Shaina Magdayao on negative issues hurled against her: "Tama na! Merry Christmas na lang!"

Nagsisisi ba si Shaina Magdayao sa pag-amin niya sa relasyon nila ni John Lloyd Cruz? "Mas pangit ho siguro kung meron kang tinatago, mas lalo na kung wala namang masama," sagot niya.


Tingin ni Shaina Magdayao, naging maganda ang kapalaran niya ngayong 2010, kahit na nasangkot ang kanyang pangalan sa isa sa mga pinakamalaking eskandalo sa taong ito.

Matatandaang kumalat ang kontrobersyal na usap-usapang isinugod daw sa ospital si Shaina at ang kanyang kasintahang si John Lloyd Cruz dahil sa isang maselang pangyayari. Mariin namang itinanggi ng dalawang Kapamilya talents ang malisyosong issue.

Maraming siyang ginawang projects ngayong 2010. Bida siya sa ABS-CBN afternon soap opera na Alyna, at kasama siya sa dalawang pelikula na pasok sa Metro Manila Film Festival: ang Shake Rattle and Roll XII ng Regal Films at Ang Tanging Ina Mo, Last Na 'To ng Star Cinema.

"Mawawalan ka pa ba ng pag-asa? Siyempre, magpapasalamat ka na lang sa sobra-sobrang blessings na binibigay nila, at ni Lord," pahayag ni Shaina sa entertainment press na dumalo sa presscon ng Shake, Rattle and Roll XII kagabi, Nobyembre 25, sa Imperial Palace Suites, Quezon City.

Dagdag pa niya, "pinatibay" raw siya ng taong ito.

"Parang ito yung pinakamahirap na taon for me, pero napakarami ko hong natutunan ngayong taon na 'to. At ngayon, mas napapahalagahan ko ang mga tao around me, ang aking pamilya, ang aking trabaho.

"Kahit na ga'no siguro ka-negative yung napagdaanan ko, ang positive ho ng balik sa akin as a person, kaya nagpapasalamat ho ako. And definitely, He has his own reasons kung bakit Niya ako binigyan ng gano'ng klaseng mga problema."

Naging mas matatag din raw ang relasyon nila ni John Lloyd.

"Well, makikita niyo naman ngayon," saad niya. "Kasi sa bagong relationship, usually, masaya pa kayo, e. Dapat wala pa kayong problema.

"Pero with us, naging opposite. Binigyan kaagad kami ng problema, na surprisingly, kinaya namin. Kaya nakakatuwa, kasi isa siya sa mga tao na hindi bumitaw, na hindi nang-iwan sa amin."

Napatawad na ba niya ang taong nagpakalat ng issue?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako magiging ganito kasaya kung siguro may galit pa rin sa puso ko," sagot ni Shaina. "Like what I've been saying, nasa tao na 'yon.

"Alam niya naman kung sino siya, kung gaano kalaking damage yung ginawa niya. So definitely, hindi siya patutulugin ng konsensiya niya. So si Lord na at saka siya ang bahalang mag-usap do'n."

Handa na rin raw siyang harapin ang iba pang mga susunod na issue.

"May mas hihirap pa ba dun? Nakakaloka naman Lord!" bulalas niya. "Ngayon siguro mas may bilib na ako sa sarili ko. Mas alam ko rin kung gaano ako pinahahalagahan ng mga tao around me.

"At alam ko na kahit na anong mangyari, hindi nila ako iiwan. Kaya siguro fight, go lang! Napakadami namang magagandang nangyayari sa buhay ko."

NEW ISSUES. May mga bago pa rin kasing intrigang ibinabato kay Shaina. Halimbawa, buntis daw siya ngayon.

Natawa lamang si Shaina nang itanong sa kanya ang nasabing issue. "Matakaw ako, malaki yung tiyan ko pero hindi ho ako buntis! Hindi po!

"Hanggang Disyembre, e, magtatrabaho ho ako. Tapos January 2, may trabaho ho ako kaagad. So, hindi po ako buntis."

Ani Shaina, itigil na lang sana ang mga isyung ganito. "Tama na! Merry Christmas na lang!" sabi niya.

Itinanong din sa kanya ang isyung lagi raw silang nakikita ng kasintahan na nagpi-PDA, o public display of affection.

Sagot niya, "Anong PDA? Lahat na lang [ng issue]? Pero, yung bongga na [issue], okay na ako doon, e.

"Alam niyo, honestly, sa sobrang dami ng binabato sa amin, wala na. Siguro, I admit, yung mga first few months na binabato nila kami, definitely nakakaapekto. Pero ngayon, mas pinatibay kami," aniya.

"Ako mismo, as a person, mas nakilala ko rin yung sarili ko, kung ano yung kaya kong gawin at hindi, parang ngayon wala nang epekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakatawa na lang sila. Hanga ako dahil may time sila. Sobrang dami nilang time na kayang aksayahin. So yun po, wala na, wala nang effect after everything."

WORKING TOGETHER. Kahit na matibay raw ang relasyon nila ni John Lloyd, ayaw raw sana ni Shaina na makatrabaho ito.

Pahayag niya, "Oo, e, mahahaluan ng showbiz-ness, e. Hindi pa nga ho kami nagtatrabaho, e, eto na o! Paano pa kaya?"

"Masaya naman ho kami ng ganito. At so far, nagwo-work siya for us and for the relationship na meron kaming kanya-kanyang buhay. At least, healthy po yun para sa amin na ako si Alyna, sa kanya ako si Shaina. Ganun."

Wala raw kay Shaina kahit may ibang mga babaeng nakakatrabaho ang kasintahan.

Sa katunayan, masaya pa nga siya sa maganda umanong feedback para sa pelikula ni John Lloyd ngayon na My Amnesia Girl, kung saan kapareha niya si Toni Gonzaga.

Pero napanood niya na ba ito?

"Hindi pa!" sagot niya. "Nagtatrabaho po ako. Nagsu-shooting po ako for Tanging Ina nung nag-premiere night sila. But I'm really very proud of him, Toni and Direk Cathy [Garcia-Molina] kasi ang daming magandang feedback."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN