Sarah Geronimo admits she has some hesitation in working with Gerald Anderson because of fan threats

The Pop Princess, Sarah Geronimo, will perform with the Concert King, Martin Nievera, in a concerttitled What Love Is on February 12, 2011 at the Araneta Coliseum.


Hindi pa man natatapos ang taon ay meron nang pinaghahandaan na project for early next year ang young singer na si Sarah Geronimo.

Napili kasi ang Pop Princess na maging partner ni Martin Nievera para sa Valentine concert na gaganapin sa February 12, 2011.

What Love Is ang napiling pamagat ng concert at gagawin ito sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

"Very happy po tsaka excited to do the show. Nung narinig ko po na makakasama ko si Sir Martin sa isang concert, kinabahan po talaga ako," banggit ni Sarah nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press noong November 25 sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Hindi raw pumasok sa isip ni Sarah na balang-araw ay makakasama niya sa isang malaking concert ang respetadong balladeer.

Alam din niya ang reputasyon ni Martin bilang isa sa mga crowd-drawers pagdating sa live shows tuwing sasapit ang buwan ng Pebrero.

"I'm deeply honored and surprised na kinunsider ako na magkaroon ng concert with the Concert King, Mr. Martin Nievera," pahayag ni Sarah.

"E, ang nakakasama ni Sir Martin sa isang concert usually ay sina Ms. Regine Velasquez, sila Ms. Zsa Zsa [Padilla]. So, sino ba naman po ako na magpe-perform with Sir Martin sa Araneta?

"It makes me parang more inspired to do better in my craft, to be a better performer, to be a better singer.

"Kasi pag napapanood mo sila Sir Martin, talagang malaking inspirasyon na nabibigyan kaming mga baguhan ng pagkakataon na makasama sila, halimbawa sa ASAP at makasama sila mag-perform."

Malayo man ang agwat nila pagdating sa edad, maging sa panahon ng kinamulatan pagdating sa musika, ay hindi naman nahirapang sumabay si Sarah dahil mahilig din pala ito sa mga standard songs.

Naikuwento ni Martin na nagulat siya nang malaman na pamilyar si Sarah sa mga awitin nina Frank Sinatra, The Carpenters, Johnny Mathis, at iba pang legendary singers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro kasi I have an old soul. Mahilig po talaga ako sa mga classic love songs," paliwanag ni Sarah, na namulat sa mga lumang tugtugin courtesy of her father.

WORKING ALONGSIDE GERALD. May mga balita na pinaplano ng ABS-CBN na itambal si Sarah sa aktor young actor na si Gerald Anderson.

Nais daw kasi ng Kapamilya network na pansamantalang ilayo si Gerald sa nakasanayang love team nito with fellow Pinoy Big Brother: Teen Edition housemate na si Kim Chiu.

Normal naman sa industriya ang regodon ng mga love-team pairings para hindi rin siyempre magsawa ang publiko sa napapanood nila. Dumarating din kasi sa punto na nawawalan ng interes ang mga manonood kapag paulit-ulit na lang ang nakikita nila sa telebisyon at pelikula.

Matatandaang naging epektibo ang strategy na ito nang pagsamahin ng Star Cinema sa pelikula sina Sarah at award-winning actor na si John Lloyd Cruz, na mas kilala noon bilang screen partner ni Bea Alonzo.

Naging very successful ang tambalang Sarah-John Lloyd at pumalo nang husto sa takilya ang dalawang pelikula na kanilang pinagsamahan: A Very Special Love (2008) at You Changed My Life (2009).

Ngunit kasabay ng balita na magsasama sa isang proyeto sina Sarah at Gerald ay siya ring paglutang ng usap-usapan na hindi gusto ng Kim-Gerald fans ang balak na pagbuwag sa paborito nilang love team.

Nagpapadala pa nga daw diumano ng mga threatening messages ang mga Kim-Gerald fans laban kay Sarah sa mga Internet forums, samantalang ang iba naman ay ipinaparating ang kanilang hinaing sa mga reporters through e-mail.

Bagama't wala pa namang definite plan ang ABS-CBN management kung matutuloy nga ang Sarah-Gerald tandem, ay inamin ng Pop Princess na ngayon pa lang ay naaapektuhan na siya sa mga naglalabasan na balita.

"Kung talaga namang God will allow it to happen, it will happen. Ako, ipagdarasal ko na kung mangyari man 'yon, maging maayos ang lahat at maging peaceful ang pagtatrabaho namin ni Gerald, if ever man matuloy," seryosong pahayag ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nauunawaan naman niya kung bakit ayaw ng mga Kimerald fans na magsama sila ni Gerald onscreen. Ang pakiusap lang niya ay huwag naman sana siyang personalin ng mga ito dahil nagtatrabaho lang sila.

"May mga fans po talaga na possessive at naiintindihan natin 'yon. Pero siyempre nakakalungkot na they took it personally na humahantong sa may mga death threats, ganyan.

"Ako naman, I know na wala naman akong gagawing masama. Nagtatrabaho lang ako, tsaka well-guarded naman ako ng mga magulang ko, ng mga supporters ko, at tsaka si Lord, hindi naman ako papabayaan."

Excited ba siya na makatrabaho si Gerald sa kabila nang pagkontra ng mga Kimerald fans?

"Well honestly, more than excited, nate-tensed ako. Kasi hindi pa man nag-uumpisa, may mga galit na sa akin... Parang ayaw talaga nila so hesitant ako," pag-amin ni Sarah.

"Pero kung makikita naman po namin na maganda 'yong istorya, maganda ang materyal, at tsaka nandun naman 'yong chemistry namin ni Gerald, bakit naman hindi?"

ON RAYVER AND CRISTINE. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tinatantanan si Sarah ng isyu involving actor Rayver Cruz, na nagpahayag noon na "crush" niya ang dalaga.

Hindi naging malinaw sa publiko kung totoo nga bang nagkaroon ng relasyon ang dalawa o kung talaga bang nanligaw si Rayver kay Sarah. Sa gitna din kasi ng usapin ay bigla namang na-link si Rayver sa seksing aktres na si Cristine Reyes.

Nito lang nakaraang Linggo, November 21, ay inamin ni Cristine sa The Buzz na naging sila ni Rayver. (CLICK HERE to read related article.)

Sinabi ni Sarah na wala siyang sama ng loob kay Cristine at nagpapansinan naman din sila ni Rayver tuwing nagkakasalubong sila sa loob ng ABS-CBN compound.

Fan daw si Sarah ni Cristine dahil bukod sa "napaka-sexy" nito ay "maganda, mabait, at sweet" din.

"Wala naman yatang masama humanga sa kapwa babae. Pero hindi naman ako lesbian," nakangiting paglilinaw ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

As far as Sarah is concerned, wala naman daw siyang nakikitang mali kung may relasyon man ang dalawang Kapamilya stars dahil pareho naman silang single.

STILL WAITING FOR MR. RIGHT. Hindi nakalampas sa atensiyon ng marami na tila blooming si Sarah ngayon. Wala pa rin naman daw siyang love life at mukhang matatagalan pa bago siya magkaroon ng boyfriend.

"May mga crush po ako siyempre," ngiti ni Sarah, na tumangging pangalanan ang kanyang present crush.

Pero may punto ba sa buhay niya na masasabing naramdaman talaga niya ang umibig?

"Okay naman," nahihiyang tugon ng dalaga. "I guess hindi ko matatawag na love. Wala e, hindi pa tamang panahon 'yon."

Dagdag paliwanag ni Sarah, "Kasi po hindi pa ko mature enough para magmahal. Kasi 'pag ako na-in love parang umiikot 'yong mundo ko sa taong 'yon."

Ano nga ba ang hinahanap niyang katangian sa isang manliligaw?

"Gusto ko sa isang lalaki 'yong marespeto sa mga magulang. Basta respectful at guwapo naman, tsaka mabait. Sabi ko nga po kung sino man 'yong pupunta talaga sa bahay tapos haharanahin ka...

"Matutuwa talaga ako 'pag merong naglakas loob na magparamdam muna sa mga magulang ko bago sa akin," diretsong pahayag ni Sarah.

Alam ni Sarah na darating din ang right guy for her kaya hindi siya naiinip. Mas maganda nga daw kapag hindi mo hinahanap at kusa na lang darating ang isang bagay para sorpresahin ka.

"Sabi ko na lang sa sarili ko na hahayaan ko na ang love na lang ang maging suwail para sa akin, 'di ba? Ang love ang pupunta sa akin, hindi ako.

"Hindi ko ipaglalaban kung sinuman ang lalaking 'yon, siya ang makipaglaban para sa pagmamahal ko. Siya ang haharap sa mga magulang ko—siya ang maglalakas-loob na ligawan muna sila bago ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN