Sharon Cuneta defends daughter KC Concepcion from controversies that refuse to go away

Sharon Cuneta is up in arms over controversies surrounding daughter KC Concepcion's showbiz career: "Medyo inaapi yung anak ko. Medyo may 'sinungaling' or may mga ganun na nakakarating sa amin. Nagre-react ako kasi hindi lumalaban yung anak ko pag ganun, e."


Inilahad kahapon, November 21, sa The Buzz ng Megastar na si Sharon Cuneta ang pinakatatagong saloobin niya sa mga intriga laban sa anak na si KC Concepcion.

At ang mga palaban niyang mga pasabog sa taped interview na ipinalabas November 21 ng The Buzz:

"Ano lang 'to, trabaho lang 'to!

"Ang iniingatan ko, ang pagkatao ng anak ko! Oo, iyon ang concern ko bilang magulang," ang unang sinabi ni Sharon.

Sa pagputok ng balitang bahagi na ng Star Magic ang TV host/actress na si KC, maraming mapanirang intriga ang lumabas laban sa kanya.

At kung noon ay nanahimik ang Megastar sa isyu, ngayon, ang palabang dipensa ni Sharon:

"I think it's a matter between her and Shirley [Kuan], and Sandra [Chavez]. Kami ni Shirley nagkakaintindihan, kaya nga dapat siguro itigil na ito.

"Siguro may mga napapag-usapan yung both sides na hindi naman dapat nakakarating pa sa press.

"Parang I find it so cheap!

"So just let it die a natural death kasi they're all okay na."

Dagdag pa rito, bumuwelta na rin si Sharon sa mga taong patuloy ang paninira kay KC.

"Medyo inaapi yung anak ko. Medyo may 'sinungaling' or may mga ganun na nakakarating sa amin. Nagre-react ako kasi hindi lumalaban yung anak ko pag ganun, e.

"Pag medyo lumampas, unahin natin yung pagka-nanay ko, hindi ko uunahin yung pagka-artista ako. Ina ako ng babaeng pinaggagagawan mo ng kalokohan. So mag-ingat ka lang!"

Nang tanungin naman kung ang naging malaman na pahayag ng Megastar ay may kinalaman sa napabalitang paninira ng TV host na si Mariel Rodriguez diumano sa anak, ito ang kanyang naging sagot:

"I think nasagot na ni KC yun. So, mabuti naman, dahil gusto ko mang sumagot, hindi na bale!"

Mariel allegedly questioned KC's abilities as TV host, saying that she only got into show biz because of Sharon and Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, kasi tapos na, e."

Ngunit sa kabila nito, nananatiling positibo pa rin si Sharon. Ang dahilan, ang higanteng pelikulang pagsasamahan nila ni Gabby Concepcion sa susunod na taon.

"Yung amin ni Gabby ginagawan ng story na siyempre ia-approve pa namin. Tapos, I think may hinahanda rin ang Star [Cinema], so bahala na.

"It's the right time, it's okay, we're all okay, everyone's happy. Everyone's fine."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN