Wendell Ramos loses two managers in two years

Wendell Ramos admits that it is "traumatic" to lose two managers in two years. He misses Douglas Quijano, who died last year, and Wyngrad Tracy, who passed away last week.


Magkasunod na taon na nawalan ng manager ang aktor na si Wendell Ramos.

Last year, June 13, ay pumanaw ang una at pinakamatagal niyang manager na si Douglas Quijano. Noon naman November 16 ng taong kasalukuyan ay sumakabilang-buhay ang sumunod niyang manager na si Wyngard Tracy.

Ito ang dahilan kung bakit may halong lungkot ang darating na Kapaskuhan para sa aktor.

"Siyempre, masaya na medyo may konting kalungkutan dahil... Although, masaya na ako para sa kanila, sa mga naging magulang ko... o tumayong magulang ko dito sa industriya natin," aniya.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Wendell sa presscon ng kinabibilangan niyang Christmaserye sa GMA-7, ang Jillian: Namamasko Po!, kagabi, November 24, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

TRAUMATIC EXPERIENCE. Aminado si Wendell na nakaka-trauma na magkasunod na pumanaw ang managers niya.

"Traumatic nga," sambit niya.

"In fact, until now, hindi ko pa rin naiisip na wala na si Tito Wyn. Parang last time na magkakasama kami, ganoon din, yung lifestyle niya, parang si Tito Dougs, umiinom din, party.

"Sinasabihan namin noon, 'Sige, tulog na tayo.' Pero siguro, ganoon talaga ang buhay, dumating na kailangan na niyang magpahinga talaga."

Parehong pain ba ang naramdaman niya sa pagkawala nina Tito Dougs at Wyngard?

"Magkaiba, pero halos pareho," sagot ni Wendell.

"Alam n'yo kasi, si Tito Wyn, parang siya ang tumayong...umampon sa amin, e. Nawalan man kami ng magulang.

"Hindi mo rin naman masasabi na mga bata pa kami, na idi-discover ko 'to, ibi-buildup ko 'to. Na tipong meron na kaming kanya-kanyang trabaho.

"Pero nandoon siyempre yung kapag nag-handle ka ng artistang medyo matagal na, hindi mo maiiwasan na meron may conflict. Lalo na ako, meron din akong katigasan ng ulo.

"At siyempre, yung dating na tatanggapin niya ako, kahit puwedeng hindi naman, napakalaking bagay sa akin. Na mabigat na mabigat sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya noong inampon niya ako, sinasabi ko naman sa buong pamilya ko, nagpapasalamat ako sa kanya."

A NEW MANAGER. Gaya ni Wendell, ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez ay napunta rin kay Wyngard nang pumanaw si Tito Dougs. Ayon sa mag-asawa ay wala pa silang plano na kumuha ng bagong manager.

Ganito rin ba ang desisyon ni Wendell?

"Siguro ako, ganoon din. So far, hindi pa," sabi niya.

Pero ayon kay Wendell, kailangan niya talagang maghanap ng bagong manager.

"Unlike sila Kuya Goms, siguro they can manage themselves na rin. Pero ako, siguro kailangan ko talagang merong mag-manage sa akin.

"So far, hindi ko pa naiisip. Hihintayin ko munang matapos ang Christmaserye na ito.

"I'm very thankful dahil kahit ganoon, nandiyan pa rin yung GMA na sumu-support sa akin. Sila Tita Wilma," pagtukoy ng aktor sa SVP for Entertainment ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante.

Dagdag niya, "Ako kasi, so far ngayon, ang nag-aano sa akin, ang continuous pa rin na parang nagma-manage sa akin, Artist Station [talent management ni Wyngard].

POSSIBLE RAPLACEMENT. Bagamat hindi pa raw iniisip ngayon ni Wendell na kumuha ng bagong manager, inamin ng aktor na may napipisil na siya kung saka-sakali.

Aniya, "Ako kasi, gusto ko yung kapalagayan ko ng loob, although marami naman diyan.

"Pero yung even before pa na time ni Douglas, na nakakasama ko na, si Perry [Lansigan] talaga...

"Alam ko naman na kahit hindi ko siya manager, willing siyang tulungan ako. Pero kung ima-manage niya ako, e, di okay."

Si Perry ang manager ng mga Kapuso stars na sina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Geoff Eigenmann, Angelika dela Cruz, Gabby Eigenmann, Carl Guevara, Arthur Solinap, at Carlo Gonzales.

Pinaalala ng PEP kay Wendell na noong pumanaw si Douglas ay napabalita rin na tila si Perry ang ina-eye niya na mag-manage sa kanya. Ngayon ba ay nagkausap na sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A, hindi pa," sambit niya.

"Pero noong may sakit si Tito Wyn, tinawagan ko si Perry. Sabi ko, kahit na maka-recover si Tito Wyn, ayokong dumating sa point na ipe-pressure ko pa siya para, 'Tito Wyn, ano po ang gagawin namin?'

"At that time, bago siya magkasakit, may na-mention siya na meron yata akong deal, mga projects dito sa GMA or kung saan man. Siyempre, noong magkasakit siya, hindi ko na ma-brought up ulit dahil siyempre, ayokong ma-pressure siya."

Kung si Perry ang napipisil niyang mag-manage sa kanya, sa palagay ba niya ay hindi sila magkakaroon ng conflict sa prime talent nito na si Dingdong Dantes?

"Ako siguro, hindi ko na inisip yun," sabi ni Wendell. "Ang sa akin, ang pagiging conflict, siguro si Dingdong naman, even before, kumpare ko pa yun.

"Sa akin naman, okay lang if i-prioritize niya si Dingdong dahil doon naman siya, unang hinawakan ni Perry. Ang sa akin naman, alam naman siguro ni Perry kung saan ako puwedeng ilagay."

Napapayag na ba niya si Perry?

Natawa si Wendell at sinabing, "Hindi ko lang alam kung pumapayag ba siya. Pero noong nagkausap kami, sabi ko sa kanya, 'Tito Perry...'

"At saka, isa pa, ang alam ko, close sila ni Wyngard. So, at that time, noong may sakit pa lang si Tito, sinabi ko ang side ko na ayokong i-pressure si Tito Wyn.

"So, ayoko rin sabihin na, 'Tito Wyn, kailangan maghanap na ako...'

"I'm sure kung buhay si Tito Wyn ngayon, matutuwa rin siya at maiintindihan din niya na meron din nagmalasakit kahit paano sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN