Manny Pacquiao still wants to fight as this brings honor to the country

Marami nang world title belts ang boksingerong si Manny Pacquiao ngunit ayaw pa niyang mag-retire. Ang rason niya ay ayaw niyang huminto ang karangalan na natatanggap ng Pilipinas. Kung magre-retire siya, ang gusto niya ay may papasok kaagad at papalit sa kanya.


Ang pound-for-pound boxing champion na si Manny Pacquiao ay nag-guest kanina sa Showbiz Central upang pag-usapan ang mga pangyayaring naganap sa kanya mula noong nakabalik siya ng Pilipinas mula sa U.S.A.

Matatandaan na tinalo ni Manny ang Meksikanong si Antonio Margarito sa Texas para sa WBC Super Welterweight World title.

Nabanggit ni Manny na lumabas siya sa Party Pilipinas noong tanghali kasama si Raissa Laurel.

Si Raissa ay isang 23 anyos na law student na naging biktima sa pagbomba sa last day ng bar exams sa De La Salle University sa Taft Avenue, sa Maynila noong September 26, 2010.

Nawalan si Raissa ng mga paa, pero hindi ito naging hadlang sa mga pangarap niyang maging abugado.

Napagkaalaman na binigyan ni Manny si Raissa ng isang pares ng autographed boxing gloves. Bakit niya ginawa ito?

"Para magkaroon siya ng inspiration na lalong lumakas ang loob niya," paliwanag ni Manny. "Nagpasalamat naman siya at nagpa-picture kaming dalawa. Sabi ko sa kanya na kung may kailangan siya, e, don't hesitate to call me.

"Binigyan ko siya ng contact number ko, and then sabi ko, gusto ko siya tulungan kung ano man maitulong ko," aniya.

Sa ngayon ay nagse-celebrate si Manny sa kanyang pagkapanalo, pero bakas sa mukha niya ang responsibilidad na naiwan niya sa gobyerno.

Sa mga hindi pa nakakaalam, si Manny ay isang congressman na nagre-represent sa probinsya ng Sarangani.

"Balik-trabaho na kahit wala pang pahinga!" ngiti ng world boxing champ. "Jet lag pa! Pero bukas, balik-trabaho na."

Para sa kanya, mahirap ba ang buhay kongreso?

Napangiti ulit si Manny at sinabi, "Hindi naman. Mas mahirap pa rin ang boxing."

Nang tanungin kung ano ang pinaplano niyang ipapatayo sa Sarangani, ito ang naging sagot niya: "Iyong hospital dahil walang hospital sa probinsiya."

KASAMA ANG BUONG PAMILYA. Sa pagkakataong ito kasama ni Manny ang pamilya niya kabilang ang nanay niyang si Dionisia, ang asawang si Jinkee, at mga anak na sina Jimuel, Michael, Princess, at Queenie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit ng SC host na si Rufa Mae Quinto na blooming at maganda si Jinkee. Noong itinanong kung bakit ay simple lang ang sagot nito.

"Siyempre, in love!"

Sa laban ni Manny at Margarito ay nabugbog din ang katawan ng asawa. Kinabahan ba si Jinkee sa mga nangyari?

"Kinabahan at natakot din ako," inamin ni Jinkee. "Si Margarito pa, e malaki at matangkad."

Gusto ba niya na mag-retire na sa pagbo-boxing ni Manny?

"Pareho desisyon namin na sana, tapos na, wala na," sagot ni Jinkee. "Pero siya naman ang magde-decide kung hanggang kailan."

Si Mommy Dionisia naman ay umamin na ayaw na niyang panoorin ng live ang susunod na laban ni Manny.

"Hindi na ako manonood sa personal. Sa TV na lang pag tapos na," aniya. "Ang sinabi ko sa Texas, 'Huminto ka na. Ito na ang last.' Sabi niya, 'Pagkatapos nito, may isa pa.'"

Bakit kaya ayaw pa ni Manny huminto sa boxing? Sa dami-dami ng world titles niya, ano pa ang kailangan niyang patunayan?

"Kaya ko pa, e," ang simpleng sagot ni Manny. "Isipin mo, ha. Halimbawa huminto ako ng boxing. So, wala na tayong karangalan. Wala nang magwawagayway sa bandila."

Nabanggit din ni Manny na gusto niya na ibang boksingero naman ang magpagpatuloy ng pagbibigay karangalan sa bansa.

"Gusto ko nga may sumunod na," sabi ni Manny, "para tuloy-tuloy na."

Usap-usapang makikipag-sagupaan si Manny sa Amerikanong si Floyd Mayweather Jr. Matutuloy pa ba ang laban nilang matagal nang inaabangan ng mundo?

"Kasi may malaking problema si Mayweather," ang sabi ni Pacman. "Kailangan niya muna ayusin ang problema niya. May kaso siya dahil binugbog ata niya ang kanyang fiancée."

Dahil doon ay mukhang malabo pang sabihin kung magkakaroon nga ng laban si Manny at si Floyd.

May mensahe ba si Manny sa mga sumusuporta sa kaniya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maraming, maraming salamat at huwag tayong makalimot magdasal palagi sa Panginoon at bigyan ng pasasalamat sa biyayang natatanggap natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN