Manny Pacquiao sued by record label for $10 million

RBM Group International filed a $10M lawsuit against Pinoy boxing champ Manny Pacquiao for allegedly failing to record songs that he promised to do.


Matapos ang kanyang matagumpay na laban kay Antonio Magarito noong Linggo, Nobyembre 14, haharapin naman ngayon ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang $10M lawsuit na isinampa laban sa kanya dahil sa umano'y hindi pagtupad ng isang music contract.

Ayon sa ulat ng TMZ Sports na nailathala kahapon, Nobyembre 17, nagsumite na ng kaso ang RBM Group International sa L.A. County Superior Court.

Inaakusahan nila ang eight-time world boxing champ ng hindi pagtupad sa kontratang kanyang pinirmahan noong 2009 para mag-record ng 12 songs.

Ayon sa mga dokumento, nag-issue na raw ang RBM ng tsekeng nagkakahalaga ng $40,000 noong Oktubre 2009, na kanya umanong dineposito, para sana sa unang dalawang kanta. Ngunit tumanggi raw ang Pinoy boxer na mag-record.

Sinabi rin ng kumpanyang nagrereklamo na halos $200,000 na ang kanilang nailalabas na pera para kay Pacquiao. Gayundin, nalulugi na raw sila ng halos $10M.

Bukod sa pagiging boksingero at Sarangani Representative, kilala rin si Pacquiao bilang mang-aawit. Dalawang recording album na ang kanyang nailabas—ang Laban Nating Lahat Ito noong 2006 (under Star Records) at Pac-Man Punch noong 2007 (MCA Music).

Mayroon din siyang single na nailabas under GMA Records, ang "Lahing Pinoy" na madalas niyang kinakanta sa kanyang guest appearances. Kinanta rin ito ni Pacquiao sa katatapos lamang niyang victory concert sa Lake Tahoe, Reno, Nevada, kahapon, Nobyembre 17.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN