Direk Mark Reyes explains Claudine Barretto's absence at Namamasko Po! launch

Mark Reyes (main photo) directs Claudine Barretto (inset) for the first time in a Christmaserye on GMA-7 which stars child sensation Jillian Ward.


Tanging sina Jillian Ward at Wendell Ramos lamang sa main cast ng bagong Christmaserye ng GMA-7, Jillian: Namamasko Po!, ang nakadalo sa presscon nito kagabi, November 24, sa Studio 5 ng GMA Network.

Wala si Michael V as Santa Claus dahil may taping daw ito. Naging palaisipan naman sa entertainment press ang hindi pagsipot ni Claudine Barretto.

Present din sa naturang presscon ang direktor ng serye na si Mark Reyes kaya't siya ang nilapitan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media para hingan ng paliwanag sa hindi pagdating ni Claudine.

Ayon kay Direk Mark, malamang na hindi na kinaya ni Claudine na pumunta sa presscon dahil puro mabibigat na mga eksena ang kinunan sa aktres para sa serye isang araw bago ang presscon, November 23.

"Tatlong eksena yun. Una, yung nalaman nila na may sakit na cancer yung anak nilang si Dolly, tapos nung mamatay.

"And then nung mag-wish kay Santa yung bata na hindi nila maibigay yung simple wish na doll kasi walang-wala sila.

"Grabe yung mga eksenang yun. Kaya I would understand kung bakit wala siya ngayon sa presscon," paliwanag ni Direk Mark.

Wala naman daw maiko-complain si Direk kay Claudine pagdating sa trabaho. Considering na first time niyang makatrabaho ang aktres.

Ginagampanan ni Claudine ang role ni Lynette, asawa ni Nelson (Wendell) at ina ni Dolly (Daniella Amable).

"We're having a great time. Ang request niya lang is, 'Direk, huwag sunud-sunod yung mga madudugo.' Kasi naman, nakaka-drain talaga. Now I know why she is one of the premier actresses of her generation."

So, hindi sakit ng ulo si Claudine katulad ng mga intrigang ibinabato sa aktres?

"No, not at all," sagot ni Direk Mark.

ALL PRAISES FOR THE CAST. Bukod kay Claudine, bilib na bilib din si Direk Mark sa magaling niyang cast. Pero talagang hinangaan niya si Jillian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She has the instinct of an actress. And I would say she is a better actress than [others] I have worked with who are 20 or more years older than her.

"Really, I tell you, akala ko mahihirapan ako with her. Pero nagagawa niya nang maayos [which was] more than what I expected sa mga ipinapagawa ko sa kanya.

"Ang hirap lang sa kanya is how to tell her to stop or rest kasi ang taas ng energy ng bata," kuwento ng direktor.

Biniro naman ng mga press si Direk to "name names." Sino daw ang mga older artistang na mas magaling pa si Jillian.

"When I retire from showbiz, I will name them—just to get back at them. Pero right now, never mind!" natatawang sabi ni Direk Mark.

Ikinukunsidera naman ni Direk si Wendell na revelation sa seryeng ito.

"Nagulat ako sa lalim niyang umarte at kakayahan niyang i-execute yung mabibigat na eksena."

Pagdating naman kay Michael V, alam na ni Direk kung gaano ito kahusay.

"You know naman how chameleonic he is. He is the perfect Santa Claus. Tahimik sa set, tapos biglang mag-iingay yung mga bata.

"Sabi ko, 'Bakit maingay?' Pagtingin ko, si Michael V as Santa Claus naglalaro sila ng mga bata."

DREAM PROJECT. Maikukunsiderang telefantasya ang Jillian: Namamasko Po! dahil sa ilang magical elements nito.

"It's more of drama-fantasy, may magical side," banggit ni Direk Mark.

Ito ay istorya ni Jillian, isang magical doll at assistant ni Santa Claus na mapapasakamay ng isang batang may cancer na nagngangalang Dolly.

Meron itong isang hiling — ang maging tunay na bata. Gusto niyang maging bata para maalagaan niya ang mga magulang ni Dolly, ang batang nagmay-ari sa kanya, pero wala na.

Nangako si Jillian kay Dolly bago ito pumanaw na hindi niya pababayaan ang Mommy at Daddy nito. Magagawa lang niya yun pag naging tunay na bata na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Santa Claus, kailangan niya munang matutunan ang iba-ibang aral para patunayang karapat-dapat siyang maging tunay na bata.

"Yun ang quest niya," sambit ng direktor.

"Because she is a special doll, sabi ni Santa, 'I have no powers to make you human. Only God can do that.' Pero kailangan nga niyang patunayan sa sarili niya bago siya maging human."

Dream project daw ang seryeng ito para kay Direk Mark.

"You know, it's very Filipino, it deals with hope. This is a dream project for me. I really wanted to do something for Christmas, a musical or something like this. And I'm happy and grateful sa GMA for giving me this project."

Naniniwala ba siya kay Santa Claus noong bata siya?

"Oo naman," sagot niya.

"Yun nga lang, nagtataka ako kung bakit yung mga laruan ko, may tag pa ng Rustan's. Yung mga G.I. Joe ko, sabi ko bakit may price tag pa.

"Tapos one Christmas, we were on vacation, nasa hotel kami, alam ni Santa yung room number namin. So, doon na ako nagsimulang mapaisip, 'Teka muna...'" natatawa niyang kuwento.

BIG STARS AS GUESTS. Ilang Kapuso big stars din daw ang sigurado nang magge-guest sa Jillian: Namamasko Po! kabilang na sina Marian Rivera at Carla Abellana.

"Yung week one will be more of Claudine and Wendell. Week two, Marian enters. Week three, Jillian finds herself with Carla. Week four, yun ang inaayos pa namin."

Dahil kasama sa cast si Claudine, posible bang mag-guest ang asawa nitong si Raymart Santiago?

"There's Bantatay, e, so that's not a probability. Mas posible pa if I twist the arm of Dingdong [Dantes]. Yun, kaya ko!" pabirong sabi ni Direk.

"Kayang-kaya kong brasuhin yun kasi wala pa naman yung I Heart You, Pare. So, baka puwede kong malakad yun. Maski cameo role lang, bumisita siya kay Marian or whatever. Pero wala pang plano."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang I Heart You, Pare ang upcoming teleseryeng ginagawa ni Dingdong with Regine Velasquez.

Kasama rin sa cast sina Chynna Ortaleza, Mosang, at Kiko Rustia.

Mapapanood ang Jillian: Namamasko Po! mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi simula sa November 29 pagkatapos ng Survivor Philippines Celebrity Showdown sa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN