Governor Vilma Santos comments on Nora's return, Sharon-Aga feud, and Luis-Angel failed reconciliation

"Ako kasi, naniniwala ako na pag hindi natutuloy, hindi meant. Kung hindi ukol, hindi talaga bubukol," says Governor Vilma Santos about the failed reconciliation of son Luis Manzano and Angel Locsin.


Kailan lang nagkabati si Batangas Governor Vilma Santos at ang kaibigan niyang aktor na si Aga Muhlach matapos nang halos dalawang taon nilang "tampuhan."

Pero hindi na idinetalye pa ng Star For All Seasons ang pinag-ugatan ng kanilang "tampuhan" ni Aga.

"Huwag na, tapos na!" bulalas niya. "Huwag na nating ungkatin. Nandiyan na yung Agaton na...mahal na mahal ko 'yan.

"Kami naman ni Aga, yung tampuhan namin, tampuhang kaibigan lang 'yon. Hindi lang naman kami ang nagkakatampuhan sa show business.

"Kasi, ganun din ang problema—time. Hindi kami nagkikita talaga.

"Nung magkabati kami, times five naman!" sambit ni Governor Vi.

Noong birthday nga raw niya noong November 3, inabot ng "4 a.m." sa bahay niya si Aga.

Aniya, "Kahit saang kaibigan, ganun naman yun, di ba? That's one of those, natural lang 'yon."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Governor Vi sa Annabel's restaurant, sa Tomas Morato Avenue, kahapon, November 26.

SHARON-AGA TAMPUHAN. Kung sina Governor Vi at Aga ay nagkabati na, mainit namang pinag-uusapan ngayon ang "tampuhan" ni Aga at ni Sharon Cuneta.

Parehong malapit kay Vilma ang dalawa.

Sa concert kasi ni Ai-Ai delas Alas noong November 19 sa Araneta Coliseum, isa sa mga special guests ang Megstar, samantalang nasa audience naman si Aga.

Nang banggitin ni Ai-Ai kay Sharon na nanonood si Aga, ang naging tugon ng Megastar ay: "Sino siya?"

Naging laman ng mga pahayagan ang "pagtataray" diumanong ito ng Megastar kay Aga. Pero ayon kay Ate Vi, isa rin lang daw itong "tampong kaibigan."

"Kaya yung sasabihin natin, yung tampuhan ni Sharon at ni Aga, that's one of those," aniya.

"Sabi ko nga, tao rin kami. May mga time na may moods kami.

"But that doesn't mean na may tampuhan, parang malaking-malaking bagay na.

"Give them space, babalik at babalik din 'yan sa dati—parang kami rin ni Aga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakiusap pa ni Ate Vi, "Huwag na natin masyadong palakihin kasi magkaibigan yung dalawang 'yon.

"Pabayaan muna natin sila. Kasi minsan, gumagrabe, e.

"Kawawa naman because they're friends. So, let's give them space.

"Tingnan mo, magugulat na lang kayo, may pelikula na naman yung dalawang 'yon!"

NORA'S RETURN. Naitanong din kay Governor Vi ang tungkol sa nababalitang pagbabalik ng karibal nito sa pelikula at kumare sa tunay na buhay—si Nora Aunor.

Ayon sa report na lumabas dito sa PEP, mapapadali ang uwi sa Pilipinas ng Superstar kung may nakahanda nang project sa kanya at kung may mag-i-sponsor ng matitirhan niya habang nandito siya. (CLICK HERE to read related story.)

Kung saka-sakali, willing ba siyang isponsoran si Nora sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas?

"Alam mo, hindi ako pabor sa ganyang move. I don't think that's a pleasant move," sabi ni Governor Vi.

"In the first place, Nora Aunor 'yan. Nora is Nora.

"And issues like that, it's not good. Hindi ko gusto yung naririnig yung ganun.

"So, I'd rather not comment on that."

Pero sinabi naman ng Star for All Seasons na willing siyang gumawa ng pelikula with the Superstar, depende nga lang daw sa script at sa oras niya.

LUIS & ANGEL'S FAILED RECONCILIATION. Napadako rin ang usapan sa panganay na anak ni Governor Vi na si Luis Manzano at ang napurnadang pakikipagbalikan nito sa ex-girlfriend niyang si Angel Locsin.

"Ako kasi, naniniwala ako na pag hindi natutuloy, hindi meant. Kung hindi ukol, hindi talaga bubukol," sabi ng ina ni Luis nang tanungin ang kanyang reaksiyon dito.

Hindi ba siya nalungkot na hindi nagkabalikan sina Luis at Angel?

"Yeah, because naging close din sa amin si Angel. Mabait na tao naman si Angel," sabi ni Governor Vi.

"Nakakalungkot, pero ang point ko, kung hindi talaga sila para sa isa't isa, huwag nating pilitin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sana, bigyan naman natin sila ng space. Kasi minsan, pag nagagatungan, lalong gumagrabe, di ba? Let's give them space.

"If they're meant [to be together], I'm sure magkakabalikan.

"If they're not, ang sabi ko lang kay Luis, 'Luis, iwan mo yung friendship, and at the same time, iwan mo yung respect.'

"It's the most important thing that you can do, being a gentleman."

Nagkausap na ba sila ni Angel?

"The last time na nagkausap kami was medyo matagal na...cell phone. Nung second time na medyo lumalabas-labas sila ulit. But, that's the last time.

"So, I wish her the best. She's a good person," sabi ng actress-politician.

Tinawagan ba siya ni Angel nung birthday niya?

"Hindi naman, hindi naman... But it's okay, no problem," ani Governor Vi.

Ano ang advice niya kay Luis pagdating sa pag-ibig?

"Naku, Anak, take your time. Long way to go. Darating at darating yung para sa kanya.

"At pag dumating yun, I'm sure madidinig n'yo na lang. Kasi, sabi niya, pag dumating na raw 'yon, kasal na, e, di ba?

"I guess the most important thing is nakita niya yung tugma sa kanya. Yun lang 'yon."

Gusto na bang lumagay sa tahimik ni Luis?

"I really don't know," sagot ni Governor Vi.

"Basta ako, nandiyan lang sa tabi lagi ng anak ako. But I don't meddle, I don't impose.

"Basta ako, kung saan lumigaya ang anak ko, doon ako. At nandidito lang ako palagi for him."

GOVERNOR VI ALSO PLAYS THE LOTTO. Napuno naman ng malakas na tawanan ang kuwentuhan nang aminin ni Governor Vi sa press na tumataya siya sa lotto gaya ng maraming Pinoy.

"Ewan kung kasalanan, pero ano ba naman yung tumaya, di ba?" sabi niya.

One hundred pesos daw ang itinataya niya.

"Lima yun, di ba? Twenty [pesos] kasi isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malay mo! P600 [million]-plus na, e. Kung matiyempuhan mo, di ba?"

Kailan siya nagsimulang tumaya?

"Nung umabot na yata ng P400 million," natatawang sagot niya.

"Anong mawawala, e, isandaan naman, di ba?

"Pipili ka lang naman ng numero. E, kung suwertehin, di ba?"

Ano ang gagawin niya pag nanalo siya sa lotto?

"Kung mananalo ako, ipapa-raffle ko uli!" tawa niya.

"Biro lang! I don't know... I don't know."

Kailangan pa ba ng isang kagaya ni Ate Vi ang manalo sa lotto?

"Oo naman," sagot niya.

"You know, money is a necessity. But money is not everything. Tama?" sagot ni Ate Vi, na mahusay na talagang sumagot ma-showbiz o ma-politics man ang mga tanong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN