Marian Rivera on Dingdong Dantes's back-to-back recognition: "Baka totoo ang sabi niya na ako raw ang lucky charm niya."

"Siyempre, natutuwa naman ako na sa akin niya inaalay ang award niya, at nakakataba ng puso para sabihin niyang ako ang inspirasyon niya, na ako ang nagiging dahilan kung bakit niya nagagawa yun. Ang sarap naman talaga," says Marian Rivera about boyfriend Dingdong Dantes dedicating his recent award to her.


Naka-costume bilang Super Inday si Marian Rivera nang um-attend siya sa launching ng 36thMetro Manila Film Festival (MMFF) kahapon, November 18, sa Club Filipino sa may Greenhills, San Juan.

Kasama niya ang kanyang co-star sa Super Inday and the Golden Bibe na si John "Sweet" Lapus, na naka-costume din bilang Golden Bibe.

Ayon kay Marian, excited na siyang mapanood ang kabuuan ng kanilang MMFF entry, bagamat may three shooting days pa silang natitira.

SUPER INDAY COSTUME. Personal request daw talaga ni Marian na pink ang maging kulay ng kanyang Super Inday costume.

"Personal na hiling ko talaga yun, na ang gusto kong kulay, pink. Favorite color ko. Para sweet-sweetan lang, nakaka-bagets," sabi niya.

Ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi ng producer ng Super Inday, na si Mother Lily Monteverde, na "sexy at flawless" siya bilang Super Inday?

"Ay, gano'n? Thank you! Basta ang importante siguro sa akin, yung kabuuan ng pelikula at kung paano ang pag-acting namin do'n," sagot ng Kapuso actress.

Nakita na raw ng boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes na suot niya ang Super Inday costume. Ano ang naging reaction ni Dingdong?

"Pumunta kasi siya sa set. Maganda raw," sambit ni Marian.

Sexy raw siya?

"Automatic na yun!" natatawa niyang sabi.

Wala bang inspection muna o approval from Dingdong bago siya pumayag sa costume niya?

"Hindi naman. Kasi ako mismo, sinabi ko kung ano ang gusto ko, pati ang kulay.

"Siguro minsan lang, may mga text lang siya na, 'I need you Super Inday!'" natatawang kuwento niya.

Biro naman namin kay Marian, lumilipad ba naman siya para puntahan si Dingdong?

"Ay, hindi lang lumilipad, with harness pa!" tawa niya.

DINGDONG'S LUCKY CHARM. Masaya naman si Marian para kay Dingdong dahil sa achievement at recognition na natatanggap nito ngayon.

Ang latest nga ay ang pagwawagi nito bilang Best Drama Actor sa Star Awards for TV para sa Stairway To Heaven at ang nomination nito as Best Actor sa Asian TV Awards para pa rin sa nasabing teleserye ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo nga, e, napakasuwerte. At saka sabi ko nga, ipagpasalamat niya ang mga 'yan at deserving naman talaga siya.

"Siyempre, proud ako. At baka totoo ang sabi niya na ako raw ang lucky charm niya," nakangiting sabi ni Marian. n

Natutuwa rin daw si Marian na sa tagumpay ni Dingdong ay hindi siya nakakalimutan nito.

"Siyempre, natutuwa naman ako na sa akin niya inaalay ang award niya, at nakakataba ng puso para sabihin niyang ako ang inspirasyon niya, na ako ang nagiging dahilan kung bakit niya nagagawa yun. Ang sarap naman talaga," saad niya.

Kung pupunta personally si Dingdong sa awards night ng Asian TV Awards sa December 9 sa Pan Pacific Hotel sa Singapore, sasama ba si Marian para suportahan ang kasintahan?

"Actually, to be honest, kanina, sinabi niya sa akin na, 'Gusto ko, kapag nanalo ako, kasama kita ro'n.' Sabi ko, 'Sige, titingnan ko.' Sana wala akong work para masamahan ko siya."

CHRISTMAS PLANS. This Christmas season, may plano na ba sila? Magbabakasyon ba sila sa labas ng bansa?

"Alam n'yo, sa mga ginagawa namin kapag may okasyon, siya naman talaga ang punong-abala riyan. Tipong tatanungin lang niya.

"Pero hindi siguro out of the country. Parang ang gusto ko, sa Cavite muna ako kasi ang tagal ko nang hindi nakakauwi," sabi ni Marian.

So, ganun din si Dingdong?

"Oo, no choice siya!" tawa niya.

UPCOMING PROJECTS. Pagkatapos ng Super Inday and the Golden Bibe, may nakahanda na agad na follow-up movie si Marian—ang Temptation Island.

Makakasama niya sa Regal Films project sina Angelica Panganiban, Carla Abellana, Lovi Poe, at Pokwang.

"Oo, di ba, ang dami kong ginagawa. Isa rin yun sa mga blessing, di ba?

"At saka yung sa GMA, sana masimulan ko na rin bago matapos ang taon," pagtukoy ni Marian sa epic-serye sa kanyang home network, ang Bai Amaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN