Governor Vilma Santos, Anjo Yllana, Joey de Leon: The stars get lotto fever

How does Batangas Governor Vilma Santos pick lotto numbers? "Bahala na, bara-bara na lang yan, basta lagi akong tumataya ng P100," she says, laughing.


Sa report ng StarTalk TX kahapon, November 27, Sabado, katulad ng isang mega-blockbuster movie, patuk na patok ngayon sa publiko ang lottery o lotto.

Ultimong mga celebrities ay naloloko na rin sa pagtaya dito. Sino nga ba naman ang hindi mae-engganyong makipagsapalaran kung halos pitong daang milyong piso na ang jackpot prize sa 6/55 o grand lotto draw?

Ininterbyu ng StarTalk TX ang ilan sa mga artistang tumataya or first time tumaya sa lotto, tulad ni Mark Herras...

"First time tumaya ako, kasi actually utos ng nanay ko," ang natatawang sinabi ni Mark.

"At tsaka nalaman ko na medyo nakakaloko yung ano, yung jackpot, di ba?"

Regular namang tumataya sa lotto si Batangas Governor Vilma Santos...

"Ewan ko kung kasalanan pero ano ba naman ang tumaya, di ba?

"Anong mawawala e pipili ka lang naman ng numero? E kung suwertihin, di ba," says Governor Vi.

Ayon naman kay Jackie Rice...

"Every ano lang, kung kailan mataas yung jackpot. "Nakakahiya, nangangarap," tumatawang pahayag ng magandang young female star.

Sinabi naman ni Anjo Yllana na...

"Twice a week. Lahat tayo ay nangangarap."

Si Joey de Leon naman ay pakuwelang nagsalita habang may hawak-hawak na mga lotto tickets na...

"Sa tingin ninyo ba sa itsura ko, ako'y tumataya sa lotto? Ano sa palagay ninyo? Bakit, bakit ninyo nasabi? Ano'ng pruweba ninyo na ako'y naglo-lotto? Sige, ha, may lakad pa ako!"

Katulad ng ordinaryong tumataya, ang mga artista ay may kanya-kanya ring paniniwala o basehan sa mga numerong tinatayaan nila sa lotto.

"Birthday-birthday, minsan pag may mga numbers na nakikita sa kalye," ayon kay Mark.

Birthdays at favorite numbers naman ang basehan ni Anjo.

"Age ng daddy ko or ng mama ko, ng mga kapatid ko, tapos pinaghahalu-halo ko na lang," ayon naman kay Jackie.

"Bahala na, bara-bara na lang yan, basta lagi akong tumataya ng P100," ang natatawang sinabi ni Ate Vi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lotto rin ang tema ng reality sitcom ng GMA 7 na Pepito Manaloto. Sa nasabing palabas, ipinakita ang mga pagbabago sa buhay ng pangunahing karakter na ginagampanan ni Michael V matapos itong manalo ng P700 million sa lotto.

Kung papalarin sila, ito ang mga plano ng mga celebrities sa prize money...

"Siyempre, sobrang daming pera naman nun, di ba? Alangan namang angkinin ko lahat iyon, siyempre tutulungan ko yung mga dapat tulungan," ayon kay Mark.

Sinabi naman ni Anjo na...

"Hindi naman sa nagpapakaplastik ako pero parang masarap gumawa ng isang... yung home for the yung mga taong-grasa? Ilalagay ko na sila sa isang bahay at bibihisan at pakakainin at aayusin ang kanilang kalagayan."

Para rin sa charity ang balak ni Jackie...

"Yung half nun ibibigay ko sa charity and yung half ng matitira ilalagay ko sa bangko. Yung half, pangnenegosyo, tapos yung iba sa panimula yung sa pamilya ko."

"You know money is a necessity but money is not everything," ang sinabi naman ni Governor Vilma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN