PMAP President Phoemela Baranda hopes a fair law will be created to protect Pinoy models

"After six years sa The Buzz and five years sa TV Patrol, happy naman ako with the shows. Talagang nag-reformat sila so, walang intriga," says Phoemela Barranda on leaving TV Patrol.


Pinabulaanan ng model-TV personality na si Phoemela Baranda ang mga bali-balita na kaya siya natanggal sa news program na TV Patrol ay dahil lumalaki na ang kanyang ulo.

"Wala akong nakaaway. Hindi rin lumaki ang ulo ko. 'Yon ang pinakahuling maririnig ninyo sa akin about me, na lumaki ang ulo.

"It's not me, hindi ako gano'ng klaseng tao. Siguro naman sa pakikitungo ko, alam naman nila hindi lumaki ang ulo ko," paglilinaw ng dating TV Patrol segment host nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media noong Miyerkules, Nobyembre 24, sa Christmas Tree Lighting event ng Manila Marriott Hotel sa Pasay City.

Ayon kay Phoem, ang pagre-reformat ng longtime evening news program ang dahilan kung bakit hindi na siya makikita sa TV Patrol. Matatandaan na bukod kay Phoem, wala na rin ang dati nitong mga news anchor na sina Karen Davila at Julius Babao.

Sila ay pinalitan ng mga nagbabalik na TV Patrol news anchors na sina Korina Sanchez at dating Bise Presidente Noli de Castro.

Samantalang sina Karen at Julius ay nalipat sa late night news program ng ABS-CBN, ang Bandila, kasama si Ces Drilon.

Dagdag pa ni Phoem, "After six years sa The Buzz and five years sa TV Patrol, happy naman ako with the shows. Talagang nag-reformat sila ng show so, walang intriga.

"'Yong TV Patrol kasi nag-reformat so, naiintindihan ko na kailangan ding baguhin ang lahat ng mukha. Of course, si Sir Ted Failon lang ang maiiwan because haligi na rin 'yan ng TV Patrol. So, kami nina Karen at Julius, lilipat din kami sa ibang show."

MORNING SHOW STINT. Bagamat hindi na siya makikitang magbibigay ulat sa TV Patrol, masaya naman si Phoem sa programang kanyang lilipatan.

Mula sa gabi, magiging pang-umaga na ang trabaho ngayon ni Phoem sa telebisyon dahil makakasama na siya sa Umagang Kay Ganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Phoem, mainam ito dahil, "Malapit sa talagang pinanggalingan ko. I'll be talking about fashion, beauty and lifestyle."

Bagamat hindi na maituturing na "primetime" ang programa, positibo naman si Phoem na magiging magandang oportunidad ito para sa kanya bilang modelo.

Dagdag pa niya, "Kasi, ang UKG naman morning show and marami talaga ang nanonood niyan.

"And for me, it's how you deliver and you make the most out of this opportunity. Ang dami na talagang viewers ng morning show and I'm so happy na makikita rin ng mga tao 'yong ibang side ko, which is kung saan ako nanggaling."

NEW PMAP PRESIDENT. Bukod sa bagong TV show, ikinalulugod din ni Phoem ang paghalal sa kanya bilang bagong president ng Professional Models Association of the Philippines (PMAP).

Para kay Phoem, isang magandang pagkakataon ito upang maibalik ang anumang tulong na nakuha niya mula sa 23-year-old na organisasyon.

"Actually, I've been part of Professional Models Association of the Phlippines (PMAP) for more than decade. So, I think it's time for me to give back to the models.

"Nandito ako to help them, to help the industry, to become a force in the industry and uplift the Filipino models," sabi ni Phoem.

Sa ngayon, ipagpapatuloy daw niya ang mga nasimulan na proyekto ng PMAP. Nabanggit pa niya, "For Christmas, we will continue the charity work and all the bonding and turnover from the old board."

Paghahandaan din daw ng grupo ang ika-25 na anibersaryo nito sa 2012. Aniya, "We're preparing talaga for the 25th anniversary and we're pushing 'Modelong Pinoy.' So, 'yon ang project namin and we're still thinking of a big event."

ON THE ISSUE OF BRAZILIAN MODELS. Samantala, tinanong ng PEP kung ano ang gagawin niyang hakbang sa ilang reklamo ng mga modelo na mas napapadalas na ang pagkuha ng ibang kliyente ng Brazilian models sa halip na Pinoy models.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Phoem, "With what I've said kanina, we're not against them. We're not mad. It's just siguro, we have to do something about how to protect our Filipino models, siguro 'yong law natin dito.

"Hindi naman natin mapipigilan ang mga kliyente na pumili rin ng Brazilian models. Hindi rin natin mapipigilan ang mga Brazilian models na magtrabaho dito kasi kami rin namin lumilipat sa ibang bansa para magmodelo.

"Siguro, we should create a fair law. Siguro, they [foreign models] should pay taxes or whatever. Magagawan natin ng paraan 'yan. Magaganda pa rin, siyempre, ang mga modelong Pinoy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN