Alwyn Uytingco somehow likes his bad-boy image

"Siyempre tao rin ako. So, masakit din sa akin yun na nahuhusgahan ako. Pero despite the fact na masakit, actually, yun ang hinahanap ko, e—yung hinuhusgahan muna ako ng tao na, 'Parang sira-ulo 'to, a!' Pero, yun ang nakakatuwa. Iisipin n'yo agad sa akin, masama akong tao. Pero magugulat na lang kayo kapag naging kaibigan n'yo ako, na okay pala 'to," says Alwyn Uytingco about his bad-boy image.


Magbabalik ulit ang role ni Alwyn Uytingco bilang si Pip, ang baklang anak ni Yna (Ai-Ai delas Alas), sa third and final installment ng Ang Tanging Ina.

Pero sinabi ni Alwyn sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na may mga revelation sa kanyang character sa pelikula, na entry sa 2010 Metro Manila Film Festival.

"Like sa akin, may mangyayari pala sa amin ng best friend ko dati dahil sa kalasingan. May revelation do'n kaya lalabas si Momay [Xyriel Manabat]. Hayan na, mawiwindang na ako!

"May moment na babalik si Kuya Marvin [Agustin], mawawalan siya ng trabaho," sabi ni Alwyn sa launching ng MMFF 2010, noong November 18 sa Club Filipino sa may Greenhills, San Juan City.

REUNION. Maituturing ngang reunion ang last installment na ito ng Ang Tanging Ina, dahil magsasama-sama halos lahat ng nasa original cast ng pelikula noong 2003, kabilang na nga si Marvin na gumaganap bilang panganay na anak ni Ai-Ai.

Pero kung si Marvin, na isa nang Kapuso ngayon, ay bumalik, bakit hindi si Heart Evangelista na nasa bakuran na rin ng GMA-7?

"Ginawan siya nang paraan, pero hindi yata. Dapat kumpleto na kaming lahat dito, except kay Heart lang yata," sabi ni Alwyn.

Dahil reunion ng original cast ang Ang Tanging Ina, para raw silang nakapag-bonding.

"Ang saya!" bulalas ng young actor. "At saka, iba na, e. Makapal na ang pundasyon kaya pamilya na ang turingan naming lahat!"

Tulad ng dalawang naunang installments ng Ang Tanging Ina, positive si Alwyn na maghi-hit pa rin sa box-office ang bagong pelikula nila.

"Ako kasi, bonus na sa akin itong nagkaroon ng Part 3 kasi never naman naming in-expect na magkaroon ng Part 2, Part 3. So, para sa akin, bonus na ito.

"Masaya na ako dahil nakatrabaho ko ulit sila. So, kung magiging number one ulit siya sa box-office, another bonus na naman yun para sa Christmas namin. Siyempre, we're still hoping," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MERRY CHRISTMAS. On a personal note, masaya raw si Alwyn ngayon at masaya rin niyang sasalubungin ang Kapaskuhan.

"Kasi, hindi ko ine-expect lahat 'to, e. Hindi ko ine-expect lahat ng blessing this year and it was a blast.

"Itong taong ito, ang daming nangyari na hindi ko ine-expect. So, sobrang thankful ako kay God."

Natawa naman ang binata nang tanungin namin kung hindi lang sa career kundi maging sa lovelife ang ipinagpapasalamat niya.

"Sa career, oo... Sa lovelife, isama na natin yun," sabi niya.

Bagamat hindi pa nila direktang inaamin, ang nababalitang girlfriend ni Alywn ay ang Kapuso young actress na si Jennica Garcia.

First Christmas ba nila ito ni Jennica together?

"Well, actually, ito lang naman ang first Christmas na close kami," sabi ni Alwyn. "Kasi, never naman kaming naging close. Hindi naman kami magkaibigan.

"This year lang kami nagkakilala. So, yun."

ZODIAC SIGN. Binanggit ng PEP kay Alwyn na sa kabila ng lahat ng nasusulat sa kanila ni Jennica, hindi pa rin nila tahasang sinasabi na sila na nga. Bakit nga ba?

"Hindi pa namin masasabi yun as of now," maikli niyang tugon.

Tinanong din namin kay Alwyn ang nabasa naming palitan nila ng Twitter posts ni Jennica.

Doon ay sinabi ni Alwyn na Diyos lang ang makakapagsabi kung hindi sila bagay, bilang tugon sa sinabi ni Jennica na magkaiba sila ng zodiac sign—Capricorn si Jennica, samantalang Aquarius naman si Alwyn.

"Totoo naman, e," sambit ng 22-year-old Kapamilya actor.

"Para sa akin naman, kahit ano pa 'yan, kahit sino pa ang magsabi na hindi kami bagay, alam kong may basehan kayo. Pero para sa akin, ang Diyos lang ang nakakaalam."

Kung ganoon, anong estado ng relasyon na meron silang dalawa?

"Papunta doon...sa kung saan," nakangiti niyang sabi.

Dugtong niya, "Ako kasi, basically, nagko-compromise lang ako at wala naman akong ibang puwedeng gawin kung hindi ang mag-compromise kasi alam ko naman kung paano tumatakbo ang industriyang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta ako, nandito lang ako sa likod niya."

CARL GUEVARA. Ang ka-loveteam ni Jennica sa GMA-7 ay si Carl Guevara.

May mga lumalabas na write-up na crush ni Carl si Jennica, pero gusto man daw nitong ligawan si Jennica ay hindi nito magawa dahil nandiyan na si Alwyn.

Ano ang masasabi ni Alwyn dito?

"Ang alam ko, ever since, may gusto naman talaga si Carl kay Jennica," ani Alwyn.

"At para sa akin, alam ko kung ano ang meron ako at confident ako kung ano ang maibibigay ko. At alam ko na kapag kunwari pinili niya [Jennica] si Carl, okey lang sa akin.

"Siyempre, masakit yun. Pero alam ko sa sarili ko na magkaiba kami noong tao."

BAD INFLUENCE? Madalas din nasasabing kesyo bad influence o B.I. raw si Alwyn kay Jennica. Ilang beses nang ipinagtanggol ni Jennica si Alwyn sa paratang na ito.

Pero paano ipagtatanggol ni Alwyn ang kanyang sarili sa ibinibintang na ito sa kanya?

"Siyempre tao rin ako. So, masakit din sa akin yun na nahuhusgahan ako," pag-amin niya.

"Pero despite the fact na masakit, actually, yun ang hinahanap ko, e—yung hinuhusgahan muna ako ng tao na, 'Parang sira-ulo 'to, a!'

"Pero yun ang nakakatuwa. Iisipin n'yo agad sa akin, masama akong tao. Pero magugulat na lang kayo kapag naging kaibigan n'yo ako, na 'Okay pala 'to.'"

Kahit na ang ina ni Jennica na si Jean Garcia ay "bad boy" rin ang unang impression kay Alwyn. Ano ang masasabi niya rito?

"Nakakagulat nga...na hindi ko ine-expect na ang tingin pala sa akin ng mga tao, bad boy. Parang, 'Ha?' Pero feeling ko naman, na-prove ko na rin na hindi," saad ng dating child actor.

Even to Jean?

"Tingin ko naman. Pero siyempre, hindi ko pa rin naman matatantiya kung ano ang tingin sa akin ni Ms. Jean. Basta ako, I'm doing my best para makilala niya ako as a person."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN