Rachelle Ann Go admits dating John Prats, but denies holding-hands sighting

"Friends kami. Matagal na matagal na kaming magkakilala. Nagkakasama kami sa mga shows before and, kumbaga, ngayon lang kami parang nag-bond talaga," says Rachelle Ann Go about suitor John Prats.


Sa interview ni John Prats sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na lumabas noong November 10, inamin niyang nagdi-date sila ng Kapuso young diva na si Rachelle Ann Go. (CLICK HERE to read related story.)

Kinumpirma rin ito ni Rachelle sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central na ipinalabas kahapon, November 14.

Oo, lumalabas kami," sabi niya.

Pero nilinaw ng singer ang ilang detalye tungkol sa pagde-date nila ni John sa Eastwood mall sa Pasig City.

"A, hindi naman kami magka-holding hands. 'Yan ang idinagdag na, 'yan na yung hindi totoo. Hindi naman kami nag-holding hands, walang ganyan," aniya.

Nang tanungin naman kung nanliligaw sa kanya ni John, ito ang sagot ni Rachelle: "Tanungin ninyo na lang siya. Iyon lang ang masasabi ko talaga."

Nilinaw rin ni Rachelle Ann na bagamat nasa magkabilang TV networks at magkatapat ang programa nila ni John, hindi kataka-takang maging malapit silang dalawa dahil dati silang magkatrabaho.

Magkasama kasi sila noon sa ASAP XV bago lumipat ng GMA-7 si Rachelle at maging mainstay ng Party Pilipinas.

"Friends kami. Matagal na matagal na kaming magkakilala. Nagkakasama kami sa mga shows before and, kumbaga, ngayon lang kami parang nag-bond talaga," sabi ni Rachelle.

Kinumpirma rin ni Rachelle ang sinabi ni John na pumupunta siya sa bahay ng singer.

"Pumupunta naman siya dito, may effort naman. Ayun, nakilala na niya sina mama, sina papa," aniya.

Maingay ang latest devpelopment sa love life ni Rachelle, lalo pa't ang former boyfriend niyang si Gab Valenciano at ang nakakamabutihan niya ngayong si John ay magkasama sa dalawang shows sa ABS-CBN—ASAP XV at Banana Split.

Ayon kay John, kinausap niya si Gab para ipaalam ang intensiyon niya kay Rachelle.

Ano ang reaksiyon dito ni Rachelle?

"Ang alam ko, kinausap niya, oo. Pero hindi ko alam kung paalam, kung matatawag na pagpapaalam. Pero ang alam ko, nag-usap sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang okay naman, parang wala namang problema. Very casual din naman kasi na kinausap ni John si Gab. Casual lang, hindi naman seryoso," sabi ng Viva artist.

Nakiusap si Rachelle na huwag pangunahan ang kung anumang puwedeng mangyari sa kanila ni John.

Wala rin daw dapat expectations dahil nagsisimula pa lang ang mga bagay-bagay at ini-enjoy lang nila ang kung anumang meron sila ni John ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN