Dennis Trillo applies past lessons learned to his present relationship with Jennylyn Mercado

"Siguro, huwag lang din gawin ang mga mistakes na nagawa before. Learn from those at i-apply ang mga lessons na yun sa future," says Dennis Trillo about his past relationships.


First time magkakasama sa pelikula ng real-life couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa isang pelikula—ang Metro Manila Film Festival 2010 entry na Rosario.

Ano ang nararamdaman ni Dennis na nagkasama sila ni Jennylyn sa isang pelikula?

"Sobrang saya, kasi first time ko siyang makatrabaho sa pelikula. Sobrang excited dahil iba yung gagampanan naming mga character rito. Iba yung mga roles namin.

"The movie itself, kakaiba siya. Sobrang looking forward na mapanood ng mga tao dahil talagang binuhos namin lahat dito. Lalong-lalo na si Jen dahil pelikula niya ito, e," sabi niya.

Parang mas excited si Dennis para kay Jennylyn, na siyang gumaganap sa title character. Ang Rosario ay base sa istorya ng lola ng PLDT chairman at TV5 owner na si Manny V. Pangilinan.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa launch ng MMFF 2010 last Thursday, November 18, sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City.

FRONTRUNNER. As early as now, marami ang nagsasabi na posibleng humakot ng awards sa MMFF ang Rosario base sa trailer nito. Kakaiba raw kasi ang texture ng period movie na ito mula sa cinematography, set design, at iba pang aspeto ng paggawa ng pelikula.

Ano ang masasabi ni Dennis dito?

"Oo naman!" bulalas ng aktor. "Malakas ang kumpiyansa namin na makakahakot siya ng maraming awards this coming awards night.

"Pero siyempre, hindi ko rin masabi. Sana tangkilikin ng marami, lalo pa nga't maraming pambatang palabas.

"Itong Rosario, isa sa pinaka-serious na entry ngayong taon. We're hoping, at gusto naming mapanood ng marami.

"Itong pelikulang ito ang magse-set ng benchmark para sa tamang production value na ilabas natin sa pelikulang Filipino."

Kumusta naman ang direktor nila sa pelikula na si Albert Martinez?

"Sa tingin ko, isang malaking bagay na magaling siyang artista at nadala niya yun sa pagiging director niya.

"Metikuloso siya, e. Sobrang perfectionist, kaya hindi kami puwedeng magkamali rito sa pelikula," sabi ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What about his acting in the film? Sa tingin ba ni Dennis ay strong contender siya as Best Actor sa awards night ng MMFF?

"Hindi ako umaasa. Ako naman, ever since, hindi ako umaasa. Pero si Jen, I'm sure, strong contender siya for Best Actress," aniya.

Noong 2004 sa MMFF din, nakamit ni Dennis ang kanyang kauna-unahang acting award—Best Supporting Actor para sa Aishite Imasu 1941: Mahal Kita.

SECRET OF THEIR RELATIONSHIP. Marami naman ang bumibilib sa relasyon nina Dennis at Jennylyn. Nagsimula ito nang magsama sila sa afternoon soap na Gumapang Ka Sa Lusak early this year, at hanggang ngayon ay nananatiling matatag ang kanilang relasyon.

Ano nga ba ang sikreto nila at napapanatili nilang matatag ang kanilang relasyon?

"Siguro dapat maging tahimik lang palagi para iwas sa mga gulo at kontrobersiya na hindi naman dapat. Yun lang, maging tahimik lang," sagot ng aktor.

Posible kaya na ang pagiging open niya ngayon sa kanyang relationship ang isa sa mga dahilan kung bakit nagwo-work ito unlike noon na isinisikreto niya?

"Siguro," pagsang-ayon ni Dennis.

"Kasi noon, hindi lang ako sanay na magkaroon ng mga karelasyon sa parehong industriya. Ngayon, medyo nasasanay na ako kaya alam ko na ang dapat gawin at hindi dapat gawin.

"Siguro, huwag lang din gawin ang mga mistakes na nagawa before. Learn from those mistakes at i-apply ang mga lessons na yun sa future."

CRISTINE-PAULEEN FEUD. Speaking of past relationships, naitanong din kay Dennis ang tungkol sa hindi pa rin matapos-tapos na alitan sa pagitan ng ex-girlfriends niyang sina Cristine Reyes at Pauleen Luna.

Lumalabas na ang pinag-ugatan ng iringan ng dalawa ay si Dennis.

Ano ang reaksiyon dito ng aktor?

"Hanggang ngayon? Wala na, tapos na yun," nakangiti niyang sabi.

"Well, magpa-Pasko na. Dapat, kung meron pang away, dapat maayos nang lahat.

"Kasi, 'etong panahon na 'to, ang ginagawa niyan, nilalapit ang mga tao. Sana ganoon na ang mangyari sa lahat para wala nang gulo, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Dennis, "Maganda yung masaya ang lahat para wala nang problema. Wala nang tampuhan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN