Katrina Halili claims she has found answers to her questions

Katrina Halili says she has no anger in her heart when asked about Hayden Kho. "Bawal mag-away-away, 'no! Tsaka wala naman akong galit sa puso ko. Ako, ipinaglalaban ko lang kung ano yung dapat. Alangan namang tinulak niya ako, dinuraan niya ako, hindi ako tatayo?"


Isang "kakaibang" Katrina Halili ang esklusibong nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa mismong bahay niya noong Martes ng gabi, November 23.

Nagsimula ang paglantad ng "kakaibang" Katrina nang tanungin namin siya kung ano ang pinakamagandang nangyari sa kanya nitong 2010.

"Marami po akong natutunan na maraming bagay sa buhay ko," simula niya.

"Marami akong nadiskubre sa buhay ko. Mas nakilala ko po yung sarili ko.

"Ano po siguro, mas wala na akong mga tanong na, 'Bakit ganito, bakit ganyan?'

"Lahat ng mga bakit na dala-dala ko dati, parang nasagot na lahat. So, masaya na ako.

"Actually, yun lang yung first time kong na-experience na maging masaya. Actually, nung November 16 lang, nakilala ko yung pagkatao ko."

FINDING ANSWERS. Bakit November 16? Ano ang significance nung date na 'yon?

"Hindi ko alam, e," sagot ng StarStruck alumna.

"Basta naano ako, biglang... Isang buong taon na ako na puro research ng iba't ibang bagay.

"Una, ng mga tungkol sa hayop, kung paano alagaan. Tapos prutas, tapos beauty, ganyan... Paano alagaan ang sarili, ganun.

"Tapos nung isang buwan, inaral ko naman kung paano bumasa ng tao.

"Kasi, parang ano na ako e, gusto ko yung mga taong nasa tabi ko, gusto ko alam ko na totoo."

Research sa Internet at mga libro ang ginawa ni Katrina.

"Hindi ko alam, basta na lang ako nagrere-research, ganyan. Una, nag-ano muna ako, yung mga Chinese astrology...

"Kasi, kunwari ikaw gusto kong basahin ang personality mo, para maintindihan kita. So, ganun yung ginagawa ko dati.

"Tapos, nag-numerology ako... Hindi ko naman kabisado. May binabasa naman akong mga notes, may mga notes ako," kwento ni Katrina.

"Tapos, kahit sinong makatabi ko, 'Alam mo ba yung ganito mo? Anong birthday mo? Ano yung full name mo?'

"Tapos, inu-numerology ko 'yan, kino-compute ko. Sabi ko, 'Ito yung personality mo.'

"Wala lang, ewan ko, basta ganun ang ginagawa ko," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, hanggang sa ano, parang sabi ko pa nga, 'Hay naku, next time na merong lumalapit sa akin, 'Anong birthday mo?'

"Tapos kunwari hindi kami compatible, sasabihin ko, 'Ay, sorry ha, kasi hindi na ako mag-aaksaya ng laway sa 'yo kasi alam ko darating yung araw na, alam mo yun, walang mangyayari dahil hindi tayo okay.'

"Tapos, biglang ngayon, hindi na. Whether compatible ko man yung tao o hindi, hindi na ganun ang pananaw ko.

"Parang kung hindi kami compatible, parang gusto kong alamin yung mga problema nung tao. Tapos, gusto ko silang i-inspire."

FRUITS, FISH, ANINMALS. Sino ang nag-encourage sa kanya to do these things?

"Hindi ko alam. Basta bigla na lang," sabi ni Katrina.

"Basta isang buong taon... Yun nga, nagsimula ako sa mga hayop, simula January, puro hayop, ganyan, prutas, beauty...

"Sa hayop, baboy, manok, nag-research ako kung paano... Kasi gusto ko nang tumira sa Palawan, e.

"Dapat, mag-aaral ako ng agriculture. Pati yung mga tungkol sa isda, tapos parang nawala din sa focus. So, mga prutas naman ako napunta," aniya.

"Yung kunwari apple, ano yung mga benefits nun. Para sipagin ako.

"Alam mo yung hindi kasi ako mahilig kumain ng mga ganun, e. So, para malaman ko kunyari, 'A, ito yung bibigay sa aking mga benefits ng apple na ito, or banana, or orange, ganyan. Na ngayon na inaral ko, alam mo yung mas may halaga na?"

Patuloy niya, "Simula nung nangyari sa lola ko, 'yang mga sakit-sakit, natakot ako, nagkaroon ako ng fear.

"So, parang gusto kong maligtas ako, o kung sino man ang matutulungan ko. Alam mo yun?

"Tapos beauty, di ba? Ang dami kong research na mga ano, ngayon ko lang na-realize lahat... Paano alagaan ang sarili, ganyan.

"Iyon, nung November 16 ko lang na-experience kung paano maging masaya. At alam ko na hindi pala sila naniniwala sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro ako lang yung taong ganun. Ganun ba 'yon?" natatawang sabi ni Katrina.

CHINESE HOROSCOPE. Mahalaga ang petsang November 16 para kay Katrina.

"Nasagot ko na nga lahat ng mga tanong," ulit niya.

"Kasi nung nagbabasa kasi ako ng mga personality ng mga tao, biglang na-focus ako sa sarili ko. Tapos, binasa ko lahat ng pagkatao ko—as in detailed.

"O, di pag Capricorn ano 'yan, Cardinal, Earth sign, Saturn yung ruling planet.

"Iba-iba yun, may meaning yun, e, may ibig sabihin. Kung anong ibig sabihin ng Cardinal, anong ibig sabihin ng Capricorn, anong ibig sabihin ng ganito," sabi ni Ktrina.

"Tapos, iba rin yung mga kunyari Chinese horoscope... Ox kasi ako, e. Iba rin yung ano nun.

"So, parang wala, sobrang natuwa ako na alam mo yung parang kunyari na-inspire ka magbasa ng book. Ako, na-inspire na basahin yung sarili ko.

"Tapos, mas nakilala ko yung sarili ko. So, lahat ng mga tanong ko dati, nasagot ko na."

Kahit sa Facebook at Twitter accounts ni Katrina, laging inspirational ang mga mensahe at Tweets niya.

"Nakilala ko yung sarili ko. As in, lahat!

"Yung dati, kunyari tatanungin mo ako, 'Bakit ba hindi ka lumalabas?' Ewan ko basta wala, homebody talaga ako. Hindi ko alam kung bakit."

ANSWERED QUESTIONS. Dati, hindi raw niya alam ang mga dahilan ng mga nangyayari sa buhay niya...

"Oo! Tapos 'Bakit walang nanliligaw sa yo?' Pag sinasabi kong walang nanliligaw sa akin, walang naniniwala pero iyon ang totoo wala talagang nanliligaw sa akin ngayon. Wala talaga kasi, wala talaga, e.

"Pero ngayon alam ko na kung bakit.

"Tapos, basta lahat... 'Bakit wala akong masyadong friends? Bakit wala akong social life? Bakit nandito lang ako, nagkukulong ako? Ina-isolate ko yung sarili ko sa isang lugar?'

"Ganun, lahat nasagot ko na."

Natuwa ba siya sa mga naging kasagutan sa kanyang mga tanong?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo, natuwa po ako," sagot ni Katrina.

Happy ba siya na walang nanliligaw sa kanya?

"Na-realize ko na, e. Kasi dati pag tinatanong nila ako, hindi ko alam. E, wala talaga, e, hindi ko talaga alam.

"So, ngayon, alam ko na. Kasi yung personality ko ano, e, masyadong straight, parang masyadong focused sa trabaho," sabi ni Katrina.

"Tapos yung Capricorn, parang aggressive. Parang dun ko nakuha yung tapang ko.

"Pero yung paglilimita ko sa sarili ko na pag nakita mo, akala mo, 'Uy ganyan siya!' Pag nakilala mo naman ako, 'Ay, ano naman pala siya, sa bahay lang siya!'

"Makikita mo naman may limitation naman ako. Yung Ox naman, yung umiiral naman kasi yung pagiging conservative na tradisyonal, na may pagka-lola, baduy, late-bloomer!" natatawang sabi niya.

SELF-CONFIDENCE. Inamin din ni Katrina na dati ay wala siyang self-confidence.

"Kagaya dati, lagi kong inaano. Pag sa school, pati dito [sa showbiz], tuturuan ako, ang gagawin ko, ayokong gawin agad.

"Ang gusto ko, aaralin ko muna sa loob or sa CR. Aalamin ko muna, or uuwi muna ako, ganun.

"Tapos, gusto ko kasi, ang personality ko, ayokong napapahiya ako. Hindi ko kaya. gusto ko lagi akong perfect, gusto ko lagi akong ganun. Iyon yung personality ko," saad niya.

"Ganun yung ginagawa ko. Hindi ba kunyari tuturuan kami... Kaya pala dati, lagi kong sinasabi nung StarStruck, nung Final 14 na hindi ako...

"Lahat sila umaarte, ako limang pass na, tapos nagugulat ako, 'Syet, saan nila nakukuha yung ano, yung ganung lakas ng loob?' Ako, hindi ko keri talaga.

"Tapos ngayon, na-realize ko, kasi ganun talaga ako, parang hindi ko kaya na titingnan ako ng tao.

"Ngayon, at least aware na ako, alam ko na. Tapos, parang hinarap ko nga lahat ng fears ko ngayon."

KATRINA'S FEARS. Pagkatapos nito ay inisa-isa ni Katrina ang mga fears niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Una, simulan natin sa heels, sa beauty queen, sa hagdanan. Takot ako sa heels, takot ako sa hagdan.

"At ayoko ng beauty queen, sa totoo lang. Ako, hindi ko pinangarap kasi hindi ko kaya, e."

Kaya ikinaloka raw niya nung una ang role niya sa primetime series ng GMA-7 na Beauty Queen.

Bakit siya takot sa heels?

"Takot ako sa height, baka malaglag ako, baka madapa ako. Weak yung bones ko."

Dagdag niya, "Tapos, ayoko rin ng nakikipag-social life ako. Kasi, parang gusto ko yung pinag-uusapan, yung alam mo yung sobrang lalim na kahit minsan, wala lang.

"Pero ayoko nung kunyari minsan simpleng bagay lang, tumatawa sila. Parang, 'Ay!' Mas mabuti na lang dito na lang ako sa bahay, tahimik na lang ako dito.

"Pero ngayon, medyo lumalabas-labas na ako. Hinaharap ko na nga siya. Hinaharap ko na nga na makipag-communicate sa tao."

Pero surprisingly, hindi fear para kay Katrina ang intriga.

"Actually hindi, kasi nagiging tototo lang ako sa sarili ko. Kasi hindi naman inaaral yung ano, e, yung pagiging totoo. So, hindi.

"Pero yung tuturuan ako ng sayaw, tuturuan ako ng ganito, 'Teka lang, aaralin ko 'yan. Medyo fear sa akin yan.

"Kasi parang yung personality ko ha, sa nabasa ko, takot siya na magkamali, e. So gusto niya, perfect siya," aniya.

"Parang kaya siya nagtatago pala, kaya ina-isolate niya ang sarili niya, kasi gusto niya pag lalabas siya, yung okay.

"Kasi yun yung ano niya, yun yung fear niya—ayaw niyang magkamali," paliwanag ni Katrina tungkol sa kanyang personalidad.

Ngayon daw ay naha-handle na niya 'yon.

NO MORE HATRED. Wala na bang galit sa puso niya?

"Wala," sagot niya.

Kahit Hayden Kho, na sinampahan niya ng kaso pagkatapos kumalat ng sex video nila?

"Ay, tinanong nga ako [tungkol kay Hayden]. Sabi ko, 'Ay, ayokong manira ng buwan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun na lang. Bawal mag-away-away, 'no! Tsaka wala naman akong galit sa puso ko.

"Ako, ipinaglalaban ko lang kung ano yung dapat. Alangan namang tinulak niya ako, dinuraan niya ako, hindi ako tatayo?

"Lalaban ako kasi sarili ko yun, e. Ako yun, e. Hahayaan ko bang dura-duraan niya ako?" saad ni Katrina.

Ano naman ang masasabi niya sa palitan ng mga salita ni Hayden at ni Senator Bong Revilla, na nag-ugat sa sex-video scandal ng dating cosmetic surgeon at ni Katrina?

"Ayoko pong magsalita kasi ang hirap, di ba?" iwas ng aktres.

"Yung mga nangyayari, hindi na tanga yung mga tao para sabihin mo na 'Wala akong ginawang kasalanan.'

"E, maniniwala silang wala kang kasalanan, di ba? Na sasabihin mong laro lang ang lahat, artista ka lang?

"Ako, ipinaglaban ko lang yung dapat kong ipaglaban. Ayokong manghimasok na sasabihin kong, 'Ay, kailangang makulong siya! Ay, kailangang parusahan siya.'

"Hindi naman ako Diyos para humusga ng tao. Ipinaglaban ko lang ang sarili ko," diin ni Katrina.

Dagdag niya, "And ang rason ko kung bakit ako lumaban? Siyempre ipinaglaban ko ang sarili ko at saka ayoko nang maulit sa ibang tao.

"Kasi kung hindi ako lalaban, paano na lang yun? So, mangyayari na lang sa ibang tao yung ganun? Di ba?

"Tapos yung mga taong gumagawa ng ganung kasalanan, e, wala, hindi sila matatakot. Kasi, alam mo yung parang nakakalusot? Alam mo yung parang ganun?

"At ang pinaka-rason ko talaga kaya ako lumaban—ayoko na talagang maulit sa ibang tao."

Hanggang sa dulo ay lalaban daw si Katrina.

"Oo, lalaban ako," sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN