Five indie films to open 36th Metro Manila Film Fest


(Top) Diether Ocampo portrays a dying man in the indie feature, Slow Fade, one of five films chosen to take part in the Metro Manila Film Fest project, "Tribute to Indie Films: The Philippine Premiere." (Bottom, from left) Rosanna Roces, Anita Linda and Jodi Sta. Maria lead the cast of ensemble film, Presa.


Sa unang pagkakataon, sa loob ng 36 years of existence ng Metro Manila Film Festival Philippines (MMFFP), limang independently produced films ang ipapalabas bilang pauna o "prelude" sa nasabing sampung araw na event.

Mula sa siyam na entries na nag-submit, limang indie films ang nanapili, at ito'y ipapalabas sa Robinsons Galleria from December 16-20, 2010 (two screenings each movie) bago pormal na magsisimula ang MMFF sa Araw ng Pasko.

Ang MMFFP project na ito ay dubbed "Tribute to Indie Films: The Philippine Premiere."


Ayon kay Francis Tolentino, chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA), na organizers ng annual festival, ang hakbang na ito ay upang i-encourage ang young filmmakers na gumawa ng mga makabuluhan at de-kalibreng indie films kahit na limitado ang budget.

Sinasabi kasi na ang isang an indie film ay kadalasang produced sa labas ng isang major o "mainstream" film studio.

Kadalasan ring ilang araw lang ang tinatakbo ng shooting. Nag-boom ang Pinoy indie cinema sa industriya mula nang mapansin ang magagandang Pinoy indies sa iba't ibang international film festivals.

"This is our way of showcasing the work of new filmmakers. It is also aimed at raising public awareness of [Filipino] indie films, which are often not commercially shown here, but are acclaimed abroad," sabi ni Chairman Tolentino, na siya ring chairman ng MMFF executive committee.

Ang limang indie films na ipapalabas ay ang mga sumusunod:

SENIOR YEAR. Ang Senior Year ni Direk Jerrold Tarog ay tungkol sa sampung kabataang estudyante, kanilang pamilya, at mga guro. Hinaharap nila ang maraming pagsubok sa kanilang pag-aaral bago ang kanilang high school graduation.

Produced by Digitank Studios and Metric Films, ang coming-of-age film na ito ay tinatampukan nina Che Ramos, LJ Moreno, RJ Ledesma, Dimples Romana, Arnold Reyes, at Ina Feleo. May cameo role rin si Kalila Aguilos.

Ang high school students ay sina Aaron Balana, Celina Peñaflorida, Rossanne de Boda, Eric Marquez, Nikita Conwi, Mary Lojo, Daniel Lumain, Francez Bunda, Sheila Bulanhagui, at child actor Daniel Medrana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa kuwento ni Direk Jerrold, "Ang Senior Year ay isang lighthearted view ng middle-class high school experience. Ang pagkakalahad ng kuwento ay may flashback structure. Kaya may mga adult na sa cast (professional actors) na nagre-reminisce sa kanilang senior year (played by actual students)."

Rated A rin ng Cinema Evaluation Board ang nasabing pelikula, na bihirang makamit ng isang pelikula—sa mainstream man o indie scene.

PRESA. Ang Presa ni Director Adolfo "Adolf" Alix Jr. ay isang feminist film tungkol sa mga babaeng nakakulong sa women's correction center.

Tampok dito ang mahuhusay na aktres ng bansa sa iba't ibang henerasyon: Anita Linda, Tetchie Agbayani, Perla Bautista, Jodi Sta Maria, Ina Feleo, Alessandra de Rossi, Liza Lorena, Daria Ramirez, at Rosanna Roces. Kasama rin sina Cherry Madrigal at Angeli Bayani.

Ilang makabuluhang indie films na rin ang nagawa ni Direk Adolf na pinapurihan na rin ng mga kritiko (dito man o abroad) tulad ng Donsol, Batanes, Kadin, Manila, Adela, at ang yet-to-be-shown locally na Chassis starring Jodi Sta Maria.

Kuwento ng associate director ng Presa na si Direk Armand Reyes, "Mag-iisang taon na ang Presa. Maka-Pasko noong 2009 nang nagkaroon kami ng immersion-storycon sa mismong conference room ng Correctional Institute for Women.

"Tamang-tama, a few days ng Kapaskuhan ang time frame ng Presa, na karamihan sa mga bidang inmates ay naghihintay ng dalaw ng mga kaanak, ng nakatakdang paglaya o ng taunang pardon mula sa Pangulo ng Pilipinas. Paskong-Pasko, magugutay ang puso mo."

SLOW FADE. Ang Slow Fade ni Direk Rommel Sales naman ay tungkol sa isang lalaki at ang rediscovery nito ng kanyang nakalimutan nang trabaho—ang filmmaking.

Ang pelikula ay concept ng promising filmmaker na si Direk Rommel na nag-aral sa Berlinale Talent Campus sa Germany. Naniniwala ang director na "a film should speak of the realities in life, whether in fiction or documentary."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Bida si Diether Ocampo (as a frustrated filmmaker), at kasama rin sa cast sina Precious Lara Quigaman, German Moreno, Archi Adamos, Jaime Fabregas, Mosang, Alwyn Uytingco, Fonz Deza, Lui Manansala, Abel Napuran, Richard Manabat, Irene Tan-Gurango, and Alchris Galura.

Ang Slow Fade ang third film project na nakatanggap ng P1 million grant (bilang premyo as best script, among many other entries) mula sa PLDT-Smart Foundation in cooperation with Cinemabuhay, isang production company founded by Albert Martinez's group noong 2005.

RINDIDO. Ang Rindido ay ang latest project ng filmmaker at animator na si Noriel Jarito. May genre na sex and violence, si Jarito ay part rin ng lead cast, kasama rin sina Banjo Romero at Chanel Latorre.

Ayon sa synopsis ng Rindido: "It's a film about an overseas Filipino worker who catches his woman with her paramour, runs amok and terrorizes an entire neighborhood."

Ang iba pang nasa cast ay sina Vic Tiro, Jek Jumawan, Marlon Jarito, at Lotlot Bernardo.

NASAAN SI HEFTE?Directed by Jonah Lim, Nasaan Si Hefte? ay tungkol naman sa isang batang lalaki na nawala dahil sa naanod ito ng isang matinding baha habang nagpi-picnic ang mag-anak nito sa isang riverside.

Ang cast ay relatively new: Darryl Wesley Shaw, Anna Luna, Gina Lumauig, Kenneth Dave Go, Patrick Villanueva, and Rommel Luna na nagbibida na rin sa ibang indie films.

Si Direk Jonah Añonuevo Lim ay nakapag-direct na ng pelikula titled Kaibigan. Siya ay nakatanggap ng "Impact the world" filmmaker award sa Indianapolis, USA. Ang kanyang WYSIWYG ay tinanghal bilang Best Foreign Film sa film fest na ginanap sa San Francisco.

Ang limang indie films ay for exhibition lamang and not in competition ngunit isang "Special Citation" ang ipagkakaloob sa bawa't indie film sa Gabi ng Parangal na gaganapin on December 26, 2010 sa Meralco Theater.

Sa nangyaring innovation na ito, marahil ay na-recognize na rin ng MMFF committee ang kahalagahan ng evolving world of indie cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa rin kay Chairman Tolentino, "This is our way of helping new filmmakers showcase their movies and to increase public awareness on these kind of films which are not commercially shown in local theaters but are internationally acclaimed in foreign film festivals."


Click here to visit PEP's microsite on the MMFF


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN