Ahron Villena is happy to be in the Top 7 of Survivor Philippines Celebrity Showdown

Did Survivor Philippines make Ahron famous? "Ewan ko. Siguro. Kasi, kumbaga nakikilala na ako as Ahron Villena. May apelyido," he says.


Walang marka ng pagkadismaya ang Survivor Philippines Celebrity Showdown castaway na si Ahron Villena kahit hindi siya umabot sa Top 4. Ayon sa young actor, masaya na siya na nakapasok siya sa Top 10 ng hit reality show ng GMA-7.

Tumagal lang ang 23-year-old actor ng 30 days sa Survivor, at siya ang naging pang-apat na miyembro ng jury kasama ang mga unang natanggal na sina Jon Hall, Aira Bermudez, at Michelle Madrigal. Sumunod sa kanya sina Elma Muros at Moi Marcampo.

Ang jury ang boboto kung sino ang dapat mag-uwi ng P3-million cash prize sa season na ito, kaya satisfied si Ahron na kasama siya sa pagdedesisyon.

"Medyo nagulat din ako nung ako yung natanggal nung gabi. So, ayun. Sabi ko, siguro, hindi talaga ako nagkaroon ng strong alliance," kuwento ni Ahron sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, Nobyemre 23, sa isang pocket interview para sa Survivor sa isang restaurant sa Quezon City.

Dagdag pa niya, "Happy naman ako, kasi sabi ko, kung matatanggal ako, sana umabot man lang ako ng Top 10. Pero siyempre, nung nasa Top 10 na ako, sabi ko, konti na lang, malapit na ako sa P3 million, e.

"Nung seven na lang kami, sabi ko, konti na lang, six days to go na lang. Baka makaabot ako ng Top 4, Top 3 or Top 2! Pero sabi ko nga, well, it's part of the game."

Apat na lang ang naglalaban sa Survivor sa pinakahuling episode nito: Sina Aubrey Miles, Ervic Vijandre, Solenn Heusaff, at Akihiro Sato.

Pahayag ni Ahron, ang model-turned-actor na si Akihiro raw ang pinaka-deserving na manalo ngayong season.

"Personally, deserving si Aki. Kasi, among the four, siya talaga yung... Sabi ko nga kay Moi [Marcampo, another jury member], pag binase mo lahat, si Aubrey, magaling siyang maglaro, pero wala naman siyang napatunayan. Di siya nagkaroon ng immunity necklace.

"Si Solenn, kumbaga, average. Nakarating siya doon, dahil magandang alliance ang kineep siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then si Ervic, magaling din pero hindi siya naging consistent. Unlike si Aki, nung marami pa lang kami, nakita namin yung lakas niya. Nakita namin yung ability niya. So feeling ko, si Aki deserving naman."

AFTER SURVIVOR. Ayon kay Ahron, hindi siya agad pumayag na sumali sa Survivor Philippines.

"Yung pagsali ko sa Survivor, nung una, di talaga ako sure kung sasali ako o hindi. Hindi dahil namimili ako, pero Survivor kasi alam ko mahirap. Sabi ko, kaya ko kaya? Alam mo yun? Make or break sa akin. Tanggalan 'to. Puwedeng matanggal agad ako, puwedeng hindi," saad niya.

Marami raw siyang natutunan sa pagsali niya dito. "Yung mga tipong sa Manila, parang babalewalain mo lang yung mga pagkain, yung mga nakalagay diyan. Sa Survivor, talagang iba-value mo yung mga bagay-bagay," sabi ni Ahron.

Dumami rin ang kanyang mga kaibigan. "Yun nga, nakasalamuha ako ng iba't-ibang personalities. Natutunan kong pakisamahan sila."

Kuwento pa niya, pinakamalapit daw siya kay Ervic at Moi. Lagi raw silang magkasama kung hindi sila busy.

Sa ngayon kasi, puro guestings lang ang pinagkakaabalahan ng tatlo. Ayon kay Ahron, na dating talent ng ABS-CBN, may niluluto raw na project para sa kanya ang manager niyang si Arnold Vegafria.

"Siyempre gusto ko isang regular na soap opera," sabi niya. "Acting talaga. Kumbaga, gusto kong i-improve pa yung skill ko sa acting."

"Hindi ako nag-e-expect ng lead role. Kunwari, kaibigan ako ni ganito, ganyan, okay lang sa akin. At least may trabaho ako. Pero given a chance, na may igaganda pa yung role ko, much better," sabi ni Ahron.

Tinanong ng PEP kung nararamdaman niyang mas sumikat siya dahil sa Survivor.

"Ewan ko," sagot niya. "Siguro. Kasi, kumbaga nakikilala na ako as Ahron Villena. May apelyido."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN