Jennylyn Mercadoconsidered a strong contender for MMFF Best Actress award

"Sabi ko nga, never naman akong nag-expect ng kahit na ano. Ginagawa ko lang nang maayos ang trabaho ko. Masarap na rin ang pakiramdam na nakita nilang ginawa ko talaga nang maayos at ibinigay ko talaga ang lahat ng kaya kong ibigay," says Jennylyn Mercado about her acting in Rosario.


Muntik na palang hindi mapasakamay kay Jennylyn Mercado ang lead role sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2010 entry na Rosario.

Kuwento ni Jennylyn sa presscon ng pelikula kahapon, November 23, na nagkasakit siya nung araw mismo ng audition.

"Ang taas talaga ng lagnat ko! As in 39.2 degrees Celsius noong time na pinapapunta nila ako for the audition.

"Tapos sabi ko, hindi ako makakapunta. Nagso-sorry ako. Talagang 'Sorry po, hindi ako makakapunta. Hindi ko po kaya.'

"So, sabi nila, 'Okay, if ever na gumaan ang pakiramdam mo, feel free to come. Punta k.' E, two o'clock yun.

"Noong mga 5 P.M., masama pa rin ang pakiramdam ko, pero bigla akong bumangon. Sinabi ko sa driver ko, 'Let's go. Punta tayo sa Makati, mag-o-audition ako.'"

DOING THINGS FOR THE FIRST TIME. Para kay Jennylyn, napakarami raw niyang ginawa sa Rosario na hindi pa niya ginagawa before.

"Ang dami, e," sambit niya. "Nakita n'yo ba? Unang-una, hindi ako sanay kapag daring ng konti o mga intimate scenes.

"Yung pagyo-yosi, yun ang isa sa pinaka-challenging, kasi hindi po ako nagsi-sigarilyo. Pero kailangan kong matuto [manigarilyo] na wala yung filter," aniya.

"So, imagine n'yo na nagyo-yosi ako sa bawat shooting day ko, tapos hindi talaga ako smoker, tapos wala pa yung filter. Ano ang feeling, di ba?

"Kumbaga, kailangan kong matuto ng totoong yosi. Yung lalabas ako during break at tuturuan ako nila Direk [Albert Martinez]. Tuturuan ako ng mga AD [assistant director]. Hanggang sa natuto ako."

Biro naman namin kay Jennylyn, hindi ba niya tinuluy-tuloy ang pagyo-yosi kahit tapos na ang shoot?

"Ay, hindi ko naman dinala!" natatawa niyang sagot.

Paano siya napapayag gawin ang mga dati ay hindi naman niya ginagawa?

"Tulad nga ng sabi ko, malaki ang tiwala ko sa buong production, lalong-lalo na kay Direk Albert. So, hindi ako nagdalawang-isip na gawin lahat ang pinapagawa nila sa akin," sabi ng kauna-unahang StarStruck female winnner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero inamin ni Jennylyn na noong una ay hindi niya alam kung magagawa niya ang mga eksenang ipinagawa sa kanya sa Rosario.

Kuwento ng Kapuso star, "Talagang memorable. Hindi ako makatulog. Hindi ako makakain masyado sa sobrang kaba ko.

"Sa sobrang nerbiyos ko, dumating na sa point na kailangan kong tawagin ang manager ko para puntahan ako sa set, para pakalmahin ako. Talagang naiiyak ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Pero sa tulong na rin ni Direk Albert at ng mga kaeksena ko, ginawa nilang kumportable ako."

Ano naman ang naging reaction ng boyfriend niyang si Dennis Trillo, na kasama rin sa cast?

"Very supportive naman si Dennis. Never naman akong nagkaroon ng problema do'n, e.

"Siyempre, iba, e, nakaalalay siya. Nagbibigay siya nga advice. 'Relax.' Yung ganoon," sagot ng young actress.

STRONG CONTENDER. Ngayon pa lang ay marami na ang nagsasabi na malakas ang laban ni Jennylyn sa best-actress category sa awards night ng MMFF. Ibang klaseng acting daw kasi ang ipinakita ni Jennylyn sa Rosario.

Ano ang masasabi ni Jennylyn dito?

"Sabi ko nga, never naman akong nag-expect ng kahit na ano. Ginagawa ko lang nang maayos ang trabaho ko.

"Masarap na rin ang pakiramdam na nakita nilang ginawa ko talaga nang maayos at ibinigay ko talaga ang lahat ng kaya kong ibigay," saad niya.

Napi-pressure ba siya sa sinasabing "strong contender" siya sa Best Actress?

"Oo naman, oo naman!" mabilis niyang tugon.

"Yung pressure, talagang nasa akin lahat. Siyempre, si Rosario, 'eto si Rosario, siya ang magdadala ng pelikula. Na kung hindi ako naging maayos dito, sira lahat, e. So, yun."

Noong una bang in-offer sa kanya ang pelikula ay nakita na niya ang possibility na pang-award ito?

"Noong in-offer sa akin 'to, ano e, wala akong idea," sabi ni Jennylyn.

"Noong nabasa ko ang script, late na. Magsu-shooting na kami. Parang na-realize ko na lang na hindi ako nagkamali ng desisyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HANDS-ON PRODUCER. Nang kamustahin kay Jennylyn ang producer ng movie na si Manny V. Pangilinan, sinabi niyang "very hands-on" ito.

Aniya, "Nagpupunta siya sa set. Nanonood siya ng mga eksena. Nagpupuyat din siya katulad ng ginagawa namin.

"I think, first time niya yatang makapanood ng mga ganoon. Ano siya, nae-excite siya.

"At saka sinasabi niya na hindi pala ganoon kadali ang trabaho ng isang artista. Kaya parang na-gain namin ang respect ng mga nakakapanood sa amin. Na ito ang ginagawa namin, hindi madali. Hindi madali.

"Kaya sana, irespeto rin kami, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN