Lani Mercado ignores Hayden Kho's "narrow-minded" comment about her husband Senator Bong Revilla

"I myself have a lot of things to do than to pay attention to him. So, pabayaan na lang natin siya. Huwag na lang," says actress-politician Lani Mercado reacting to Hayden Kho's (inset, bottom) comment that Senator Bong Revilla (inset, top) is "narrow-minded."


Marami ang nabigla at nagtaas ng kilay nang tawagin ni Hayden Kho si Senator Bong Revilla na "narrow-minded" sa live interview ng dating cosmetic surgeon sa Paparazzi noong Linggo, November 21.

Nag-react si Hayden sa sinabi ni Senator Bong na mabilis makalimot ang mga tao sa ginawa ng nadisbar na doktor. Ang tinutukoy ng actor-politician ay ang sex-video scandal ni Hayden na naging national issue.

Ngayon kasi ay nasa limelight na naman si Hayden, hindi dahil sa kontrobersiya, kundi sa inilunsad niyang perfume line.

Hindi pa nagbibigay ng reaksiyon si Senator Bong sa sinabing ito ni Hayden, at ang misis naman niyang si Bacoor Congresswoman Lani Mercado ay ayaw nang patulan pa ang isyu.

"Ako, I have a lot of things to do than to pay attention to him. So, pabayaan na lang natin siya. Huwag na lang," nakangiting sagot ng actress-politician nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, November 24.

Nag-attend si Lani ng opening at inauguration ng ika-apat na branch ng Dr. Nina Rodil de Luna's Dental Focus sa SM South Mall sa Las PiƱas.

So, parang deadma na lang siya?

"Oo, huwag na, huwag na lang," sagot niya.

Paliwanag pa ng mambabatas, "I belong to the Committee on Women, and I am against anything that has to do with harassment and violence against women, so I'm against that.

"So, kung anuman iyong problema ni Hayden ay nasa korte na iyan. Let the court decide, huwag na nating... let justice take its course.

"Alam naman natin... Huwag sanang mabura sa isipan ng mga mamamayan na mayroon siyang [Hayden] nagawa at dapat niya itong pagbayaran," ani Lani.

Ano ba ang reaction ni Senator Bong tungkol sa pagtawag ni Hayden sa kanya na "narrow-minded?"

"Ayaw din po niyang mag-react, e. Marami kasi kaming pinagkakaabalahang ibang bagay. [There's no need] to focus attention on one person," sabi ni Lani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PUBLIC SERVANT. Nausisa rinng PEP ang mga naging pagbabago sa buhay ni Lani mula nang nahalal siya na representative ng Bacoor, Cavite.

"Well, iba ang pagiging public servant, may office time ka, plus, of course, I formulate laws. So, iba talaga ang buhay dito, totally different from showbiz," nakangiti niyang sabi.

Hinahanap pa rin ba niya ang buhay showbiz?

"Hinahanap pa rin natin siyempre yung show business," pag-amin niya. "Malaking breather 'yong nagtatrabaho ka pa rin sa industriya.

"Pero iba naman 'yong fulfillment pag nakakatulong ka sa mga tao bilang hinalal na representante ng bayan. Iba naman ito, iba 'yong sense of public service.

"Like this afternoon ay ide-defend ko 'yong cityhood bill namin. So, that would be another challenge for me."

Kabilang din daw sa mga proyektong tinututukan ni Lani ay ang ospital para sa kanyang distrito at iba pa niyang pet projects.

"Kapag naging siyudad na ho ang Bacoor, isusunod po naman ay 'yong aming hospital. Gagawin po naming district hospital once it opens. So, it has to be operational first.

"Kabilang din sa pet bills ko is the promotion of breastfeeding... then yung information dissemination on infant milk from age one, onwards.

"So, hindi lang naman babies and mothers ito, maraming causes ang involved ako like environment, women, children, OFW... marami. Seventeen kasi ang committees ko sa Congress," saad niya.

Dahil aminado si Lani na hinahanap din ng katawan niya ang showbiz, naikuwento niya na next year ay posibleng mas maging aktibo siya sa pag-arte sa telebisyon.

"Guest ako sa isa sa mga soap operas na magbubukas sa Channel 7. I'm still a contract artist of 7, [because] I recently signed a contract with them. Next year, medyo magbabalik tayo ng kaunti sa TV," pagbabalita niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN