Krista Kleiner has auditioned for shows in Hollywood: "If opportunities are there, why should I limit myself here?"

Krista Kleiner won Miss Talent and Miss Expressive but she didn't make it to the Top 3 of the Miss International pageant. She says, "Well, wala tayong magagawa... Ang mahalaga sa akin, I did my best and I was recognized by the other candidates and their families."


Naiuwi ni Krista Kleiner ang dalawang title sa nakaraang Miss International sa China. Si Krista ang nanalong Miss Talent at Miss Expressive.

Pero sa kabila ng dalawang title na nakuha niya, hindi pa rin siya nakapasok sa Top 3 ng Miss International beauty pageant. (CLICK HERE to view related story.)

Sa live interview ng Startalk kay Krista kahapon, November 20, tinanong nina Butch Francisco at Ricky Lo kung ano ang pakiramdam ni Krista na hindi pinalad na makapag-uwi ng alin man sa Top 3 titles?

Nakangiti niyang sinabi, "Well, wala tayong magagawa... Ang mahalaga sa akin, I did my best and I was recognized by the other candidates and their families.

"Lumapit sila sa akin at kay Jay-R [Krista's boyfriend], sa nanay ko, at sinabi nila na 'Whatever happens, we don't care because, for us, you're the winner.'

"So, sa akin, that's worth more than any sash or crown they could have given me."

Pagkatapos daw magpakita ng talent si Krista, may ilang lumabas at nagsabing tipong sobrang nagpapapansin siya sa pre-pageant activity. Sinasadya ba talaga ni Krista na maging eksenadora o natural lang ito sa kanya dahil isa siyang entertainer?

"Well, sa talent show, I did my best to entertain them. For the pre-pageant activities, I did things that the other candidates didn't do.

"I did my best to represent the country. Hindi naman ako nag-tumbling sa mga pre-pageant activities. Yung sa talent lang—I sang, I danced."

HOLLYWOOD AUDITIONS. After ng Miss International pageant, ang plano raw ni Krista ay tapusin nila ng boyfriend niyang si Jay-R ang kanilang dance album.

"We want to finish the first album. 'Beauty Queen' is the first song which is now in iTunes. I've met some producers in L.A. and they wanna help. So if I can get more material I for the music video, the better.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I started auditioning for shows in Hollywood and I'm just waiting. If opportunities are there, why should I limit myself here?"

Si Jay-R naman daw, ipinakita ang suporta sa kanya mula pa lang sa Binibining Pilipinas hanggang nga sa Miss International. After ma-relinquish niya ang crown next year, posible ba ang kasalan?

"Yun ang hindi ko pa alam —kung kailan or ano ba ang mga plano. Basta, I'm so happy with him and we're so happy together. Bata pa ko and I wanna take things slow. We're together every day and we have a lot of good things to look forward to," sabi ni Krista.

Ano naman ang message niya for Jay-R?

"Jay-R, thank you so much for being my best friend. Thank you for being there through good times and bad. For helping me, for being so kind to my family.

"Kita niyo naman, sobrang support, nandito ako, sinasamahan niya ako. Pati sa China...when I went on tour sa Malaysia, L.A."

At that point, pinaupo sa harapan ng camera at sa tabi ni Krista si Jay-R.

HER BEST FRIEND. Dagdag pa niya: "Thank you, you're the most amazing boyfriend and best friend I could ever wish for."

Sabi naman ni Jay-R, proud daw siya para kay Krista.

"Ikaw ang winner talaga. Ikaw ang nagsa-shine sa lahat ng mga girls. Hindi lang sa beauty mo, sa personality mo, sa kabaitan mo, lahat na 'yan. Ikaw talaga ang nagsa-shine. Kaya mahal na mahal kita."

Hirit naman ni Butch kay Jay-R, kailan ba ang kasal?

"As of now, wala muna. Magpo-focus muna si Krista sa career niya, sa sarili niya. Yun ang pangarap ko muna sa kanya, to be the brightest star that she can be," sabi ng binata.

Pero nakikita ba ni Jay-R si Krista as his future wife?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I can see that. I can hope for that, yes," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN