lloyd Cruz para sa dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng aktor, sa hiwalay na panayam, "Dati ko pang sinasabi, to see her happy, kung sino ang nagpapaligaya sa kanya, kahit ano pa 'yan, kahit na sino pa 'yan, it doesn't matter kung sino at kung anong level sa buhay, as long as masaya ka sa tao na 'yun."

GETTING TO KNOW LIZ UY. Sa kabila ng pagiging maingay ng kanyang pangalan simula nang maging girlfriend siya ni John Lloyd Cruz at ngayon nga ay idine-date ni PNoy, marami pa rin ang hindi nakakakilala sa tunay na pagkatao at pinagmulan ni Liz.

Ikalawa sa tatlong anak, isinilang si Liz noong February 8, 1982. Magkapareho sila ng araw ng kapanganakan ni PNoy—February 8, 1960.

Isang bank executive ang kanyang ama at minsan ding nagtrabaho sa bangko ang kanyang ina.

Ayon sa kaibigang model ni Liz na si Isabelle Daza, relihiyoso raw ang pamilya ni Liz. Kilala rin daw ito bilang masayahing kaibigan.

"When no one is watching, she lets loose, doing goofy things," sabi ni Isabelle.

"Liz is really a good dancer," dagdag pa ng anak ni Gloria Diaz.

Sa Dela Salle College of St. Benilde nagtapos si Liz ng kursong Hotel and Restaurant Institution Management. Dito rin niya minsan naging blockmate ang TV host na si Luis Manzano.

Kuwento ni Luis, "Si Liz, sobra-sobrang masayang kasama. Kilala ko na siya kasi long-time friend ko 'yang si Liz. Very outgoing, very responsible, at napakamapagmahal din na anak."

Bagamat hindi agad nalinya sa fashion pagka-graduate, mabilis ding nagamit ni Liz ang kanyang husay sa styling para mahanap ang career na bagay sa kanya.

Sabi ni Isabelle, "I know that she worked at a hotel for her first job. She got into fashion because she actually had a knack for it. She did her first editorial with Anne [Curtis]. Tapos she was hired by Preview, and ever since, nandun na siya sa Preview."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Panay nga ang papuri ni Isabelle sa kaibigang si Liz, na very professional daw sa trabaho.

Sabi ni Isabelle, "Nakita ko siya how she is at work. Very serious siya at work. Ang pinakabilib ako, nakakatakbo siya from one end to another end kahit naka-six-inch heels.

"Very professional. Even though I'm her friend, and we're working for example in a shoot together, she'll be on time. She tells me what to do. It's very nice working with her because she's so light kasama and laging tumatawa."

Dahil na rin sa kanyang galing, marami ang natuwa sa kanyang trabaho at naging in-demand stylist na siya ng mga kilalang artista—gaya nina Bea Alonzo, Anne Curtis, Gretchen Barretto, at ang bunsong kapatid ni PNoy na si Kris Aquino.

Sa trabaho niya ring ito nakilala ang dati niyang boyfriend na minsan niyang naging kliyente—si John Lloyd nga.

SIGHTINGS WITH PNOY. Sa tuluyan niyang pagpasok sa mundo ng showbiz bilang stylist, naging malapit na magkaibigan sina Liz at Kris.

Ito rin ang naging daan para makatrabaho ni Liz ang noo'y kumakandidato pa lang sa pagka-presidente na si PNoy, hanggang sa tuluyan na nga siyang maging personal stylist nito.

Dahil parehong galing sa failed relationship at parehong single ngayon, nag-umpisa nang ma-link si Liz sa Presidente.

Dito na nga rin nagsimulang lumabas ang iba't ibang isyu tungkol sa kanila, gaya ng nakita raw sila diumano sa isang sikat na fastfood chain sa may Quezon Avenue. Isyung agad na itinanggi ni Liz.

Pagtatanggol naman ng kapatid ni PNoy na si Kris, wala namang masama sakaling nagdi-date nga ang dalawa.

Single naman daw pareho sina PNoy at Liz. Karapatan daw nila kung gusto man nilang mag-date.

Ang gusto niya lang daw ay maging happy ang dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN