Iya Villania stays a Kapamilya; signs three-year exclusive contract

After the initial noise about Iya Villania transfering to another network, the TV host-VJ has now signed a three-year exclusive contract with ABS-CBN and its sister stations MYX and Studio 23.

(Top) Iya, second from right, with manager Arnold Vegafria, ABS-CBN channel head Cory Vidanes, and ABS-CBN variety and reality shows head Joyce Liquicia.

(Above) Iya, second from left, with Arnold, Studio 23 and ABS-CBN cable channel head March Ventosa an


Kumpirmadong mananatiling Kapamilya ang VJ-actress-host na si Iya Villania.

Last Friday, November 19, nag-renew ng kanyang contract si Iya sa ABS-CBN at sa sister stations nitong MYX at Studio 23, sa ELJ Building ng ABS-CBN.

Three-year guaranteed exclusive contract ang pinirmahan ni Iya.

Ito ay pagkatapos mag-expire ang kanyang unang kontrata sa Kapamilya network and its subsidiaries noong October 2010, na tumagal ng six years. Noong 2004 unang pumirma si Iya sa Kapamilya network.

Kasama sa nasabing contract signing ang ABS-CBN channel head na si Cory Vidanes, ang business unit head for ABS-CBN variety and reality shows na si Joyce Liquicia, ang business unit head ng Studio 23 na si Lala Ventura, ang head for Studio 23 and ABS-CBN cable channels na si March Ventosa, at ang manager ni Iya at president ng ALV Talent Circuit na si Arnold Vegafria.

Sumuporta rin sa pirmahang yun ang ina ni Iya na si Mrs. Elena Villania.

Ang renewal ng contract na ito ni Iya ay nagtapos sa mga usap-usapang babalik na siya ng GMA-7, tulad ng mga naglabasan sa tabloids, social networking sites, at fan blogsites nitong mga nakaraang araw.

Excited si Iya sa bago niyang contract.

Bukod sa magpapatuloy siyang maging co-host ng ASAP at VJ ng MYX music channel, nakasaad sa kontrata na magho-host din siya ng isang reality show, isang show mula sa News and Current Affairs ng ABS-CBN, isang teleserye, at isa pang show sa Studio 23.

Ang nasabing reality show ay existing na sa ibang bansa at nakuha ng ABS-CBN ang Philippine franchise nito. Next year na ito ipapaalam sa publiko.

Yearly ang exposure ng show na ito, tulad ng Pinoy Big Brother. Makakasama ni Iya rito ang isang homegrown hunky actor ng Dos.

Wala pa namang detalye tungkol sa News and Current Affairs program ni Iya, pero sa January 2011 na ang simula nito. Magiging daily (o nightly) na one-hour show ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa teleserye, at press time ay sinasama na si Iya sa casting ng isang bagong show ng isang sikat at kontrobersiyal na aktor.

Kinumpirma naman ng source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na gagawin ni Iya ang isang season ng Precious Hearts Romances.

Ang iba pang mga alaga ni Arnold Vegafria na kasama ni Iya sa ALV Talent Circuit ay sina Billy Crawford, Carla Abellana, Gary Estrada, Baron Geisler, Patrick and Cheska Garcia, John and Camille Prats, Nikki Gil, Monsour del Rosario, Geneva Cruz, at KC Montero.

Pinakabagong karagdagan sa list ay ang dating child actress na si Isabella de Leon.

Samantala, ngayong first week of December ay ilulunsad din si Iya bilang pinakabagong Tanduay Girl.

Nag-photo shoot na siya sa magaling na photographer na si Xander Angeles. Sexy ang concept ng pictorial ni Iya para sa nasabing Tanduay 2011 calendar.

Nagpa-sexy man si Iya sa Tanduay, kahit na anong imbita at pagkumbinsi naman ng FHM sa kanya upang mag-cover sa magazine, hindi siya mapapayag. Personal daw niyang desisyon ito, hindi nga lang malinaw kung ano ang pinanggagalingan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN