Shalani Soledad takes criticisms about her hosting constructively; reconnects with biological father after 30 years

"We cannot always please everybody. At ako naman, alam ko naman, alam ko, I accept na hindi po ako kagalingan, or hindi po ako magaling na mag-host...Kaya po lahat ng criticisms na ibinibigay, I really take it constructively para ma-improve ko naman ang sarili ko," says politician-TV host Shalani Soledad.


Marami nang nagbigay ng kanilang opinyon tungkol sa hosting skill ni Valenzuela councilor Shalani Soledad. May mga nagkagusto sa kanyang ipinakita, pero mas marami ang naniniwalang marami pa siyang dapat i-improve.

Nagsimula si Shalani Soledad bilang co-host ni Willie Revillame sa Willing Willie noong November 8.

Pero sa kabila ng mga puna tungkol sa kanyang paghu-host, sinabi ni Shalani sa panayam ni Cristy Fermin sa Paparazzi noong Linggo, November 14, na nag-enjoy siya sa kanyang unang linggo bilang co-host ng Willing Willie.

Ano ang una niyang naengkuwentrong hindi kagandahang nasulat tungkol sa pagiging co-host ni Willie?

"Wala po. Wala pa naman po masyado," sabi niya.

"Pero ang paniniwala ko kasi, we cannot always please everybody. At ako naman, alam ko naman, alam ko, I accept na hindi po ako kagalingan, or hindi po ako magaling na mag-host.

"Kaya alam ko na marami pa akong dapat matutunan. Kaya po lahat ng criticisms na ibinibigay, I really take it constructively para ma-improve ko naman ang sarili ko."

WORKING WITH WILLIE. Kumusta naman sila ni Willie?

"Okay naman," sagot niya. "Akala ko nga noong una, si Willie, marami kang akala...pero mabait po."

Dagdag nito, "One thing that attracts me most kay Willie, yung dedication niya at saka yung passion niya sa trabaho."

Ngayon pa lang ay madalas nang tuksuhin sina Shalani at Willie, lalo na't break na ang konsehala kay President Noynoy Aquino.

Tinanong ni Cristy si Shalani kung naniniwala siya sa "panandaliang relasyon?

"Basta kami po, nag-i-stick lang sa sinabi niyang huwag daw po akong mai-in love sa kanya!" natatawa niyang sabi.

"Basta, pinapangatawanan naman po natin yun. Sabi ko naman, madali naman akong kausap."

Paano kung lumundag ng ilang panahon at ma-in-love nga sa kanya si Willie?

"Naku, very professional naman po si Willie, and I'm looking forward for having a good and professional relationship with Willie," sagot ni Shalani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REUNION WITH HER BIOLOGICAL FATHER. Sa isang episode ng Willing Willie, binati ni Shalani ang kanyang tunay na ama na si Adolfo "Adi" Aguirre, dating chairman ng Banco Filipino.

Noong September lang nitong taon nakita at nakilala ni Shalani ang kanyang biological father. Three months old lang kasi si Shalani nang huli siyang makita ng kanyang ama.

Kaya hinimok ni Cristy na magkuwento si Shalani sa pagkikita nila ng ama.

"Kasi, yung akala ko nga, patay na ang daddy ko. Kasi, for the longest time, hindi sila nag-uusap ng mommy ko.

"Wala na kong hinanakit na, 'Bakit hindi mo ako hinanap noon, hindi mo man lang ako trinay na kausapin?'

"Pero sabi ko nga, everything siguro happens at the right time. Ngayon, tanggap ko na ang nangyari sa kanila ng mommy ko, wala nang galit.

"So, it happened at a very right time," lahad ni Shalani.

How was their first meeting?

"Masaya po," sagot niya. "Overwhelming, kasi for the longest time, hindi ko naman siya nakikita.

"Niyakap ako ng daddy ko. We embraced each other but no amount of words can really explain that.

"It was very emotional, at the same time very overwhelming. Alam mong masaya. At least, part of you is whole again."

"During our first meeting, it was, 'How are you? How come we haven't got the chance to see each other for this long? Don't worry, we'll have our whole lifetime to spend together.' Yung mga ganoon.

"We are very much in constant communication. Just this morning, kausap ko po siya, and he was saying he was watching the show and good luck daw."

SHALANI'S FAMILY. Hindi man nagisnan ni Shalani ang kanyang biological father, buo pa rin daw ang naging pagkatao niya dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya.

"May mga time siyempre na hinahanap-hanap mo. But I grew up with sa side ng mommy ko na napupuno naman. Like I have my uncle, si Tito Mon [Ramon Soledad] and sa lolo ko rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Spoiled ako sa lolo ko. My brothers and then my cousins, they are all boys. Hindi ko man nakasamang lumaki ang daddy ko, parang ang dami ko rin father figure.

"And of course, I would also like to take this opportunity to thank... Alam n'yo, hindi ko ito madalas na nababanggit, pero my stepdad, si Papa Dan, who really helped us—yung pagpapalaki sa amin, guidance, advises.

"Hindi kasi siya masyadong makuwento, si Papa Dan. But he's always there."

SHALANI'S "HEART." Pagkatapos kumustahin ang iba't ibang aspeto ng kanyang buhay ay tinanong ni Cristy si Shalani kung kumusta ang kanyang "puso."

Hindi man direktang sinabi ni Cristy kung ano ang ibig niyang sabihin, malinaw naman na ang ibig niyang tukuyin ay ang breakup nila ni PNoy.

Natawa muna si Shalani bago sumagot. Aniya, "Masaya dahil masaya rito sa TV5. Happy network, e."

Magtatagal ba siya sa TV5?

"I hope so, I hope so," sabi niya. "I would like to build a very nice relationship with TV5.

"Kaya kay Mr. Manny Pangilinan, sa lahat ng management, salamat po. Salamat po for taking care of me."

Sa Willing Willie, magtatagal din ba siya?

"Sana po, sana," sambit ni Shalani.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN