Carol Banawa is overwhelmed with the support she got during her brief comeback

After a few years in the States working as a practical nurse, Carol Banawa is back in the local music scene with a new album, My Music, My Life, produced by Aiza Seguerra under Star Records. "Na-miss ko na din kasi kumanta at mag-record," she says.



Nagagalak si Carol Banawa─na kilala din sa tawag na Star Diva—sa mainit na pagtanggap sa kanyang maikling pagbabalik sa music scene.

Isa sa mga sikat na singers si Carol nang siya ay nag-decide na iwan ang show business upang maasikaso ang kanyang tatay na nagkaroon ng problema sa kanyang kalusugan dulot ng isang aksidente, na ikinamatay din ng kanyang kapatid na lalaki.

Matagal ding nanirahan si Carol sa Amerika, na kung saan dito na rin siya bumuo ng sarili niyang pamilya.

Nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang press si Carol sa launch ng bago niyang album na My Music, My Life under ng Star Records, na kung saan ay si Aiza Seguerra ang nag-produce. Ginanap ito noong Nobyembre 23, sa 14th floor ng ELJ Building, ABS-CBN Compound sa Quezon City.

Nilinaw ni Carol ang main reason kung bakit siya nagbalik ng Pilipinas, even for a brief time.

"Kasi po nagkaproblema yung condition ng Papa ko. Hindi po namin naayos before yung mga papers ng Papa ko," aniya.

At habang narito sa Pilipinas, naisipan ni Carol na kunin na din ang opportunity para mag-record ng album.

"Na-miss ko na din kasi kumanta at mag-record," ang sabi niya.

Hindi ba siya nagkaroon ng mga agam-agam sa pagbabalik niya, lalo na at madami na din ang mga sikat na pangalan sa industriya?

"Siyempre nandun pa din yung fear, Inisip ko, 'Andun pa kaya yung mga tao na sumusuporta sa akin bago ako umalis?'

"Nakakataba ng puso kasi nandito pa din sila," nakangiting sambit ng magaling na singer.

"Being in the entertainment industry, alam ko na may lalabas at lalabas na magagaling. Dire-diretso pa din talaga.

"Ang sa akin lang, I just wanted to share my love for music. Kumbaga, kung tanggapin ng tao, I'm really thankful. Kung hindi, okay din. Pero para sa akin, na-enjoy ko pa din na nag-recording ako, which is yun nga yung nami-miss ko," sabi ni Carol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbiro pa siya. "Nakakaloka lang kasi ang tawag sa akin [ng mga kasama ko ngayon sa showbiz], puro 'Ate' at panay ang 'po' sa akin," natatawang sambit ni Carol.

LIFE IN THE U.S. Ang plano nung simula ay magtatagal lang si Carol dito sa Pilipinas nang hanggang November para makasama pa din niya ang kanyang asawa sa Pasko at Bagong Taon.

Sinabi ni Carol sa press na mag-e-extend siya dito sa Pilipinas hanggang after New Year para sa promotion ng kanyang album.

Ayaw ba niya bumalik na lang dito sa Pilipinas at mag-settle kasama ng kanyang asawa at three-year-old na anak na si Chelsea?

"Hindi naman sa ayaw pero andun na yung family namin, doon na kami nagsimula, parang everything is there already," sagot ni Carol.

Nakilala ni Carol ang kanyang asawa na si Ryan Crisostomo sa California sa isa sa mga gigs niya. Si Ryan, na isang Filipino din, ay parte ng US military. Apat na taon na din silang kasal ni Carol.

Isa na din Licensed Practical Nurse (LPN) si Carol. Nakapasa na siya sa NCLEX.

Pinaliwanag niya kung ano ang kaibahan ng LPN sa isang Registered Nurse (RN).

"Alam na namin kung ano yung condition ng pasyente. Pwede akong maglagay ng gamot through the IV, pwede ako kumuha ng dugo, pwede ako magbigay ng gamot. Certain states allow LPs to deliver pre-mixed drugs (by pharmacists) through the IV but some states do not allow it."

"Kumbaga ang RN ang supervisor at ang LPN ang assistant supervisor," paliwanag ni Carol.

Wala ba siyang naranasan na discrimination sa Amerika?

"Sa akin naman kasi, walang discrimination, lalo na at doon ako nag-aral. Dun naman sa napuntahan ko, mas open na sila kahit na widely-populated ng puti.

"Tanggap na nila yung ibang lahi, kasi ibang generation na din, meron pa din yung ibang nakakatanda. Kumbaga sa atin, yung mga matatanda, conservative na conservative," kwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito ay nakakapag-show pa rin si Carol sa Amerika.

"Nagsho-show pa rin ako. Pero nung nag-aaral ako, the whole year hindi talaga ako tumanggap ng project. Monday to Thursday ang school ko. Kung pwede sa schedule, trina-try ko.

"May mga iba, na regular ko na contact, binibigyan talaga ako ng show. Pero sila sinabihan ko na 'wag muna ng ganitong year kasi nag-aaral ako," sabi ni Carol.

Ipagpapatuloy niya ang kanyang profession pagbalik sa Amerika,"Gusto ko din pong magamit yung pinag-aralan ko as a practical nurse kasi pinaghirapan ko mag-review sa NCLEX."

Napag-alaman din ng press na matagal nang interes ni Carol ang mapasok sa medical field, "Dati pa sa med school sa UP [University of the Philippines] kaso ayaw ng tatay ko kasi malayo sa bahay namin."

ON DAUGHTER CHELSEA. Kasama ni Carol na bumisita dito sa Pilipinas ang kanyang three-year-old na anak na si Chelsea.

Sa edad niyang iyon, ay nakita na ng karamihan ang talent nito sa pagkanta at paharap sa tao.

"Mahilig siyang kumanta, like ngayon 'pag nagsho-show ako. Kung ako nung bata, pinipilit akong kumanta, siya naman kailangan mong pigilan," natatawang kwento ni Carol.

Kinuwento pa niya na nag-duet silang mag-ina ng kantang "Telephone" sa show niya sa Vivere Hotel.

"Favorite niya [Chelsea] talaga si Lady Gaga at Beyonce, pati na rin si Charice," saad ng proud na ina.

Ibig sabihin ba nito ay bukas siya na pumasok din sa show business ang kanyang anak?

"Sa aming mag-asawa, nakikita namin yung personality niya na pwede at kaya niya. Pero sa amin, as parents, gusto mo na matapos niya yung school niya. Gusto ko munang ma-establish yung values niya sa buhay before getting into showbiz.

"Then pag natapos na niya, meron na siyang career na pwede niyang piliin, e, di 'Go!' Kung gusto niya talaga. Pero dapat masubukan niya muna yung normal na life, para kumbaga, e, grounded pa din siya," sabi ni Carol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN