Kim Chiu to spend Christmas in U.S. all by her lonesome

Kapamilya young actress Kim Chiu gave brief answers to issues thrown at her by The Buzz. Like, when asked why she decided to spend Christmas in the U.S. all by herself, she just said, "Wala lang, para masaya."


Maiikli ang mga naging kasagutan ni Kim Chiu nang tanungin siya ng The Buzz sa mga isyung kinasasangkutan niya ngayon. Ipinalabas ang taped interview sa kanya kahapon, November 21.

Sa balitang tigil muna ang projects na pagsasamahan nila ng kanyang ka-loveteam na si Gerald Anderson, ito ang isinagot ng first Pinoy Big Brother Teen Edition winner:

"Sa ngayon, wala pa po, e. Hiwalay muna kami."

Ready na ba siya to fall in love again?

"Handa naman siyempre. Okay naman. Depende sa tao, depende kung sino."

Posible kayang ang susunod na makakarelasyon ni Kim ay isa sa dalawang young actors na nali-link sa kanya ngayon—sina Enchong Dee at Jason Abalos?

Si Enchong ay kasama ni Kim sa isang commercial endorsement, samantalang si Jason naman ay balitang seryosong nanliligaw sa kanya.

On Enchong: "Nagsama lang kami dun sa event na yun... okay naman."

On Jason: "Wala, magkaibigan pa rin."

Kumusta ang love life niya?

"Zero balance muna tayo diyan!" natatawang sagot ng 20-year-old actress.

Definitely, ang darating na Kapaskuhan ay magiging malamig para kay Kim dahil sa U.S. niya ito ipagdiriwang nang mag-isa.

Aniya, "Kaya nga, sa snow ako magpa-Pasko. Ako lang—mag-isa."

Bakit mag-isa lang siya?

"Wala lang, para masaya," sagot niya.

Tungkol naman sa napabalitang breakup nina Gerald Anderson at Bea Alonzo sa Heartthrobs concert-tour na pinagsamahan nila sa Europe, ito lang ang naging pahayag ni Kim:

"Sa London yun, sa Dublin lang ako sumama!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN