Presidentiable Rodrigo Duterte mobbed by supporters in Davao City

May 9, 2016
<p>Dinumog si Mayor Rodrigo Duterte ng kanyang supporters pagdating niya sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City kung saan siya nakatakdang bumoto. Umabot sa halos 15 minuto ang itinagal ni Duterte sa kanyang presinto.</p>

Nahirapang pumasok sa kanyang voting precinct ang PDP-Laban standard-bearer na si Mayor Rodrigo Duterte dahil sa dami ng supporters na nakaabang sa kanya.

Bandang alas-tres ng hapon, dumating si Duterte sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Matina Aplaya, Davao City, pero umabot sa halos sampung minuto ang kanyang paglalakad mula sa gate ng eskuwelahan dahil bawal ipasok ang mga sasakyan sa compound.

Dinumog si Duterte ng libu-libo nitong supporters na nais kumuha ng larawan niya o kaya ay makita lamang ito.

Continue reading below ↓

(Screen Grab from TV5)

Kasama ni Duterte sa loob ng voting precinct ang kanyang ilang tauhan at 12-year-old daughter na si Kitty.

May kodigo si Mayor Duterte sa kanyang mga iboboto at maayos naman ang kanyang naging pagboto.

(Screen Grab from TV5)

Matapos nito, ipinasok na niya sa voter’s counting machine ang kanyang balota at taimtim na inusisa ang resibo ng kanyang boto.

Continue reading below ↓

Hindi naman nagbigay ng panayam sa media si Duterte.

Pagkatapos bumoto, nagdaos ng isang maiksing presscon si Duterte at nanawagan siyang sana raw ay maging magkaibigan ulit sila ng kanyang mga naging katunggali.

Aniya, "Let us be friends, to my opponents let us begin the healing."

Read Next
Read More Stories About
Rodrigo Duterte
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Dinumog si Mayor Rodrigo Duterte ng kanyang supporters pagdating niya sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City kung saan siya nakatakdang bumoto. Umabot sa halos 15 minuto ang itinagal ni Duterte sa kanyang presinto.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results