Carla Abellana admits her relationship with boyfriend Geoff Eigenmann is going through a rough patch

Idinetalye ni Carla Abellana ang mga problemang pinagdaraanan niya with her boyfriend Geoff Eigenmann. "[We have our] differences. Kasi siyempre iba na, e. Recently lang kami naging official, though magkakilala na kami for a year-and-a-half... Iba na yung mga hardships and struggles ng isang couple so yun ang medyo sine-settle namin. Nag-a-adjust kami," paliwanag niya.


Itinanggi ni Carla Abellana ang mga usap-usapan na nakipag-break na raw siya sa boyfriend niyang si Geoff Eigenmann dahil sa restrictions ng kanyang ama na si Rey "PJ" Abellana.

Pero inamin ng young actress na may pinagdaraanan ngang problema ang kanilang relasyon sa ngayon.

"Geoff and I are going through difficult times now," pagsisiswalat ni Carla. "May mga problema kaming inaayos ngayon.

"Pero normal lang naman 'yon sa kahit sinong couple, e. Kailangang i-iron out lang talaga yung issues and differences between us.

"Pero, hindi naman totoo yung lumalabas na nag-break kami dahil sa daddy ko or what. Walang ganun."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Carla sa presscon ng Shake, Rattle and Roll XII kagabi, Nobyembre 25, sa Imperial Suites Hotel, Quezon City.

Hindi naging specific si Carla kung ano ang problemang inaayos nila ng kasintahan.

"[We have our] differences. Kasi siyempre iba na, e.

"Recently lang kami naging official, though magkakilala na kami for a year-and-a-half. Iba pa rin yung, him being my boyfriend, me being his girlfriend.

"Iba na yung mga pinagdadaanan, e. Iba na yung mga hardships and struggles ng isang couple so yun ang medyo sine-settle namin. Nag-a-adjust kami," paliwanag ni Carla.

Dagdag pa niya, hindi naman malala ang kanilang pagkakalabuan. Madalas pa rin naman kasi silang mag-usap.

"Bago ako dumating dito, magka-text kami," saad niya. "We're even planning to see each other after the presscon.

"So, hindi naman kami yung magkaaway na hindi nagpapansinan. Inaayos naman namin.

"I would do anything and everything to fix things."

Itinanong ng press kay Carla kung bakit siya lang ang nagsasalita tungkol sa issue, habang tahimik naman si Geoff.

"E, pangit naman din kasi kung lalaki yung magsasalita, di ba?" sagot niya. "Kung lalaki yung puro salita. E siyempre, sa akin din lang naman manggagaling ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako ang magko-confirm, kasi siyempre may mga opportunities na ganito, tulad ng presscon. So, di ba?

"Hindi naman ako magsisinungaling. Kung nandiyan naman ang press at ang media to ask me, sasabihin ko naman."

Panawagan ni Carla, itigil na sana ang isyu dahil nahihirapan ang kanyang boyfriend, na busy sa taping para sa GMA-7 primetime show na Grazilda.

"Sana, di ba, huwag na nating gawa'n ng issue na hindi naman totoo kasi nahihirapan siya.

"With work pa lang, lalo na ngayon halos araw-araw silang nagte-taping, hirap na hirap siya. Halos wala siyang tulog every day.

"So, nakakaawa lang that he's going through a lot of things personally and professionally. So, sabi ka nga, sana matigil na din," saad ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN