Carla Abellana is excited to be part of Shake Rattle & Roll XII; admits she's in a relationship with Geoff Eigenmann

Does her father Rey "PJ" Abellana have anything against Geoff Eigenmann? "No, not at all," says Carla Abellana. "Hindi siya kontra kay Geoff. [He's] against me having a boyfriend in general. Kahit sinong boyfriend, kahit sinong hari 'yan."


Isa si Carla Abellana sa mga artistang may entry sa darating na 36th Metro Manila Film Festival. Kasama siya sa horror trilogy movie ng Regal Films na Shake, Rattle & Roll XII, kung kaya't isa rin si Carla sa mga artistang dumating sa formal launching ng 36th MMFF sa Club Filipino noong Huwebes ng tanghali, November 18.

Excited at happy si Carla na sa pagpasok niya sa showbiz, naging bahagi daw siya ng SRR XII.

Aniya, "Natapos na ang shooting namin one month ago. Maganda kasi, bago 'yung director namin, isang indie director, si Jerrold Tarog. This is his first time to do a mainstream film, for the filmfest pa and for Regal.

"I think, ang dapat nilang abangan ay 'yung fresh [approach niya] kasi, sanay na tayo na nanonood ng horror at sanay na tayong nanonood ng Shake, Rattle... pang-labindalawa na ito.

"So... bagong-bago at fresh 'yung style niya sa paggawa ng pelikula. So, 'yun ang dapat nilang abangan kasi, kakaiba siya talaga."


Nang tanungin nga siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung na-imagine ba niyang makakasama siya sa Shake, Rattle & Roll, na 12 years nang may iba't ibang trilogy, masaya niyang sinabi na, "Nag-hope ako na sana, maging part ako ng franchise na 'yan. Ilang taon na 'yan na nandito sa industriya ng pelikula.

"Sabi ko, sana, one of these days maging part ako ng history. Hayan, natuloy na."

Siya raw si Diane who plays a teacher in the "Funeral" episode of SRR XII.


Open na ngayon si Carla Abellana, at inaamin niyang, officially, sila na ng ka-loveteam niyang si Geoff Eigenmann.

Ayon kay Carla, gusto din naman daw nila ni Geoff na i-share sa lahat kung ano man ang meron sila ngayon.

"Siyempre, sine-share lang naman namin sa inyo. Bakit naman namin itatago? Ako, hindi ako sinungaling."

Naniniwala naman si Carla na kahit sila na ni Geoff, hindi ito nangangahulugang maapektuhan ang work nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Depende lang 'yan sa dalawang taong nagmamahalan. Sa dalawang taong nagha-handle ng relasyon."

HER DAD DOESN'T SEEM TO APPROVE. Nang makausap ng PEP noon ang kanyang amang si Rey "PJ" Abellana, sinabi nito na wala siyang alam kung ang anak niya at si Geoff na nga.

Base sa mga naging pahayag nito, tila hindi ito ganoon ka-pabor kung opisyal na may relasyon na nga ang dalawa.

Bakit tila wala ngang idea ang daddy niya na sila na ni Geoff?

"Ay, hindi talaga siya aware! Hindi ko siya ina-aware," mabilis na pag-amin ni Carla.

Dugtong din niya, "Mahal ko ang daddy ko. I love him. I respect him. Not that I don't tell him anything naman or sinasadya ko na ihuli ang balita sa kanya.

"I don't feel the need to tell him anything. Hindi ko kailangang ipaalam ang lahat because I'm old enough, wise enough and responsible enough to make my own decision without anybody's advice."

Kontra ba ang daddy niya na maging boyfriend niya si Geoff?

"No, not at all. Hindi siya kontra kay Geoff. [He's] against me having a boyfriend in general. Kahit sinong boyfriend, kahit sinong hari 'yan."

Tinanong namin si Carla kung ano naman ang naging reaction ni Geoff na kontr pala ang daddy niya na magka-boyfriend siya?

"Wala... and I don't think he's aware of what my dad thinks. Sa sobrang busy ni Geoff ngayon, hindi niya naman yata nababalitaan yun. And if ever man na mabalitaan niya yun or malaman niya, I don't think he will react negatively.

"He knows my Dad. Nagka-trabaho na rin sila before, so, wala naman."

Pero bakit nga ba tila naging biglang possessive o istrikto ang ama niya kung kailan of age na siya at nagkaroon na rin naman siya ng boyfriend in the past?

Aniya, "Yun ang tanong ko sa inyo," nakangiti niyang sabi. "Yun ang tanong ko rin sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "Siyempre, ang understanding ko lang diyan, nagiging protective ang daddy ko for me, kasi, artista na ko. Parte na ako ng industriya kung nasaan siya at alam na niya kung paano kumilos sa loob ng industriyang ito.

"Siyempre, nagiging maingat lang siya. Kung anuman ang hindi kagandahang nangyari sa career niya in the past, siyempre, ayaw rin niyang mangyari yun sa akin.

"Siguro, selos lang... kasi, hindi ko na siya nakakasama masyado at ang huling kita ko sa kanya, noong birthday niya. September pa.

"Pero my dad naman is just a text and a call away. Siguro, nami-miss lang ako no'n. Nag-e-emote lang yun because we have less time for each other."

On the other hand, sila ba ni Geoff ay posibleng magkasama pa?

"Sana! Kung hindi man sa soap opera, sa pelikula, puwede rin. Pero so far, wala pa, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN