TV executive and talent manager Malou Choa Fagar celebrates a star-studded birthday party

TAPE, Inc.'s SVP and COO Malou Choa-Fagar celebrated her 55th birthday last night, November 17, at Imperial Palace Suites on Tomas Morato Ave., Quezon City.


Napuno ng mga malalapit na kaibigan mula sa showbiz at pulitika ang 55thbirthday celebration ng TV executive at talent manager na si Malou Choa-Fagar.

Ginanap ang pagdiriwang kagabi, November 17, sa Penthouse ng Imperial Palace Suites sa may Tomas Morato, Quezon City.

Halos taon-taon ay sa nasabing hotel nagse-celebrate ng kanyang birthday ang SVP at COO ng TAPE Inc.—producer ng longest-running noontime show na Eat Bulaga!.

Noong November 12, Biyernes, ang actual birthday ni Malou, pero lagi niyang inilalaan ang espesyal na araw na ito kapiling ng kanyang pamilya.

Kagabi ay "pamilyar" na mga mukha ang namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Sila ay taun-taon na hindi nawawala sa birthday celebration ni Malou.

Nang dumating ang PEP ay naabutan namin ang Dabarkads ng Eat Bulaga! na sina Ruby Rodriguez, Paolo Ballesteros, Julia Clarete, Daiana Menezes, at Anjo Yllana—kasama ang misis na si Jackie Manzano—sa may poolside.

Nasa katabing table naman ang magkasintahang sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa, na tahimik lang na kumakain. Balitang ikakasal na ang dalawa next year, pero ayaw pa rin nilang magbigay ng detalye tungkol dito.

Nakisaya rin sina Roderick Paulate, Philip Lazaro, Matet de Leon at ang asawa nitong si Mickey Estrada, Jeffrey Santos at ang ina nitong si Mommy Carol, at si Armida Siguion-Reyna at ang manugang nitong si Bibeth Orteza.

Maaga ring dumating si Bacoor Representative Lani Mercado, na hindi kasabay ang mister niyang si Senator Bong Revilla.

Bukod sa poolside ng Imperial Palace Suites ay may "extension" ang party sa kalapit na function room kung saan may mga naka-set up ding tables for formal dining.

Dito naabutan ng PEP ang aktres na si Amy Austria kasama ang kanyang mister na si Duke Ventura.

Maya-maya ay sunud-sunod nang nagsidatingan ang iba pang mga bisita ni Malou, gaya nina Ricky Davao, Gina Alajar, Mel Kimura, Ali Sotto, Annabelle Rama, Direk Chito Roño, Raquel Villavicencio, Ces Evangelista, Neil de Guia, at MTRCB Chairperson Mary Grace Poe Llamanzares.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabay na dumating ang magkaibigan na sina Senator Bong Revilla at Phillip Salavador, kaya naman lumipat na sa function roon ang misis ng Senador na si Lani para samahan ang kanyang mister.

Sabay ring dumating ang mag-inang Lorna Tolentino at Ralph Fernandez, kasama si Maritess Gutierrez—anak ng veteran actress na si Gloria Romero at ng yumaong aktor na si Juancho Gutierrez.

Dumating din si Maxene Magalona, na ka-holding hands ang isang non-showbiz guy. Hindi namin sigurado kung ito ang boyfriend ngayon ng young actress dahil ang alam naming nali-link sa kanya ay si Felix Roco.

Nakisaya rin sa party ni Malou ang mag-asawang sina Christopher de Leon at Sandy Andolong, Tirso Cruz III, Joey Marquez, John "Sweet" Lapus, ang La Diva (Jonalyn Viray, Aicelle Santos, at Maricris Garcia), Pia Magalona, Andrew de Real, Ruel Bayani, Butch Francisco, June Rufino, Jimmy Santos, Sam YG, Boy2 Quizon, Cholo Barretto, at ang president and COO ng GMA NMI na si Judd Gallares.

Solong dumating ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid. Hindi niya kasama ang kanyang fiancée na si Regine Velasquez dahil nagte-taping daw ito ng I Heart You Pare. Si Ogie naman ay galing sa birthday party ng anak ng kumpare niyang si Michael V.

Hindi rin nakalimot ang dalawa sa hosts ng Eat Bulaga! na sina Senator Tito Sotto at Joey de Leon. Kasama ni Tito Sen ang anak niyang si Gian, samantalang si Joey naman ay kasama ang misis niyang si Eileen Macapagal.

Hindi nakarating si Vic Sotto dahil nagsu-shooting ito ng pelikula niyang Si Agimat Sa Mundo Ni Enteng Kabisote, kasama ang dalawa pang taga-Eat Bulaga! na sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Sumaglit din ang big boss ng TAPE, Inc. na si Mr. Tony Tuviera, kasama ang anak niyang si Celeste; at sina Mother Lily Monteverde at ang anak nitong si Roselle Monteverde-Teo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami na ang nakaalis nang dumating si Senator Jinggoy Estrada ng bandang alas dose ng madaling-araw.

Hindi rin nawala ang mga kaibigan ni Malou mula sa press gaya nina Jo-Ann Maglipon ng YES!, Crispina Belen ng Manila Bulletin, Mario Bautista ng People's Journal, Jerry Olea ng Abante Tonite, Alfie Lorenzo ng Abante Tonite, Ian Fariñas ng People's Tonight, Lhar Santiago at Gorgy Rula ng GMA-7, at Mario Dumaual ng ABS-CBN.

Nandun din sina Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon, Jojo Gabinete ng Abante at PEP, Karen Pagsolingan ng PEP, Allan Diones ng Abante Tonite, Marinel Cruz ng Inquirer, Gie Trillana ng Malaya, at sina Anna Pingol, Gab Villegas , at Sir Pete Lacaba ng YES!.

JAMMING SESSION. Siyempre, naging tradisyon na rin sa birthday party ni Malou ang jamming session, na pinangunahan ng Abante entertainmenteditor na si Dondon Sermino at columnist na si Jun Nardo.

Naging espesyal ang gabi dahil sa pambihirang pagkakataon ay narinig ng mga bisita na kumanta ang ilan sa pinakamahuhusay na artista sa Pilipinas, gaya nina Lorna Tolentino, Phillip Salvador, Tirso Cruz III, Ricky Davao, at Christopher de Leon.

Naki-jamming din kasama ng mahusay na keyboardist sina Ogie Alcasid, Julia Clarete, Roderick Paulate, Maritess Gutierrez, John Lapus, Philip Lazaro, at ang birthday girl na si Malou Choa Fagar.

Ang ilan sa mga mina-manage na artista ni Malou ay sina Maricel Soriano, Roderick Paulate, Keempee de Leon, at Janno Gibbs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN