Ejay Falcon says he is a victim of fake nude photo published by some tabloids and websites

Ejay Falcon is the victim of elements who seem to want to shame him, and the websites and tabloids that publish the fake picture anyway.


Sa report ng The Buzz kanina, isang nude photo diumano ng isang hot young actor ang nagkalat sa Internet.

Lumabas sa iba't ibang blogs at entertainment websites ang isang sensitibong larawan ng lalaki.

Isa sa mga unang naka-"scoop" ng hot photo ay isang entertainment website—hindi ang Philippine Entertainment Portal (PEP)—na nagsabing isang source daw ang nag-email sa kanila ng pinag-uusapang picture.

Dito makikita ang lalaking nakahiga at tila natutulog na naka-side view ang ulo. Nakataas ang suot nitong T-shirt at nakababa naman ang boxer shorts nito, dahilan para ma-expose ang pribadong bahagi ng kanyang katawan.

Kasabay ng pagkalat ng larawan ay ang paglabas ng pangalan ng sikat na young actor. Siya diumano ang laman ng controversial photo.

Ang aktor na tinutukoy ay walang iba kundi si Ejay Falcon.

Ang tanong ng The Buzz—si Ejay nga ba ang nasa hubad na larawan?

Para raw sa ikalilinaw ng isyu, sumangguni ang Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN sa isang graphic arts expert upang suriin ang photo in question.

Una, ang sabi ng expert, tunay at hindi raw pineke ang larawan.

Mukha raw namang totoo talaga dahil tama lahat ng ilaw, kulay, at makikita na tamang-tama ang anggulo ng ulo sa katawan.

Kapag tiningnan kasi ang litrato, pareho ang ilaw at kulay ng katawan, at ang ilaw at kulay ng ulo ng lalaki.

Pero nang ikinumpara ng graphic arts expert sa tunay na larawan ni Ejay ang kumakalat na larawan ng hubad na lalaki—dito lumabas ang malaking pagkakaiba ng dalawa.

Conclusion ng expert: Hindi si Ejay ang nasa controversial photo.

"Sa unang tingin, mapapa-second thought ka kung si Ejay nga, tsaka titingnan mo yung detalye ng picture," ayon pa sa graphic arts expert.

Ngunit kapag sinuri raw nang mabuti, makikitang magkaiba ang bone structures ng dalawang lalaki.

Wala raw masyadong cheekbones si Ejay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas matangos rin daw ang ilong ni Ejay kaysa sa hubad na lalaki sa larawan.

Mas may muscles din daw si Ejay.

Nang pumutok ang intriga ay nasa India si Ejay, kasama sina Robin Padilla, Mariel Rodriguez, at Queenie Padilla para sa shooting ng pelikulang ginagawa ni Robin.

Hinarap ni Ejay ang isyu sa isang taped interview sa kanya ng The Buzz.

At ang kanyang mainit na buwelta:

"Matagal na po yun, e! Pagkalabas ko ng PBB [Pinoy Big Brother], lumabas na yun.

"Ano yun, dalawa yun, e. May video pa na ako daw, na nakatalikod, pero alam ko sa sarili ko na hindi po ako yun."

Hindi raw siya natakot o kinabahan sa isyu.

"Kasi siguro mas kakabahan ako kung mukha ko talaga ang nakikita. Ito, itong mukha kong ito.

"Pero hindi po, e, naka-sideview siya and marami naman raw po akong kamukha e," ang natatawa pang pahayag ni Ejay.

"Hindi nila mapapatunayan na ako talaga yun."

May mensahe si Ejay sa mga nagkakalat ng paninirang ito laban sa kanya:

"Hindi lang naman ako yung artistang biktima nun, e. Sana tigilan ninyo na po kasi marami kayong taong nabibiktima, marami kayong taong nababastos!"

CHARLENE & TONI SHARE SIMILAR EXPERIENCES. After the taped interview, pinag-usapan ng The Buzz hosts na sina Boy Abunda, Charlene Gonzalez at Toni Gonzaga ang isyu.

Ikinuwento ni Charlene na naging biktima na rin siya ng ganitong maling gawain.

"Yung pinuputol yung ulo, tapos they put a different body. Nakita ko ito sa isang Facebook account, at nagulat talaga ako.

"The reason I mention this, the beauty about it is, nung ni-report ng kaibigan ko sa Facebook, tinanggal kaagad nila yung picture!"

Ayon naman kay Toni:

"There's also a website na may mga nude photos raw ng Pinay celebrities, meron talaga...

"I saw myself!"

Natatawa pang sinabi ni Toni na kahit raw maganda ang katawang ikinabit sa mukha niya, hindi raw talaga siya iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Boy:

"Sinasabi ni Ejay na hindi siya. Pero nakita ko yung litrato, halimbawa, hypothetically lang—biktima si Ejay.

"Halimbawa, kung siya yun, natutulog, walang kalaban-laban, ang perpetrator nito ay yung mga taong kumukuha ng mga litrato ng mga celebrities, halimbawa, ng kanilang mga kaibigan, na walang kamalay-malay.

"I think that's abusive."

Nagpasalamat rin si Boy sa pagpapaunlak ni Ejay ng interview at sabay-sabing:

"Mga kaibigan, inuulit natin, hindi si Ejay Falcon ang nasa litratong iyan."

Hindi naman binatikos ng mga hosts ang websites at tabloids na naglabas ng sinasabi nilang walang katotohanan at nakababastos na litrato, at na kumita nang dahil dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN