Dingdong Dantes sees Star Awards win and ATA nomination as "inspiration to do better"

"I am still in awe and enjoying the feeling. But I know later on that this will higher the ante and raise the standards of my next performances, which adds to the pressure," says Dingdong Dantes about his achievements as an actor.


Ilang araw pagkatapos hirangin si Dingdong Dantes bilang Best Actor in a Drama Series sa 24th Star Awards for TV, isa na namang karangalan ang nakamit ng aktor para sa GMA-7 drama series na Stairway to Heaven.

Nominado si Dingdong sa kategoryang Best Drama Actor sa 15th Asian TV Awards.

Makakalaban niya sa kategoryang ito sina Chang Shan-Wei (The Pioneers) ng Taiwan, Bowie Lam (Sister of Pearl) ng Hong Kong, Lee Cheng Yun (The Adjusters) ng Malaysia, Frederick Lee (Glowing Embers) ng Malaysia, at Chen Sicheng (Pretty Maid) ng China.

Gaganapin ang awards night sa December 9, 2010, sa Pan Pacific Plaza sa Singapore.

FIRST ACTING AWARD. Unang acting award ni Dingdong ang tropeyong natanggap niya mula sa Star Awards, at posibleng masundan ito ng isa pa dahil sa nomination niya sa Asian TV Awards (ATA).

Kung magkataon, hindi lang sa Pilipinas kikilalanin ang husay sa pag-arte ni Dingdong kundi maging sa buong Asia.

Masayang-masaya siyempre si Dingdong sa mga nangyayari sa kanyang acting career ngayon.

Sa text message na ipinadala niya sa sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, November 16, ipinaabot niya ang pasasalamat sa Philippine Movie Press Club (PMPC) dahil sa pagkilalang ipinagkaloob sa kanya bilang Best Actor in a Drama Series.

"Just the thought of being nominated along with the country's top dramatic actors already is a good reason for me to be proud," simula ng 30-year-old actor.

Anim na Kapamilya actors ang nakalaban ni Dingdong sa Star Awards: Coco Martin (Kung Tayo'y Magkakalayo), Gerald Anderson (Your Song Presents: Isla), Jericho Rosales (Dahil May Isang Ikaw), John Estrada (Dahil May Isang Ikaw), Piolo Pascual (Lovers in Paris), and Sid Lucero (Dahil May Isang Ikaw).

Patuloy ng Kapuso actor, "However, reality put into place the real score of my triumph which gave me all the reason to rejoice.

"This is my first acting award. Often, people ask why I still don't have any... Maybe because back then, I really didn't hope for it. Hindi ko siya hinangad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero nang makuha ko ang sunod-sunod na magandang proyekto at magagandang roles dahil sa tiwala ng GMA, sabi ko sa sarili ko, for me to gain satisfaction in my work that can be validated by many, hindi ko siya dapat lamang pangarapin, hindi lamang hangarin, kundi gawin.

"I just did my role right and I put my heart into it, which should always be the case for all actors.

"I am grateful for the chance given to me. And to PMPC for the recognition."

ATA NOMINATION. Tungkol naman sa nominasyong nakuha niya mula sa Asian TV Awards, sinabi ng award-winning actor na nasorpresa siya at ni hindi raw niya naisip na mangyayari ito.

Kagaya raw ito ng naramdaman niya sa iba pang recognition na naigawad sa kanya in the past, tulad ng pagiging isa sa Sexiest Men ng E! Television at ang pagkakasama niya sa international film na Dance of the Steel Bars.

"I am still in awe and enjoying the feeling," sabi pa ni Dingdong. "But I know later on that this will higher the ante and raise the standards of my next performances, which adds to the pressure.

"Pero the most important thing is how I've learned to mix fun with professionalism, which goes beyond any award.

"That is why I see this PMPC and ATA 2010 nomination as an inspiration for me to do better in my next projects.

"Again, victory belongs to those who believe in it the most.

"Acting is a spiritual exercise which, if not for my faith, my family, my loved one, my God, nothing will be possible."

Kadalasan, hindi nakakapag-prepare ng speech at maraming nakakalimutang pasalamatan ang nananalo sa isang awards night. Ganito rin ang nangyari kay Dingdong nang manalo siya sa Star Awards for TV kaya kinuha niya ang pagkakataong ito para magpasalamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpapasalamat ako, unang-una, sa GMA 7 for entrusting me with the role. Sa bumubuo ng grupo ng Stairway to Heaven, headed by Otep [Joseph Buncalan]; Jay Cruz, my character consultant; directors Andoy Ranay at lalong-lalo na kay Binibining Joyce Bernal; manager kong si Perry Lansigan, pamilya ko..."

Siyempre pa, hindi nakalimutang banggitin ni Dingdong ang kanyang girlfriend na si Marian Rivera.

"Higit sa lahat, kay Marian, na nagbigay sa akin ng inspirasyon na higitan ang anumang akalain ko na hindi ko kaya. Because of her, I had my best ammunition to deliver to the needs of my character, and that is the reality of how it is to love and be loved.

"Also, to the supporters who wanted this award for me, as well. It's not about how many they are, but the quality and sincerity of their support is priceless."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN