ABS-CBN files copyright infringement case against Willing Willie


ABS-CBN filed a P127-million copyright infringement case against Willie Revillame, his production outfit called Wil Productions, Inc., and TV5 on Wednesday, November 24. The Kapamilya network argued that TV5's new variety show Willing Willie is "undeniably a copycat of Wowowee" although the titles of the segments have been changed.


Nagreklamo ang ABS-CBN na ginaya umano ng Willing Willie, ang bagong variety show ng TV5,ang dating noontime show na Wowowee.

Kaya naman nagsampa ang Kapamilya network ng P127-million copyright infringement case laban sa dati nitong talent na si Willie Revillame noong Miyerkules, Nobyembre 24, sa Makati Regional Trial Court (RTC).

Dawit din sa kasong ito ang production outfit ng TV host, ang Wil Productions, Inc., at ang ABC5, na ngayon ay mas kilala bilang TV5, partikular na ang presidente nito na si Rey Espinosa.

Sa 33-page complaint, sinabi ng ABS-CBN na si Willie at ang iba pang mga kasama sa kaso ay lumabag sa Section 172.2(I) ng Intellectual Property Code sa pamamagitan ng paggaya ng pag-aari nitong programa, ang Wowowee.

Base sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi rin ng ABS-CBN na bilang producer ng Wowowee, masasabing ang Kapamilya network ang legal na nagmamay-ari ng show at ang bawat episode nito.

Kung kaya, may kaparatan ang network na maprotektahan mula sa kung sinumang gumaya o magnakaw ng mga programa nito, kagaya ng Wowowee.

Nabanggit din ng Kapamilya network na ang bagong show na Willing Willie ay halos kapareho ng Wowowee, kung kaya walang duda na si Willie at ang ibang inaakusahan sa kaso ay, "Deliberately and intentionally imitated Wowowee to steal the goodwill that Wowowee has built over the past 5 years of airing in ABS-CBN."

Gayundin, kahit pa nagbago ang tawag sa mga segment ng show, idiniin ng ABS-CBN na ang Willing Willie ay, "Undeniably a copycat of Wowowee."

Ito pa ang ilan sa mga puntong iniharap ng ABS-CBN kaugnay sa panggagaya umano ng Willing Willie sa dati nitong show na Wowowee:

(1) Willing Willie's opening song and/or dance number led by its host;

(2) Wowowee's "Biga-Ten" versus Willing Willie's "Big Time Ka";

(3) Wowowee's "Willie of Fortune" versus Willing Willie's "Willtime Bigtime," which contains portions where the contestants tell their personal stories and showcase their talents before they sing or play a trivia game;

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(4) the dancers/characters of Wowowee are also appearing in Willing Willie, most notable of whom is April "Congratulations" Gustilo; and

(5) the set design, stage, studio viewers' seats lay-out, lighting and camera angles of Willing Willie are also strikingly similar to Wowowee.

Ayon sa ABS-CBN, ang pag-broadcast ng TV5 ng "infringing workna Willing Willie has caused and continues to cause irreparable damage to ABS-CBN."

Bukod sa halagang P127 million, hinihiling din ng ABS-CBN sa korte na mag-issue ng Temporary Restraining Order (TRO) at Writ of Injunction upang mapigilan si Willie, ang TV5, at ang iba pang defendants sa kaso na i-produce at ipagpatuloy na ipalabas ang programang Willing Willie.

Habang isinusulat ang istoryang ito, sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na humingi ng pahayag mula sa TV5 tungkol dito. Hinihintay na lamang namin ang opisyal na statement ng network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN